Chapter 24

30 1 0
                                    

(Raw)

"Paano ba 'to?"

Napakamot na lang ng ulo si Yra habang kinakalikot ang latest brand ng x phone na siyang sikat sa mga kabataan ngayon.

Nahulog at nagkalat ang box at mga laman nito sa loob ng sasakyan ngunit wala siyang balak na pulutin ito. Bukod kasi sa umaandar ang sasakyan ay katabi pa niya ang kanyang kapatid. Nakapikit ito na tila natutulog kaya ayaw niyang istorbohin.

Nitong nakaraang bakasyon ay mukhang napalapit na yata ang loob ni Camiro sa kanila ng kanyang papa kaya hindi na ito tumangging manirahan sa kanilang bahay buhat nang nakauwi sila. Hindi man naging maganda ang karanasan niya roon ay natutuwa pa rin siya dahil kahit paano'y may maganda itong naidulot sa kanilang pamilya.

Kung ano ang hindi magandang karanasan na 'yon ay ayaw na niyang maalala pa.

Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa x phone na hawak niya. Kanina lang 'yon ibinigay ng kanyang yaya bago sila pumasok sa sasakyan. Hindi pa ito nagsasalita'y alam na niya kung kanino ito galing.

Walang iba kundi sa kanyang paboritong ninong. Sa halos lahat yata ng mahahalagang araw sa buhay niya at mga special holidays ay hindi ito pumalyang magbigay ng regalo. Pikit-mata na lang niya itong tinatanggap. Declining isn't a choice for her.

Iniisip na lang niya na sa dami ng pera ng kanyang ninong ay wala na itong mapagtaguan at ang pagtanggap sa mga binili nitong regalo ay isang tulong.

"Dito na po ako bababa."

Napatingin siya kaya Camiro nang bigla itong nagsalita. Akala niya'y natutulog ito. Nagtaka siya nang huminto ang sasakyan sa hindi pamilyar na lugar.

"Teka, wala pa tayo sa school ah." Kaya pala hindi pamilyar dahil malayo pa 'yon sa University. Hindi kasi siya mahilig na tumingin-tingin sa paligid tuwing nakasakay siya.

Pinanood na lang niya ang likod ng kanyang kapatid na papalayo. Balak niya itong sundan ngunit mabuti na lang at napansin niya ang isang pamilyar na mukha sa di kalayuan - si Cecilia.

Unti-unting tumaas ang gilid ng kanyang labi nang masigurong sa direksyon nito papunta si Camiro.

Sa halip na sundan ay sinabihan niya ang driver na magpatuloy sa pagda-drive. Bago sila umalis ay ipinag-utos niyang daanan nila ang dalawa.

Hindi niya pinalampas na obserbahan ang mukh ng mga ito. Seryoso si Camiro katulad ng dati habang halatang nahihiya at namumula naman si Cecilia.

Sadyang humina ang takbo ng sasakyan nang tumapat ito sa dalawa. Kumaway si Yra sa mga ito at kumindat pa kay Cecilia bago sila tuluyang nalampasan.

'Yon ang ikatlong pagkikita nila. Hindi ito nag-reply sa mga mensahe niya noong nakaraang taon kaya siya mismo ang lumapit dito. Madali lang naman siyang hanapin dahil kusa itong nagpakita sa paborito niya milk tea shop. Isa kasi siyang crew sa Aun-TEA Helen.

Bilang pagpapakita sa pagtanggap niya rito bilang future sister-in-law ay iniregalo niya ang make up kit na dapat ay welcome gift niya kay Camiro. Para naman sana 'yon kay Camiro kaya ayos lang na mapunta iyon sa kanyang kasintahan.

"Happy New Year!" bati niya sa mga nakakasalubong niya. Hindi mabura-bura ang kanyang ngiti habang papunta sa kanilang classroom.

Maganda ang gising niya kaninang umaga at lalo pang pinaganda ng nasaksihan niyang lovelife ng kanyang kapatid. Sana lang ay walang sisira sa araw niya.

Pagliko niya sa hallway na papunta sa room ay namataan niya ang grupo ng mga babaeng nag-uusap. Hindi naman sila nakaharang sa daan kaya malaya pa rin siyang makakalakad doon nang hindi nang-iistorbo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Can Only Love You Reluctantly (A LIGHT NOVEL)Where stories live. Discover now