Chapter 12

82 5 0
                                    

Kapag nasanay ka na sa isang bagay o sa isang pangyayari, 'yong araw-araw mong nakikita at nararanasan, madali mo na lang mapapansin kung may iba o may mali sa kanila.

Yra is not used to Nelmi skipping class. Buong first period itong wala, saka lang ito pumasok noong natapos ang klase nila. Hindi rin niya ito nagawang kausapin dahil sunud-sunod na ang klase nila sa hapon na 'yon.

Hanggang sa uwian ay hindi sila nakapag-usap nang maayos dahil nagpaalam kaagad itong umuwi.

Kinabukasan ay late naman itong dumating, nagsisimula nang magturo ang kanilang guro. Saka lang niya ito nakausap nang maayos noong break time na nila. Kaso nga lang, wala siyang nakuhang matinong sagot mula rito. Nagsisisi tuloy siya kung bakit niya iniwan ang mga ito sa cafeteria.

Mas lalong wala siyang makukuhang sagot kay Camiro dahil dinadamdam yata nito ang pagtangay niya sa mango shake niya.

Puwede rin naman niyang itanong kay Erol kung anong nangyari kahapon ngunit alam niyang hindi rin siya maniniwala sa isang side lang.

Ang pinakamainam niyang gawin ay sumabay sa kanila sa lunch upang makausap ang dalawang panig at makita ang buong pangyayari.

.

Sa cafeteria...

.

"Hi, puwede bang sumabay sa inyo?"

A voice as sweet as an angel sounded behind Yra. She slowly looked back and saw what she described as a cute and innocent angel.

She has a small and fair face and almost everything a girl wished to have is seen on her face; eyebrows, curly eyelashes, small and pointed nose, pink kissable lips, and a pair of mesmerizing eyes.

Well actually, Yra has no idea if her description of that girl really suited her. Naalala kasi niya bigla ang mga OA na description sa librong nabasa niya.

Basta ang sigurado siya'y cute ang babae, mas matangkad lang siguro ng konti sa kanya at naka-braid ang itim na buhok nito na katulad ng kay Elsa sa Frozen. She's not wearing a uniform but a pink midi dress, na agaw-pansin sa loob ng cafeteria na puno ng naka-unipormemg estudyante.

Hindi naman hinihintay ng babae ang sagot nila at nanghila ng isang upuan na ipinuwesto sa tabi ni Nelmi.

"Hi Nelmi! Hi Camiro! Hi Erol! Hi Asher!"

Taas-kilay na pinanood ni Yra ang isa-isa nitong pagbati sa mga kasama niya. Kilala niya ang mga ito maging ang kanyang kaibigan at kapatid. Mukhang may nangyari nga talaga kahapon pagkaalis niya.

"Oh hi?"

Dumako sa kanya ang tingin ng babae kaya agad niya itong ginawaran ng pilit na ngiti. Nakipagtitigan siya rito, walang balak na ipakilala ang kanyang sarili.

"Yra, meet Diana, childhood friend namin."

"Oh," napatango na lang si Yra nang marinig ang pagpapakilala ni Erol. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit tahimik ang kanyang kaibigan.

"Hi Yra, you can call me Yana. That's what my friends calls me." Malawak ang ngiti nito, labas ang maputi nitong ngipin na hindi pantay.

I Can Only Love You Reluctantly (A LIGHT NOVEL)Where stories live. Discover now