𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐍𝐄𝐓𝐄𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜
Mahihinang boses ang naririnig ko. Hagikhikan at marahang tawanan ang sumunod."Xena, slowly, tita Xianthy might wake up."
"Did I touch her?"
"Almost."
"Sorry. . . I hope I can see her face."
"I hope so too. . . but you know what you look exactly like her."
"Really?" Natutunogan ang excitement sa boses ng isang bata.
"Yeah! You are both beautiful."
Ibinuka ko ang mga mata ko, noong una ay malabo pa pero kalaunan ay naging klaro na bumungad sa akin ang pink na kisame. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama, iginala ko ang paningin ko at pagtingin ko sa gilid ng kama ay may dalawang batang nakasalampak sa carpet floor at naglalaro ng cards. Hindi iyon baraha pero parang baraha ang porma ang pinagkaiba lang ay may pangalang Uno sa cards. Hindi nila ako napansin dahil nalatalikod ang isa sa kanila at ang isa naman ay nakayuko habang nagpupulot ng card.
"Sino kayo?" Tanong ko sa kanila. Mabilis lumingon sa akin ang batang nalatalikod samatalang ang batang nakayuko ay humarap sa gilid na ikinakunot ng nuo ko. Kinakapa niya ang mga cards na hawak ngunit natigil nang marinig ang boses ko.
"Oh my God! You are awake! I'm Blexkzy and this is my sister Xena! Wait I will call mommy!" Saad niya at tumayo. Mabilis siyang tumakbo palabas ng kwarto.
"Sino ang mommy niyo?" Tanong ko sa batang naiwan. Ngumiti siya pero nanatili ng nakaharap sa gilid. Kinakapa niya ang card na nilalaro nila Nang batang kakaalis lang.
"It's yo—I mean Rosalyn Bucasas." Tumikhim siya pagkatapos ay muling ngumiti. "How are you feeling, Nan—Tita?"
Rosalyn? Rosalyn? Anak siya ni Rosalyn?
"Xianthy?!" Hindi ko pa man natutugon ang tanong ng batang tinawag na Xena nang batang nagpakilalang Blexzky ay pabalabag na bumukas ang pintuan at iniluwa no'n ang hinihingal at nanlalaking mata na si Rosalyn. Kumunot ang nuo ko at nagtataka ko siyang tiningnan.
"Bakit ka hinihingal?" Tanong ko sa kanya. "At nasaan ako? At sabi nang mga batang 'to ay mga anak mo sila? Kailan ka pa nagka-anak? Adopted mo ba sila?" Sunod-sunod na tanong ko.
Bumukas muli ang pintuan at iniluwa no'n ang isang lalaking may hazel brown na mga mata, matangkad, maputi, gwapo. Pamilyar. Tumingin siya sa gawi ko at nang makita ako ay bahagyang nanlaki ang mata niya.
"Seth?" Tawag ko sa kanya. Dahil sa ginawa ko ay mabilis siyang tumungo sa gawi ko at nang makarating siya sa harapan ko ay walang babala niya akong niyakap. Nagtatanong ang mga matang tumingin ako kay Rosalyn na ngayon ay maluha-luha na rin. "Hoy! Putcha, bakit ka umiiyak?!" Tanong ko kay Seth nang marinig siyang humagulgol. Bahagya ko pang tinapik ang likuran niya.