𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐈𝐗
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Hoy, alam mo bang na expelled ang grupo nina Simone." Pagdadaldal sa akin ni Liezel umagang-umaga pa lang. Napaayos ako ng upo at kinunotan ko siya nang nuo.
"Talaga? Kaya pala hindi ko sila nakikita." Saad ko. Ang Grupo nina Simone ang laging nambu-bully sa akin dito sa university. Hindi ko alam kung saan nila nahuhugot ang galit nila sa akin. Siguro dahil sa lahat ng studenyante dito ay ako lang ang tanging hindi niya napapasunod.
"Oo, balita ko nga rin bagsak lahat ng negosyo ng mga magulang niya pati na ang negosyo nina Anthena." Tugon niya. Ang binanggit niyang Athena ay ang girlfriend ni Simone na nakasuntokan ko noong nakaraan sila ang mga nambubully sa akin kasama ang mga aliporis nilang mga bobo. Mahihirap na nga nagloloko pa sa pag-aaral, paano pa sila makakaahon sa kahirapan? Panay sila dikit kay Simone na walang ibang ginawa kundi ang mambektima ng mga mahihinang studyante.
Pero grabeng iyong bagsak lahat ng negosyo nila. Sino kaya ang nagpabagsak sa kanila? May bali-balita noon na mga sindikato ang mga magulang ni Simone, maraming kaso, hindi lang mahuli-huli dahil malalakas ang kapit
"At may isa pa! Alam mo bang tsismis dito sa university na mag jowa na si Miss Freya at Sir Xenos!" Bulalas niya. "Ang daming kinikilig kasi bagay na bagay sila!" Saad niya na para na namang kitikiti, kilig na kilig siya at heto ako nasasaktan na naman.
Amputa! Simula pa noong nakita ko si Miss Freya at Xenos na magkasama ay iniiwasan ko na si Xenos. Hindi ko sinasagot ang tawag niya at pati ang mga messages niya, sa tuwing makikita ko naman siya sa hallway ng university ay agad akong nagtatago para hindi niya ako makita. Tang ina bakit ko nga ba iniiwasan? Dahil masakit talaga! Parang kinukurot ang heart ko nang pinung-pino! Gusto ko na lang lagi umiyak!
Ito ba ang broken hearted na sinasabi nila? Pero gusto ko lang naman si Xenos, hindi ko naman siya nobyo! Pero bakit masakit? Tang ina kasi! Na sister zoned na nga, na broken pa! Amputa!
"Hoy! Gagi, bakit ka umiiyak? Nakakaiyak ba talaga ang relasyon ng iba?" Nagulat ako nang biglang pinunasan ni Liezel ng dulo ng palda niya ang mukha ko. "O baka naman na iyak ka dahil kay Simone? Huwag mong sabihin sa akin na crush mo 'yon! Yucks. Kadiri ka!"
"Amputa! May panyo naman bakit palda!" Singhal ko sa kanya. Ang hapdi ng mukha ko, ang gaspang kasi ng palda. "Nakakadiri ka, sa dami ng lalaki si Simone pa talaga binanggit mo!"
Tumawa siya.
"Wala akong panyo, e! Dulo na lang ng palda ko! Bakit kasi umiyak ka diyan, gagi ka! At isa pa gwapo naman si Simone dugyot nga lang, hindi nagpla-plantsa ng damit! Yucks! Pero bakit ka nga muna umiyak?"