KABANATA 2: BOOK SIGNING

133 10 16
                                    

AUTUMN'S POV

Matamlay kong binabagtas ang daan papunta sa agency na pinagtatrabahuhan ko. Nanghihinang umupo ako sa workstation ko. Hindi ko pa rin talaga matanggap na yung pinag-ipunan ko para sa concert ay hindi ko magagamit. Hindi ko naman pinagsisisihan na ibinigay ko sa mga magulang ko ang naipon ko pero may panghihinayang lamang dahil halos abot kamay ko na sana ang pangarap ko na makita si Archie.

"Oh, bakit parang pinagsukuluban ka ng langit at lupa diyan," wika ni Sasha ng mapansin niya akong nangalumbaba sa mesa ko. Hindi ko na lamang siya sinagot at bumuntong hininga.

"Nga pala, naka-in na ako sa pre-order site nung ticket selling ng The Blazing Star. Anong seat number ang gusto mo?" tanong niya muli.

Malungkot akong ngumiti sa kaniya, "pass muna ako Sasha. Napadala ko na kasi sa probinsiya yung pambayad ko."

"Ganoon ba? Eh kahit general admission ka na lang or lower box. Alam ko naman na gusto mong pumunta," pagkumbinsi niya sa akin na inilingan ko naman.

"Pang budget ko na lang kasi hanggang sa susunod na sahod yung pera ko ngayon. Baka next time na lang. Marami pa namang susunod," wika ko sa kaniya saka pilit na ngumiti.

"Sayang naman pala kung ganun lalo na ang tagal mong hinintay to," malungkot na pahayag ni Sasha.

"Baka hindi pa ito ang tamang panahon para magkita kami. Pero I am sure, it will happen," determinadong turan ko.

Kahit na masyadong suntok sa buwan na makaharap si Archie at maibigay sa kaniya yung ginawa kong regalo para sa kaniya ay handa ako makipagsuntukan sa buwan makita ko lang siya.

"Ayan ang Autumn na kilala ko," natatawang wika niya kaya naman napangiti din ako.

"Salamat, Sasha," sinserong turan ko sa kaniya.

Ngumiti naman ito, "walang anuman, my favorite author," saad niya saka kumindat sa akin.

Natawa na lamang ako sa sinabi niya pero deep inside ay kinikilig ako dahil isa talaga si Sasha sa mga masugit kong mambabasa. Almost laging siya ang first buyer ko sa tuwing lumalabas ang mga libro ko.

"Oh sige na, back to work na tayo," tanging nasabi ko na lamang.

Ngumiti naman siya saka bumalik sa pwesto niya. Nakangiting hinarap ko na lamang ang akong computer at nagsimulang gawin ang mga naiwan kong trabaho kahapon.

***

Pasado alas singko na kaya naman nagligpit na ako ng gamit dahil maya-maya ay uuwi na din ako pagkaoff ko sa work. Kailangan ko na kasing magsulat. Buti na lamang malungkot ako ngayon kaya may paghuhugutan ako ng inspirasyon sa break-up scene na isusulat ko mamaya.

Palabas na sana ako ng agency ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko namang tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong ang editor ko pala ito sa pubhouse ay agad ko itong sinagot.

"Hello ate Mich," wika ko habang naglalakad papuntang waiting shed.

[ Autumn kanina pa kita kinokontak. Bakit ngayon ka lang sumagot?! ]

Halatang galit ito kaya napakamot ako ng batok kahit pa hindi niya ako nakikita, "pasensya na ate Mich. Nasa trabaho kasi ako kanina. Alam mo namang bawal ang gadgets sa opisina," paliwanag ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito.

[ Sorry, sorry nadala lang ako ng emosyon. Ito kasing mga head natin ay minamadali akong kontakin ka! ]

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya, "bakit po? Anong kasalanan ko?"

CDS #4: Loving You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon