AUTUMN'S POV
"I can't believe na andito na naman tayo sa Amadeus," masayang bulalas ni Lily paglabas namin sa arrival area.
Napangiti naman ako, "pero mas matagal na tayo dito," saad ko sa kaniya.
"Thank you, Autumn," sinserong turan niya saka hinawakan ang mga kamay ko.
"Tama na, quota ka na sa pagpapasalamat mo diyan," natatawang biro ko sa kaniya. Ayaw ko naman na mag-emote kami dito sa airport.
Natawa naman siya dahil sa sinabi ko. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa exit ng airport pagkatapos naming kuhain yung mga luggage namin. Masama kong tiningnan si Lily ng bigla niya akong hampasin.
"Ano ba yun?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita at parang naka-awang lang ang bibig niya. "Ano ba yun? Para ka namang nakakita ng multo, eh," pahayag kong muli.
Imbes sagutin ako ay may itinuro siya kaya naman sinundan ko ito ng tingin. Napa-awang din ang bibig ko ng makilala ko ang itinuro niya. Ano ang ginagawa niya dito?
"A-A-Archie?" nauutal na tawag ko sa kaniya. Kahit pa kasi naka-shades at facemask ito ay sigurado na akong siya iyon.
Lumapit naman ito saka ako sinenyasan na wag maingay, "baka magka-stampede," wika niya saka hinawakan yung maleta ko.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. Nagulat talaga ako na narito siya ngayon.
"I was in the area, so I volunteered na sunduin ka," sagot naman niya.
Sabay kaming napalingon ni Archie noong tumikhim si Lily, "just in case lang nakalimutan niyo, andito ako," komento niya saka bahagya akong hinatak papalapit sa kaniya.
"Oh hi! Ikaw si Lily, tama ba? Yung isa sa mga new make-up artist namin?" paninigurado ni Archie.
Tumango naman si Lily, "yes! The one and only," bibong sagot nito kaya naman natawa na lang kami ni Archie.
"Anyway, let's go na bago pa may makapansin sa akin," pag-aya niya sa amin saka kinuha yung maleta rin ni Lily.
Umangkla naman sa akin si Lily na ang lawak na ngiti saka kami nagsimulang maglakad tatlo. Habang naglalakad ay pinagtitinginan kami ng ibang kababaihan pero wala ni isa man ang nagtangka lumapit sa amin. Mukhang contemplating ata sila kung namamalikmata sila or hindi. Well, mabuti na din yun para hindi magka-stampede dito sa airport.
"Excuse me..."
Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng paghinto naming tatlo sa paglalakad ng may magsalita sa aming likuran. Nagkatinginan pa nga kami dahil hindi namin alam kung sino ang unang haharap sa nagsalita.
"Y-yes?" kinakabahang tanong ko sa kaniya paglingon ko sa kaniya.
"Sorry to bother you. Ang kulit kasi nitong kapatid ko," panimula niya saka tinuro yung kapatid niyang sa aking palagay ay katorse ang edad. Ngumiti naman ako sa kaniya kahit na kinakabahan pa din ako.
"I-ikaw po ba si Ms. IamNobodyButMe?" tanong niya sa akin saka pinakita ang librong hawak niya.
Naging natural ang ngiti sa labi ko noong makita ko na librong isinulat ko nga ang hawak-hawak niya. Dahan-dahan naman akong tumango sa kaniya. Kumislap naman ang mata nung babae dahil sa naging sagot ko.
"Pwede po bang magpa-autograph at picture po?" tanong niya sa akin.
Nilingon ko naman si Archie at Lily upang sabihing saglit lang ngunit hindi ko na nakita pa si Archie samantalang tinanguan lamang ako ni Lily. Nasaan na kaya si Archie?
"Sure," nakangiti kong sagot sa kaniya saka kinuha ang pentel sa bag ko.
Lagi kasi ako may dalang ganun in case may magpapirma nga sa akin. Inabot naman niya ito sa akin kaya naman mabilis kong kinuha ito saka pinirmahan. Pagkatapos ay lumapit na ito sa akin at ang kuya naman niya ang kumuha ng litrato namin.
BINABASA MO ANG
CDS #4: Loving You From Afar
Romance"Ang mahalin siya sa malayo ay kaligayahan na ng puso ko. Mahirap mang makuntento dito ay ayos lang para sa pinakamamahal ko." - Autumn Gale Revierra Si Autumn Gale Revierra ay isang manunulat na ang tanging hangarin ay maabot ng kaniyang mga akda a...
