𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄

6.1K 134 12
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

"Reyla!" tawag sa akin ni Xiamona, nakasabay ko siya pagbaba sa hagdan, tinanguan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Reyla!" tawag sa akin ni Xiamona, nakasabay ko siya pagbaba sa hagdan, tinanguan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Reyla, wait!"Tawag ulit niya sa akin, huminto ako sa paghakbang at tiningnan siya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya, nakangusong tumingin siya sa akin.

"Papasok ka na?" tanong niya.

"Hmmm."

"Sabay ka na sa amin."

Umiling ako.

"Hindi na."sabi ko. Mas lalo namang ngumuso si Xiamona. Nilingon ko si Xiamara ngumuso rin siya, humakbang ako papalapit sa kanya at hinalikan ko siya sa nuo. "Mauna na ako, mag-ingat kayo." sabi ko, tinanguan ko sila bago lumabas paalis.

Magkaiba kami ng school na pinapasukan ng mga kakambal ko.
Magkakasama silang apat samatalang ako ay nasa ibang school, noong mga elementary pa lang kami ay magkakasama kami sa isang school, pero noong nag-high school na kami ay lumipat ako, ayaw kong masangkot sila sa gulo ko, lagi kasi akong napapaaway lalo na't lagi kaming sinasabihan na walang tatay at anak ng pokpok. Hanggang ngayong college na kami ay magkaiba kami ng pinapasukang university.

Buong akala ni Mommy ay nang aaway lang ako ng walang dahilan. Ayaw ko din namang magpaliwanag sa kanya, dahil kahit subukan ko, nauuna na siyang magalit sa akin, at sa paraan pa lang ng pagtatanong niya sa akin para bang sigurado na siyang ako lagi ang nagsisimula ng gulo.

"Manong Teryo, alis na po tayo." tawag ko sa Driver ko, pinagbuksan niya ako ng pinto agad naman akong sumakay. Kinuha ko ang cellphone ko at ang headset ko at nagpatugtog.

I want you nang SB19 ang pinatugtog. Ang ganda kasi ng kantang iyon, favorite ko na iyon dagdag na iyon sa song playlist ko. Kinanta ko nga iyon kay Xenos noong nakaraan e.

Habang na sa byahe ay tiningnan ko ang mga messages ko.

"Good morning, Mi Cielo🥺" message sa akin ni Xenos, napangiti ako  sa ginamit niyang emoji.

"Good Morning, Xenos." tugon ko sa mensahe niya. Maya-maya lang ay tumatawag na siya.

Bahagya akong natawa, wala ba siyang ibang ginagawa wala pa ngang minuto ang pag-send ko nang mensahe ay tumatawag na siya.

Xenox is Calling. . .

"Pasok ka na? " bungad na tanong niya sa akin nang sagutin ko ang tawag.

"Oo." Tugon ko habang tumatango kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Ingat ka , Mi Cielo." wika niya bago pinatay ang tawag. Napangiti na lang ako, lagi siyang ganyan sa tuwing papasok ako, dalawang linggo na ang nakalipas ng huli ko siyang makita, at inaamin ko na miss ko na siya, kahit na nga araw-araw kaming magka-vediocall at text mapatawag man, na miss ko pa rin siya.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐑 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘 (𝐗𝐄𝐍𝐎𝐒 𝐑𝐄𝐃 𝐆𝐔𝐄𝐕𝐀𝐑𝐀) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon