𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐋𝐕𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜NOTE:
“Ang part na ito ay hindi pa nasasapak si Xenos HAHA!”
"Bisan ako uy sumbagon jud nako siya uy iya kong ingnan in-ato!" Bulalas ni Rosalyn habang sinasabi ko sa kanya ang dahilan kung bakit ko hiniwalayan si Xenos. "Pero kabalo, dai! Bulok kaayo ka sa part mga imo siyang gibulagan tungod lang kay niingon 'tong babaeng pak-an nga mahila nimo si Senos—"
"Xenos." Putol ko sa sasabihin niya.
"Fayn! Xenos! Mao lagi to balik ta sa topic, nganong bulagan man nimo si Xenos? Nga sure diay ka nga nisugot si Xenos nga makimenyo sa imong tister nga pak-an? Kabalo ka, dai, ayaw ug solo-solo ug desisyon kay duha mo sa relasyon dapat ug magdesisyon ka makigbulag pangutan-on sad nimo si uyab nimo kung mosugot ba siya. Malay nimo na sakitan na 'to si Xenos tapos ikaw diraa gahilak-hilak ka mura ka ug mini!" Mahabang pangaral niya sa akin. Mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa countier. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sa pangit ng reputasyon ko sa university alam kong masisira talaga si Xenos siya pa naman ang may-ari ng school. Tapos sinapak ko pa si Ma'am Freya.
"Lakaw na ko uy! Sige na ug tawag akong amo nga suplado mura ug perme naay sanib." Paalam niya at hinalikan ako sa pisngi. Nakaalis na si Rosalyn pero heto pa rin ako nanatiling nakasubsob sa counter. Isinama ko nga pala si Rosalyn noong bumalik ako dito sa manila. Noong umalis kasi ako sa condo ni Xenos noong andoon si Ma'am Freya nagtungo ako sa park para sana umiyak pero hindi natuloy dahil naabutan ko doon si Rosalyn umiiyak kaya dinamayan ko na lang siya. Naglayas pala siya kaya inaya ko na lang siyang sumama sa akin na agad din naman niyang pinaunlakan. Dito siya tumuloy ng ilang araw kasama ako pero nahihiya naman daw siya kaya naghanap siya ng mapapasukan.
Tumunog ang cellphone ko minadali ko naman iyong tiningnan at nang makitang si Xiamona ang tumatawag ay agad ko namang sinagot.
"Hindi pa umaalis si mommy." Iyon agad ang bungad niya.
"Sabihin mo na lang kaya sa kanya na nalaman na natin kung sino daddy natin." Saad ko.
"Pero paano kung magalit siya? Hintayin na lang namin na umalis siya pupunta naman siya hongkong next week pagkatapos luluwas na kami para pumunta diyan."
"Sige, alam mo ba ang babait ng mga kapatid ni Daddy at grabe halos magkamukha silang lahat dito. Naguguluhan pa nga ako kung sino ang sino, e, para silang mga clones. Iyong mga anak na panganay ni Tita Chandrea nonuplet mas marami pa sa atin tapos may anak pa siyang triplet! Makikilala niyo sila kapag andito na kayo."
"Tapos dadagdag pa tayo." Natatawang ani ni Xiamona. Natawa na rin ako. "Excited na akong makilala si Daddy, kami ni Xiamara! Iyong dalawang boys kunwari walang reaksyon pero alam ko naman gusto nilang makilala si Daddy e."