𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄

3.6K 72 15
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

15 years ago...

Xenos Red Guevara. . .

"Goodnight, Xenos." Nakangiting sambit ni Xianthy. Nakahiga na siya sa kama. Umuklo naman ako para halikan siya sa labi.

"Goodnight, Mi Cielo. . . I love you." Nakangiting saad ko.

"Mahal na mahal din kita, Xenos." Nakangiting tugon niya. Humikab siya kaya naman ay inayos ko na ang kumot niya para makatulog na siya. Marahan kong sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Kanta ka, Xenos. . . please." Mahinang sambit niya habang nakapikit na. Muli siyang humikab.

Hinalikan ko siya sa nuo bago sumandal sa headboard ng kama. Patuloy ko pa ring sinusuklay ang buhok niya. Bahagya pa akong tumagilid paharap sa kanya para maayos kong masuklay ang buhok niya. Ilang minuto lang ang nakalipas ay naririnig ko na ang mahina niyang paghilik, pagod na pagod nga siya sa pagligo sa dagat kanina.

I'm watching her sleep because I can't sleep. I still can't really believe that she is my wife now. Who would have thought that the girl I saw beating her bullies was now my wife? I don't know when I started loving her or when I started liking her. All I know now is that I love her so much, and I am willing to do anything and everything for her.

Dahan-dahan akong bumangon para hindi ma disturbo ang pagtulog ni Xianthy, kinuha ko ang cellphone ko ng marinig iyong tumutunog mabilis kong pinindot ang silent. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa veranda. Mom was calling, I answered the call.

"Mom—" Ngunit hindi ko natapos ang sasambitin ko nang marinig ko ang tunog ng lagabog sa kabilang linya at tila nahihirapang paghinga."Mom, what's wrong?!" Binalot ako agad ng pag-aalala.

"H-help. . ." Iyon lang ang narinig kong sinambit niya bago namatay ang tawag. Binalot agad ako ng kaba, nataranta kong tinawagan si Blix.

“The fuck, bud, disturbo ka sa tulog!” singhal niya noong sagutin ang tawag.

“Sunduin mo ako ngayon din, Blix!”

“May nangyari ba?” tanong niya natunogan niya siguro ang pagkataranta ko. Sinabi ko sa kanya ang mga narinig ko sa kabilang linya nang tawagan ko ang mommy ko. “Aalis na ako! Hintayin mo ako!” tarantang saad niya.

Nagbihis na ako nang maibaba ko ang tawag. Tinungo ko ang kama at hinalikan sa nuo si Xianthy. “Babalik ako, Mi Cielo.” mahinang saad ko.

Nang dumating si Blix ay mabilis din kaming umalis. Tinawagan ko si Chandre at sinabi sa kanya ang kinaroroonan ni Xianthy, ilang mura ang inabot ko mula sa kanya. But I don't mind, I need to see my mom.

I tracks my mom's location. May suot siyang bracelet na may tracker na sinadya kong ipagawa noon. When I saw her recent location ay paulit-ulit akong napamura, nasa davao siya.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐑 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘 (𝐗𝐄𝐍𝐎𝐒 𝐑𝐄𝐃 𝐆𝐔𝐄𝐕𝐀𝐑𝐀) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon