AUTUMN'S POV
"Hindi na ako magpapaligo-ligoy pa, Ms. Rivierra. I want you to be the new manager of The Blazing Star." ani ni Ms. Shina
"P-p-po?" nagugulantang kong tanong sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko.
"Take a seat, so we can talk properly," paanyaya niya saka tinuro ang bakanteng upuan sa harap niya. Nanginginig naman akong umupo. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react sa sinabi niya.
"I know na this is so sudden, but I've been eyeing you since last year para pumalit sa akin," seryosong wika niya sa akin.
"Po? Bakit ako po?" tanong ko sa kaniya.
"Well, aside from the fact na I know you love the boys so much, I also see yung mga past talents na hinawakan mo. They become successful with your help," paliwanag niya.
"Naku po, hindi po totoo iyan," nahihiyang pagtanggi ko sa papuri niya.
Ngumiti naman ito sa akin, "you know that's true," saad niya.
Malungkot naman akong ngumiti sa kaniya, "if totoo po iyon, bakit kaya iniiwan ako ng mga talents ko?" pahayag ko saka napayuko.
"It's not your fault. They reached their dreams because of you pero hindi natin sila mapipilit na mag-stay sa pangangalaga natin if they want to leave, they'll leave no matter what we do," pagpapalakas niya ng loob ko saka hinawakan ang kamay ko. "Please consider my request," wika niya
Nanatili akong tahimik dahil hindi ko talaga alam kung paano ako magrere-react sa sinasabi niya. Yung opportunity na ibinibigay niya sa akin is both a previlage and a big responsibility. Kung tutuosin ay sobrang nakukutuwang maging choice upang pumalit kay Ms. Shina, but I am pressure since the huge success of The Blazing Star is hard to maintain.
"I know you are still doubting yourself but your love for the boys is unquestionable. Archie told me what you did sa bookstore and how you respect his boundary and privacy with your one-on-one interaction. I know you can do the job," pangkukumbinsi niya sa akin.
Bumuntong-hininga ako bago siya sinagot, "I don't know Ms. Shina," walang kumpyansa kong tugon sa kaniya.
May inilapag siya sa lamesa bago tumayo, "here's my calling card, I'll wait for your call," saad niya kaya naman matiim ko siyang tiningnan. "Have a nice day, Ms. Revierra," wika niya saka ako nilagpasan.
Dahil sa gulat ay hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya. Nakagalaw lamang ako noong marinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto. Kinuha ko sa lamesa ang calling card na iniwan ni Ms Shina at tiningnan ito. Is this opportunity worth trying for?
***
Wala ako sa sarili nang pumasok ako sa apartment namin ni Lily. Narinig ko pa ang pagbati niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at nag dire-diretso lamang papunta sa kusina. Pagdating ko roon ay pumunta lamang ako sa ref upang kumuha ng tubig.
"Anong nangyayari sa iyo? Okay ka lang ba?" rinig kong tanong sa akin ni Lily habang umiinom ako ng tubig.
Umupo muna ako bago siya sagutin, "o-oo, may nangyari lang sa work," panimula ko.
Lumapit naman ito saka umupo sa upuan sa gilid ko, "what? Anong nangyari?" tanong niya sa akin.
"Pumunta kasi si Ms. Shina sa office kinausap ako," pagkukwento ko sa kaniya.
"Who is Ms. Shina? Saka bakit ka niya kinausap?" tanong niya sa akin.
"Si Ms. Shina yung manager ng The Blazing Star," tugon ko.
BINABASA MO ANG
CDS #4: Loving You From Afar
Dragoste"Ang mahalin siya sa malayo ay kaligayahan na ng puso ko. Mahirap mang makuntento dito ay ayos lang para sa pinakamamahal ko." - Autumn Gale Revierra Si Autumn Gale Revierra ay isang manunulat na ang tanging hangarin ay maabot ng kaniyang mga akda a...