AUTUMN'S POV
"Wow!" Namamangha naming komento ni Lily paglabas namin sa main airport ng Amadeus.
"Ang ganda pala dito, Autumn!" masayang komento ni Lily saka tumingin sa akin.
"Oh," wika niya ulit saka ako inabutan ng panyo. Kinuha ko naman ito saka ginamit upang punasan ang mga luha ko.
May iilang tao na tumitingin sa akin dahil sa pag-iyak ko. Siguro ay iniisip nilang nababaliw na ako o di kaya ay over-acting lang ako pero para sa akin, dream come true na maituturing na nakatungtong ako dito sa Amadeus.
"Welcome to Amadeus. Ako si Farrah, ang inyong tour guide," masiglang pakilala nung babaeng lumapit sa amin. Napakaganda nito at matangkad pa. Aakalain mong flight attendant siya.
"Hi Farrah," wika ni Lily saka kumaway kay Farrah.
"Nice meeting you," I said after I cleared my throat. Baka mamaya isipin niya rin na ang drama ko dahil umiiyak pa ako kanina.
"Wag mo na itago yan. Normal scenario lang yan pag lumalabas ang mga turista," makahulugang wika niya saka pasimpleng nginuso ang likuran. Nilingon ko naman ito at nakita ko rin yung isang babaeng umiiyak na napaluhod sa kalsada. Kulang na lang ay halikan niya pa ang kalsada.
"So tara na para makapagpahinga na po kayo muna sa hotel," masiglang wika ni Farrah kaya nabalik ang atensyon namin sa kaniya.
Nagkatinginan kami ni Lily at sabay na tumango. Pagkatapos ay sinundan na namin si Farrah papunta sa aming service cab. Mabilis lamang kaming nakarating sa hotel na pinag-reservan ng publishing para sa amin dahil wala namang traffic dito sa Amadeus.
Nagpaalam muna si Farrah na iiwan kami upang makapagpahinga daw muna kami at babalikan na lang kapag tanghalian na. Nang makapasok kami ni Lily ay sabay kaming nahiga sa kama. Nilibot ko ang tingin sa kwarto. Mukhang mahal ang binayad ni Ms. Blossom rito sapagkat ang gara ng mga kasangkapan tapos makikita pa mula sa kwarto namin ang Mt. Aadhira, ang pinakamagandang bundok rito sa Amadeus. Nadako naman ang tingin ko kay Lily na abala sa pagkuha ng mga larawan niya habang nakahiga. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
"Anong ngini-ngiti mo diyan, Autumn?" kunot-noong tanong sa akin ni Lily saka niya ibinaba ang cellphone niya.
"Wala lang. Thank you, ha," pahayag ko kaya mas lalong kumunot ang noo niya.
"Salamat para saan?" tanong niya saka bumangon sa pagkakahiga.
"To everything," sagot ko naman sa kaniya.
"Anong everything ka diyan?" tanong naman niya.
"Alam mo na yun..." sagot ko pero naguguluhan niya pa rin akong tiningnan. Aish, hindi pa naman ako sanay maging vocal sa nararamdaman ko.
"I mean, thank you for being there since I was starting. Ikaw yung sumuporta sa akin hanggang sa makarating na ako dito," sinserong turan ko sa kaniya. Tinitigan naman niya ako.
"Ano sinasabi mo diyan? Bakit ang drama mo?" natatawang komento niya, "saan ka man makarating proud ako sa iyo at syempre ako yung #1 supporter mo," dagdag niya pa kaya napangiti ako.
"I'm so blessed to have you in my life," nakangiting wika ko sa kaniya.
"Me too..." saad niya, "salamat din dahil sinama mo ako dito," dagdag niya pa.
Natawa tuloy ako, "syempre isasama kita kahit inaaway mo ko tungkol sa Amadeus," pang-aasar ko sa kaniya.
Ngumuso naman siya, "eh paano puro Amadeus, Archie, at The Blazing Star na lang ang bukang bibig mo, nakakaloka ka," paliwanag naman niya.
BINABASA MO ANG
CDS #4: Loving You From Afar
Romance"Ang mahalin siya sa malayo ay kaligayahan na ng puso ko. Mahirap mang makuntento dito ay ayos lang para sa pinakamamahal ko." - Autumn Gale Revierra Si Autumn Gale Revierra ay isang manunulat na ang tanging hangarin ay maabot ng kaniyang mga akda a...
