Chapter 8

89 5 0
                                    

Sa wakas ay nagkasamang muli ang dalawang taong nagmamahalan na minsa'y tinutulan ng kanyang ina. Ang dalawang pusong pinaghiwalay ng mapaglarong tadhana ay muling pinagtagpo.

Kahit gumising pa sa hukay ang kanyang mama at itanggi ang ginawa niya'y mas paniniwalaan ni Yra ang buhay na patunay ng paninira niya ng isang relasyon.

Ang buhay na patunay na 'yon ay walang iba kundi si Camiro, her father's biological son. She is just two months older than him. Her mama is two months pregnant when she informed her papa about it, meaning tita Flor is also pregnant at that time.

Marahil kung mas maaga lang sigurong nalaman ng papa niya na buntis ang tita Flor niya'y hindi niya magagawang pakasalan ang kanyang mama.

And how did her father who loves his girlfriend got her mama pregnant? A spoiled rich girl like her mother has many ways.

Minsan talaga, ang kamatayan ng isang tao ang magpapasaya sa iba.

Ngunit para saan nga ba ang mga pagsubok na 'yon ng kanyang papa at tita Flor? Para tumibay ang kanilang pagsasama? Para sa mala-MMK at Magpakailanman na kuwento? At bakit naging parte pa siya ng pagsubok na 'yon?

Kaya ba siya isinilang para ipagpatuloy ang role ng kanyang mama? Siya na ba ngayon ang naatasang sumubok sa pagsasama nila? Kung oo, pasensya na dahil hindi na siya papayag. Hindi siya fan ng ma-dramang kuwento lalo na kung nasa loob siya mismo ng kuwentong 'yon.

Tama na ang minsang paggamit sa kanya ng mama niya upang manira ng relasyon.

"Hmm, ang cute natin dito ha."

Napatingin siya sa kaibigang abala sa panonood ng larawan nila na kuha sa kasal ng kanyang papa at tita Flor. Yep, they finally got married.

"In fairness ha, ang guwapo talaga ng kapatid mo."

Agad naman niyang sinaway si Nelmi nang masigurong malayo si Erol sa kanila. Nasa pila sila ni Camiro na bumibili ng pagkain.

"Ikaw ha, sinabi ko na nga sa 'yo na huwag mong mapuri-puri si Camiro kung ayaw mo ng tampuhan."

Paulit-ulit niyang sinabihan ang kaibigan na lumayo kay Camiro pero hindi siya nito pinapakinggan. Siya tuloy ang gumawa ng paraan upang paglayuin sila.

Sa mga nagdaang araw bago ang kasal ng kanilang mga magulang ay ginugol niya ang halos lahat ng free time niya sa pakikipag-usap at pagkuha sa loob ni Camiro.

"Hays, kung sinu-sinong pinagseselosan no'n eh. Sadyain ko kaya siyang pagselos−" tumigil ito saglit habang nakatingin sa harap. "Shhh, parating na sila."

Bahagyang natawa si Yra sa inasal ng kaibigan. Magaling lang itong magsalita pero hindi naman niya kayang gawin.

"Thank you Camiro!" Hindi nagtagal ay dumating nga ang pagkain nila. Nginitian niya ang kanyang kapatid ngunit sa halip na gantihan siya nito ng ngiti o mag−welcome man lang ay hindi siya nito pinansin.

May pagka-Asher 2.0 nito eh. Pero 'di bale, mas hahabaan pa niya ang pasensya bilang isang mabuting ate. At malayo naman ang ugali nito kay Asher, kahit minsan ay hindi siya namamansin ay ginagalang naman siya nito bilang ate.

Siya mismo ang namilit kay Camiro na sumabay sa kanila. Siyempre hindi niya 'yon gagawin kung hindi niya nasisigurong walang mangyayaring selosan. Hinayaang niyang maupo ito sa bandang kaliwa niya habang si Nelmi ay nasa kanan niya na katapat ni Erol. Literal na namagitan siya sa dalawa.

"Hmm, mapapadami na naman ang kain ko ngayon. Thanks babe!"

"You're welcome babe!"

Napailing na siya sa usapan ng magkasintahan. Magkalayo sila sa isa't-isa pero nakuha pang maglambingan. Ayos din 'yon para makita ni Camiro kung gaano nila kamahal ang isa't-isa at baka sakaling ito na mismo ang dumistansya sa dalawa.

I Can Only Love You Reluctantly (A LIGHT NOVEL)Where stories live. Discover now