𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑

5.5K 128 17
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

X-xenos?

Amputa! Anong ginagawa niya diyan sa harapan!?

"Ang gwapo 'no?" Tili ni Liezel. "Waaa, Sir, baby pa po ako pero pwedeng-pwede mo akong gawing sugar baby!" Patuloy na sigaw ni Liezel. Para na siyang kitikiti hindi ma perme, ang sakit ng balikat ko na hinahampas niya.

Amputa! Sapakin ko kaya 'to nang makatulog! Ako iyong namula sa hiya dahil sa mga pinagsasabi niya, napatingin sa kanya halos lahat ng tao, pati na ang nanay niya, sobrang sama ng tingin sa kanya at sinesenyasan pa siya pero walang pakialam si Liezel, kaya nang dumako ang tingin ng nanay niya sa akin ay ako ang inirapan.

Luh? Bakit parang kasalanan ko kung parang kitikiti anak niya?

Ibinalik ko ang tingin ko sa stage, nagsasalita pa rin si Xenos, iginala niya ang kanyang paningin tila may hinahanap at noong magtagpo ang mga mata namin ay napunit sa napakatamis na ngiti ang labi niya. Hindi na siya muling luminga pa sa akin na lang siya nakatingin habang nagsasalita.

Namula naman agad ang mukha ko.

"Hala! Nginitian niya si Miss Freya! Oh my gosh!" natigilan ako sa narinig na mga sigawan.

Napabaling ang paningin ko kay Miss Freya, namumula ang mukha niya, at iniipit sa tenga niya ang imaginary bangs niya.

Luh?

"OMG! Bagay sila!" sigawan ng mga studyante. Pati pa mga teachers ay kinikilig.

Amputa!

May sumigaw pa ng "FreNos!"

Pinag combine agad ang mga pangalan nila, gusto kong pagsasapakin ang nga sumisigaw nang FreNos at isa na do'n ay si Liezel, siya lang naman ang unang sumigaw ng FreNos!

Parang hindi na school ang lugar na 'to kung mag sigawan ang mga estudyante para bang artista si Xenos at Freya kung i-ship nila. At sobrang naiinis ako, naiinis ako! Gusto kong akyatin si Xenos sa stage at hilahin paalis.

Pero nakakahiya naman, wala naman akong karapatan. Tang ina, na sister zoned pa nga ako 'di ba? Amputa! Baby sister daw kasi ako!

Nilinga ko si Xenos nakita ko siyang ngumiti. Mas lalo namang nagtilian ang mga studyante! May nagpatugtog pa nga ng Love at First Sight by Kylie Minogue.

Tsk!

Kaya keysa mabingi sa sigawan ng pagshi-ship nila kay miss Freya at Xenos minabuti kong tumayo at umalis, tinatawag ako ni Liezel pero hindi ko siya pinakinggan. Nagpatuloy ako sa paglabas. Hindi ko na rin nilingon si Xenos at baka makatikim lang siya sa akin ng bonggang irap.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐑 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘 (𝐗𝐄𝐍𝐎𝐒 𝐑𝐄𝐃 𝐆𝐔𝐄𝐕𝐀𝐑𝐀) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon