𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜Galit na galit ako at hindi ko alam kung bakit!
“Jack, where are they?!” Bungad na tanong ko kay Jack pagkarating ko sa beach na kinaruroonan ni Xianthy. Lumingon siya sa akin at itinuro ang kinaroroonan ni Xianthy at nang lalaking kasama nito. Nakaupo sila sa dalampasigan nakaharap sa dagat, nakahilig ang ulo niya sa balikat ng lalaki. Hindi kalayuan ang kinaroroonan namin ni Jack kaya naririnig ko ang kanilang tawanan. Nagtagis ang bagang ko.
At habang nakikita at naririnig sila ay hindi ko maintindihan ang matinding paghapdi ng puso ko. Parang hinahati ng ilang ulit. My eyes stings ilang saglit lang ay naramdaman kong naglandas ang masaganang luha sa pisngi ko. Mabilis ko iyong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.
Lahat ng galit na hindi ko maintindihan kanina'y napalitan ng sakit, hapdi na hindi ko rin maipaliwanag kung bakit.
“I love you, Babe.” ani nang lalaki.
“Mahal na Mahal din kita, Babe.” tugon niya sa lalaki. At dahil doon ay ramdam ko ang pagkabasag ng puso ko. Mas lalo pa iyong nabasag ng makita kong naglapat ang kanilang mga labi pagkatapos ay nagyakap.
Ang lalaki. Siya iyong nakita kong kasama niya noong nakaraan.
Muling tumulo ang mga luha ko. The pain is too much. . . at sa mga oras na iyon I realize one thing. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya. . . Mahal ko siya hindi dahil baby sister ang turing ko sa kanya. . . Mahal ko siya bilang babae. I love her so much. Damn! Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula! Pero ngayon sigurado na akong may nararamdaman ako para sa kanya.
“Sir, okay ka lang ba?” Jack asked. Hindi ko siya pinansin. Tinalikuran ko siya at nagsimula ng maglakad palayo.
Nang makarating sa harapan ng aking sasakyan ay nanghihina akong pumasok. Naupo ako at sumandal sa upuan at tumingala, tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang kamay ko.
Hinayaan kong tumulo ang aking mga luha. Huli na. . . huli na ako, may mahal na siyang iba.
The hell?! Why am I crying? Maybe because the pain is too much. . . the pain is too much because I'm fucking jealous!
Someone knocked on my car window, but I didn't bother to glance at who.
But it continued knocking na para bang balak ng basagin ang bintana ng sasakyan ko.I wiped my tears using the back of my hand. Pagkatapos lumingon ako sa bintana ng kotse kung sino ang taong balak bumasag sa bintanan bumungad si Xianthy. Nakakunot ang nuo nito na tila ba sinisilip kung talaga bang nasa loob ako ng sasakyan. Binuksan ko ang bintana. Nagtagpo ang mga mata namin.
Ang pagkakakunot ng nuo ni Xianthy ay unti-unting nawala ng tuluyan niya akong makita, napalitan iyon ng gulat, umawang ang kanyang bibig at puno ng kaguluhan ang kanyang mukha.