Chapter 5

93 4 0
                                    

"Sige naman na o, please?"

Sa tanang buhay niya, noon lang nakaranas ng desperasyon si Yra to the point na paulit-ulit ang paghingi niya ng pabor sa isang tao.

"Kung ano man ang nagawa ko noon, I'm sorry, pero walang kinalaman 'yon sa personal na buhay natin."

Since lunch break ay sinimulan niyang makiusap dito ngunit tila hangin kung  ituring siya nito. Pero siya ba ang tipo ng taong madaling sumuko? Hindi! Kaya hindi niya ito tinantanan. Sinundan niya ito, at susundan kahit na saang sulok siya ng school pupunta.

"'Di ba nag-sorry na ako sa 'yo? Okay, I mean it. Kaya please naman help me kahit ngayon lang. Mino-monitor na kasi ako ni Ms. Salvacion at kapag hindi raw ako nagpasa bukas, talagang tatanggalin niya ako as a journalist. Ang unfair nga eh, ako palagi ang nakikita niya, kaya sige na please, tulungan mo na ako Asher."

Yup, si Asher ang kinukulit at sinusundan niya ngayon. Si Asher na sinusubukan niyang kalimutan. Si Asher na ipinangako niyang hindi na niya lalapitan kahit na anong mangyari.

Well, puwede naman sigurong mag-extend siya ng isang araw, 'di ba? 'Di ba? Isang araw lang naman, pagkatapos ay hindi na talaga niya ito papansinin at kakausapin.

"Just this once Asher, after this, kahit na ituring mo ulit akong hangi..." naputol ang sinasabi niya nang sumalubong sa kanyang mukha ang isinaradong pintuan. Ilang inches lang ang layo sa mukha niya! Kung hindi pa siya napaatras ng konti ay pantay na marahil ngayon ang ilong niya sa kanyang mukha!

Bastos! Walang modo! Walang puso! Manhid! Kulang sa aruga! Pangit... ah, hindi naman.

Punung-puno na talaga si Yra kaya ang pagsarado ni Asher ng pintuan sa kanyang mukha ang naging hudyat ng pagsabog ng kanyang galit. Gayunpaman, nagawa pa rin niyang itama ang huling tawag niya rito. At naiinis siya sa sarili dahil doon.

Bakit, hindi ba puwedeng tawaging pangit ang hindi pangit? Hmph!

That's it! Sawa na siyang magbait-baitan sa lalaking hindi pumapansin sa kanya. Hindi na siya ang dating Yra na natatakot magalit sa harap ni Asher. Ngayon ay ipapamukha naman niya sa lalaking 'yon kung paano siya magalit!

Inilibot niya ang kanyang paningin, sinisigurong walang ibang tao sa paligid. Ngunit bakit hindi pamilyar sa kanya ang lugar na 'yon? Sa pangungulit niya habang sinusundan si Asher ay hindi na niya napansin ang pinupuntahan nila.

Itinaas niya ang manggas ng kanyang uniform bilang paghahanda sa pagsugod. Naging matalim din ang kanyang tingin sa nakasaradong pintuan habang hinihintay ang paglabas ni Asher. Ang walang hiyang lalaking 'yon, iligaw ba naman siya!

Mayamaya lang ay napansin niya ang paggalaw ng doorknob. Napangisi siya. This is it!

At bago pa man iluwa ng pintuan ang taong hinihintay niya, ipinagsigawan na niya rito ang laman ng kanyang puso.

"I hate you Asher Cruz Ibañez! Bakit ba ang hirap mong kausapin? Bingi ka ba o talagang pipi ka lang? Mahirap bang sagutin ang tinatanong ko? Kung ayaw mo akong tulungan, sabihin mo lang na 'no, I don't want to help you,' e di tapos. Hindi 'yong ginagawa mong invisible ang tao. I really, really hate you to death!" Gigil na gigil niyang bulyaw rito.

Matapos ilabas ang sama ng kanyang loob ay halos habulin ni Yra ang kanyang hininga. Pero 'di bale, nakakagaan naman ng pakiramdam.

Ngunit hindi pa siya kuntento, gusto pa niyang makita ang reaksyon ni Asher. Nagulat ba ito dahil first time niyang magsalita ng ganon sa kanya? Hah! Akala ba nito hindi niya makakayang gawin 'yon? Puwes nagkakamali siya.

Proud na proud pa siya sa sarili habang ini-imagine ang reaksyon ni Asher, ngunit bago pa man niya masilayan ng mabuti ang mukha nito'y kumunot ang kanyang noo nang dumiretso ang tingin niya sa loob ng room.

I Can Only Love You Reluctantly (A LIGHT NOVEL)Where stories live. Discover now