𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘

3.9K 93 11
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Enough of that!" Pagpigil ni Raven sa kamay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Enough of that!" Pagpigil ni Raven sa kamay ko. Inagaw niya mula sa akin ang kutsilyo at itinapon iyon sa kung saan. "You are killing her." Ikiniling ko ang aking ulo at malamig siyang nginisihan. "Fuck! Xianthy, you are scaring me! The fuck!"

"Killing her is the plan, Raven." I coldly said.

"Kung papatayin mo siya ngayon mas magiging masaya siya, dahil hindi na siya mahihirapan tulad ng gusto mong mangyari noon pa! Ano, sasayangin lang natin ang limang taong pagpla-plano kung paano siya pababagsakin at pahihirapan dahil gusto mo siyang patayin agad?"

Natauhan ako sa sinabi niya. Umayos ako sa pagtayo lumapit ako sa matangdang babae na nakakadena sa dingding. Puno ng pasa ang mukha, puno ng dugo ang damit. Sugatan ang mga braso dahil sa pagsaksak ko. Nanghihina.

Hinawakan ko ng mariin ang panga niya.

"Gusto kitang patayin ngayon mismo, but, Raven was right hindi ka dapat namatay agad. . . kailangan mo munang magdusa sa kamay ko. Tulad ng ginawa mo sa akin 15 years ago." Nakita ko kung paano nangilabot ang mukha niya ng makita ang ngisi ko. "Ipaparanas ko sa 'yo ang mga ginawa mo sa akin noon."

Malakas kong binitawan ang panga niya at pinadapuan siya ng mag-asawang sampal. Napadaing siya at malakas na sumigaw. "Naririndi ako sa boses mo, gusto kong hilahin ang dila mo at putulin, ano sa tingin mo? Magandang plano hindi ba?"

Mas lalo siyang sumigaw. Ang luha at laway niya ay naghalo na dahil sa takot. Pilit siyang kumakawala ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi siya makawala. Malakas ang kalampagan ng mga kadena dahil sa pagsubok niya.

"Limang taon kung pinagplanohan kung paano ka makukuha, ang hirap mo kasing kunin ang dami mong bantay. Pero, akalain mo 'yon hanggang porma lang pala ang mga tauhan mo, mga wala pala silang kwenta, matatapang lang kapag nandyan ka pero para silang takot na mga bata kapag wala ka." Tumawa ako at muling hinawakan ng mariin ang panga niya. Muli na naman siyang sumigaw. "Stop shouting, old woman! Walang makakarinig sa 'yo dito. At kapag hindi ka tumigil sa kakasigaw ay baka mainis ako sa 'yo at maputol ko ang dila mo ng wala sa oras."

"You're a monster!" Singhal niya sa akin.

Humalakhak ako nang humalakhak pagkatapos marinig ang singhal niya. Nabitawan ko ang panga niya.

"Putang Ina! Coming from you, ha?"

"Kapag nakawala ako dito itutuloy ko ang pagpatay sa 'yo! Demonyo ka!"

Nginisihan ko siya.

"Sa tingin mo ba pagkatapos ng gagawin ko sa 'yo ay mabubuhay ka pa?" Kinuha ko ang baril na nakatago sa likod ko at kinasa iyon. Itinutok ko iyon sa hita niya. Akmang lalapit sa akin si Raven upang pigilan ako pero huli na.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐑 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘 (𝐗𝐄𝐍𝐎𝐒 𝐑𝐄𝐃 𝐆𝐔𝐄𝐕𝐀𝐑𝐀) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon