Chapter 7

93 5 0
                                    

A/N:

Wow, this novel of mine reached 100+ reads. This is no small number for a starter like me. Thank you for being one of that hundred!

Hoping to gain more not just read and vote but also recognition.

So, if you enjoyed this chapter, please vote and comment to show your support. You are also encouraged to share it to your family, friends, fb friends, classmates, and even your crush hihi.

P.S.

As a compensation since I started this chapter with an author's note, I will make this chapter longer, 2x than the regular update. Enjoy~

}{}{}{

CHAPTER 7

Okay lang na wala akong lovelife basta succesful ang lovelife ng kaibigan ko.

That's what Yra was thinking as she hurriedly packed all her belongings. Kahit nagkanda-lukot-lukot na ang mga papel ay hindi niya magawang ayusin dahil sa pagmamadali.

Nakatanggap siya ng text message mula sa kaibigan kani-kanina lang habang nakatanaw siya sa hallway na papunta sa classroom nina Asher.

Nelmi's message informed her about their new classmate's arrival. Hindi naman 'yon big deal sa kanya kung hindi lang dahil sa karugtong na text nito.

Ang guwapo bessie, I think I'm inlove na may emoji pa ng mukha na dalawang heart ang mata.

She was not in a hurry to have a glimpse of that so-called handsome transferee, she was in a hurry to save a relationship.

Kilalang-kilala na niya ang kanyang kaibigan. Mahina ito sa mga guwapo kaya kahit may boyfriend na ito'y nagkakaroon pa rin siya ng crush, lalung-lalo na kapag may new face.

Minsan nga'y pinag-aawayan nila ito ni Erol. Mabuti na lang talaga't isa siyang mabuting kaibigan at minsa'y nagagawa niyang pigilan ang pagha-hunting nito.

Matapos makapagpaalam kay Chief Ed ay dali-dali siyang lumabas sa office. Sa sobrang pagmamadali ay mas malakas pa sa dati ang tunog ng pagtama ng de-takong niyang sapatos sa sahig.

Dahil dito, malayo pa man siya sa room 303 ay nakatingin na sa bintana ang mga estudyante sa loob, inaabangan ang pagdating niya. Ngunit hindi inaasahan ng mga ito ang paglampas niya sa kanilang classroom nang hindi man lang lumilingon. Nagkatinginan ang mga ito bago awtomatikong napalingon kay Asher.

Maging si Erol ay kumunot ang noo, ngunit hindi katulad ng kaklase, ibang bagay ang inaalala niya. Inilabas niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Nelmi. Itatanong niya rito kung may klase sila dahil nakita niyang pakalat-kalat sa hallway si Yra. Saktong wala rin silang klase, magde-date sana sila kung talagang wala ngang klase sina Nelmi.

Habol-hininga si Yra pagdating sa first floor kung saan matatagpuan ang kanilang classroom. Hindi pa man nakakapagpahinga'y hinanap niya agad ang kanyang kaibigan.

"Nasan si Nelmi?" tanong niya kay Cheska na seatmate ni Nelmi nang hindi niya ito matagpuan.

"Nasa labas, nag-volunteer kasi siya na i-tour ang tranferee natin. Ang guwapo niya be." Nagniningning ang mga mata nitong sagot sa kanya.

Tumaas ang kilay ni Yra. "Guwapo pala bakit hindi ikaw ang nag-volunteer na mag-tour sa kanya?"

"May laban ba naman ako sa babaeng 'yon pagdating sa guwapo? Nga pala, kanina pa tumatawag ang boyfriend niya."

Iniabot nito sa kanya ang cellphone ng kaibigan. At kasalukuyan pa talagang tumatawag si Erol.

Napabuntung-hininga na lang si Yra. Ang babaeng 'yon talaga, may kasama lang siyang guwapo, pati cellphone nakalimutan niya.

I Can Only Love You Reluctantly (A LIGHT NOVEL)Where stories live. Discover now