𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎

5K 109 30
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐓𝐖𝐎❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Klase-klaseng emosyon ang makikita sa mukha ni Xenos. Ngunit mas lamang ang pagod, halatang wala siyang masyadong tulog dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata nito, maging ang balbas nito ay mahahaba na. Mahaba rin ang buhok nito, nakasuot ito ng itim na long sleeve at kulay asul na jeans. Ibang-iba siya sa Xenos na nakilala ko noon. Mukhang napabayaan niya ang kanyang sarili.

"Mommy, bakit ang dami nating bisita?" Naialis ko kay Xenos ang aking tingin ng marinig ang tinig na iyon, isang batang babae ang bumungad sa akin she's wearing a pink dress may hawak-hawak siyang chucky doll. Umangat ang tingin ko sa mukha niya at agad kong naikuyom ang mga kamao ko nang makita ang itsura niya at nang lingunin ko nga ang katabi niya ay agad akong napatayo at nabitawan si Xena kinuha ko ang baril na nabitawan ko at agad iyong kinasa at itininutok sa babaeng katabi ng bata, nakita ko ang takot na agad bumalot sa mukha ng babae samantalang ang batang katabi nito ay kumunot ang nuo pagkatapos ay itinagilid ang ulo. Hindi nakikitaan ng takot ang bata bagkos ay nakikitaan ito ng pagtataka.

"Why are you pointing a gun to my mom?" The kid asked me.

"X-xianthy..." Kinakabahang sambit ni Kyra sa pangalan ko. Kyra was the the woman na katabi ng bata. Mula sa gilid ay sumulpot si Joaquin at humarang siya sa harapan ng mag-ina niya.

"X-xianthy, biktema lang din si Joaquin at Kyra nang ina ni Joaquin." Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Si Tita Chandlyn. "Alam kong marami kang pinagdaanan ngunit tulad mo ay biktema lang din silang dalawa. Hindi nila sinasadyang madamay ka sa lahat nang mga nangyari. Napatay mo na ang ina at kapatid niya you can put your gun down now." Dahil sa sinabi ni Tita ay umawang ang mga labi ko.

Nagsimulang magsalita si Kyra sa nangyari sa kanila ni Joaquin kung paano pinagsamatalahan ng mga demonyong si Jacinta at Freya si Joaquin. At habang nagsasalita siya ay dahan-dahan kong naibaba ang baril ko. Paulit-ulit silang humingi ng tawad sa ginawa sa akin ni Jacinta at Freya, pati na rin ang mga nangyari sa akin. Hindi ko Alam kung paano nangyari pero nang marinig ang mga pinagdaanan nila ay biglang naglaho ang galit at pagkamuhi ko sa kanilang mag-asawa.

"Raven, dalhin mo si Xena sa bahay ni Dad." Tawag ni Tita Chandlyn kay Raven, pumasok naman si Raven mula sa pintuan at nilapitan si Xena. "Xena, mauna ka muna doon sa bahay nina Grandpa, okay? I will talk to your mother lang 'tapos susunod kami doon." Kausap ni Tita Chandlyn kay Xena. Tumango ito ngunit lumingon ito sa ibang direksyon, siguro ay inaakala niyang nandoon ako.

"Nanay, huwag ka na po umalis, please." Pagsusumamo niya. Humakbang ako palapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. Hinalikan ko siya sa nuo pagkatapos ay hinaplos ko ang pisngi niya.

𝐇𝐄𝐑 𝐒𝐔𝐆𝐀𝐑 𝐃𝐀𝐃𝐃𝐘 (𝐗𝐄𝐍𝐎𝐒 𝐑𝐄𝐃 𝐆𝐔𝐄𝐕𝐀𝐑𝐀) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon