𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐄𝐄𝐍
❛━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜"Are you ready?" Tanong ni Daddy sa akin. Ngayon ang party at ang araw na ipapakilala niya ako sa mga kakilala niya at sa mga business partners niya. Ginanap ang party sa isang hotel na pagmamay-ari ni Daddy.
"Kinakabahan po ako, pero okay lang naman po, ikaw po ba okay lang?" Tanong ko sa kanya. May pasa pa kasi siya sa mukha. Noong nakaraan pag-uwi niya ay may pasa siya sa mukha ang sabi niya ay nagtungo siya sa mga kaibigan niya para imbetahin ang mga ito nadumalo sa party pero ang isang kaibigan daw niya nabaliw na lang bigla at sinapak siya.
Hinaplos niya ang buhok ko at nginitian ako pero napapangiwi siya dahil sa pasa niya sa mukha.
"I will really kill that bastard who did this to me." Saad niya na tila ba sarili niya lang ang kausap niya. Pero grabe naman iyong kaibigan ni Daddy, bakit niya sinapak si daddy? Masyado namang bayolente. "You wait here okay? Mamaya tatawagin ka para ipakikilala, lalabas lang ako para salubongin ang mga bisita."
"Sige po, dy." Tugon ko. Hinalikan niya muna ang tuktok ng ulo ko bago siya lumabas. Sa paglabas niya ay minadali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Chavah. "Hello, nasaan na kayo? Nagsisimula na ang party?" Bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
"We're here na." Bumukas ang pintuang nilabasan ni daddy at mula doon ay lumabas ang mga kakambal ko. Agad ko silang nilapitan at niyakap isa-isa, ang panghuli ay si Xiamara na may dalang iPad kung saan niya sinusulat ang gusto niyang sabihin. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan ang pisngi at nuo niya.
"How are you?" I asked her.
Ngumiti siya at ini-angat ang iPad niya at nagsulat doon.
I'm fine, Reyla, how are you? I miss you. Iyon ang isinulat niya.
"I'm good! I miss you so much." Ngumiti lang siya at ibinaba ang iPad niya.
"Hindi kayo nakita ni daddy? Kalalabas lang niya." Tanong ko kay Xiamona.
"Nope, nandyan kami sa kabilang room."
"Oh, are you excited?"
"Of course!" Masayang tugon niya.
Ang gaganda nilang dalawa ni Xiamara. Nakasuot sila ng bustier dress na kapareho ng sa akin. Black sa akin, pink kay Xiamara at kay Xiamona naman ay beige. Tinirnohan namin iyon ng diamond set na regalo ni tita Chandlyn, kung ano ang kulay ng damit namin ay ganoon din ang kulay ng diamond sa jewelries namin. Si tita lahat ang naghanda ng mga susuotin namin. Maging kay Xzavian at Xzavion. Nakasuot naman sila ng Gucci suit na si tita rin ang namili maging ang suot nilang Gucci watch at shoes ay si tita rin. Ang gwapo nga nilang dalawa e, kamukhang-kamukha nila si Daddy at Tito Chandkyle, parang mini version nga e, palangiti kasi si Xzavian samantalang si Xzavion ay laging nagsasalubong ang kilay.