KABANATA 15: BOND

50 2 0
                                    

KABANATA 15: BOND

AUTUMN'S POV

"... I am hoping that you will win it... for us... for you... for me..."

"Huy babaita bumangon ka na diyan!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng boses na aking narinig. Pipikit-pikit pa ko nung sinamaan ko ng tingin ang babaitang nanggising sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" humihikab na turan ko saka kinusot ang mga mata ko.

"Andito ako para i-comfort ka dapat since kinausap ako ni Ms. Shina.... tapos ang maaabutan ko dito ay ikaw na disney princess na sobrang lawak ng ngiti habang nanaginip," nakapamewang na turan niya sa akin. "Muntik na talaga akong tumawag sa mental buti nagising ka," dagdag niya pa.

Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Grabe, kaibigan ko ba talaga ang babaing ito?

"Ano ba yung napapanaginipan mo at kung makangiti ka ay wagas-wagas," tanong nito bago umupo sa paanan ng kama ko.

"Si Archie kasi..." turan ko saka tumingin sa side table ko.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng maalala ko ang pag-uusap namin kagabi. Napatingin pa ako sa side table kung nandun yung baso na ibinigay niya sa akin kagabi para masigurado ko na hindi panaginip ang lahat ng yun. Nung makita ko ito ay mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Girl, nakakatakot ka na," komento ni Lily kaya napatingin ako sa kaniya at halata sa mukha niya na kinikilabutan talaga siya.

"Che!" pabirong singhal ko sa kaniya saka nag-unat. "Bakit ka nga nandito?" tanong ko muli sa kaniya. Hinampas naman nito ang binti ko.

"Sinabi ko na kanina, tulog pa ba diwa mo?!" singhal nito sa akin.

"Sorry na," natatawang wika ko saka nag-peace sign sa kaniya. "Pero alam ko na hindi ka rin pupunta dito ng ganito kaaga para lang diyan," saad ko sa kaniya.

"Aish! Anong maaga? Mag-a-alas dose na ng tanghali! Yung mga alaga mo, todo praktis na tas ikaw mahimbing pa ring natutulog diyan," parang nanay nitong saway sa akin.

"What?!" nahihibang kong bulalas dahil sa sinabi niya saka tumingin sa oras. Jusko, I overslept. "Bakit hindi mo ako ginising agad?!" natatarantang wika ko saka tumayo at lumapit sa cabinet upang kumuha ng pamalit na damit

"Hindi ka nila pinagising kanina," paliwanag naman niya kaya sandali ko siyang tiningnan. "I don't know how much it affect you pero dapat alam mo nung nag-decide ka na maging manager nila, you should have been ready," seryosong turan niya sa akin. "Isa pa as their manager, ikaw ang dapat prumotekta sa kanila, not the other way around."

Sinasabi ko na nga ba, hindi siya nandito para i-comfort ako but to speak some sense sa akin. Buti na lang may ganito akong bestfriend na hindi takot itama ako kahit alam niya na possible masaktan ako.

"I know that." seryosong turan ko. "Hindi na padadaig 'to kahit anong mangyari," determinadong turan ko sa na nagpangiti naman sa kaniya.

"Mukhang gising ka na nga," turan niya. "Oh siya, bilisan mo na mag-asikaso diyan at samahan mo kong bumili ng kakainin natin sa tanghalian," wika niya.

"Anong bibili? Ipagluluto ko sila..."

***

"Aba, may fiesta!!!"

Napatigil ako sa paglapag ng mga plato sa mesa ng marinig ko ang excited na boses ni Dylan. Napatingin naman ako sa kaniya at kitang-kita sa mga mata niya ang kasiyahan dahil kumukinang talaga ito. Hindi ko tuloy mapigilang matawa. 20 years na si Dylan pero kung umasta ay para paring bata palibhasa na-spoil ng mga kuya niya.

CDS #4: Loving You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon