PROLOGUE / CHAPTER ONE: Sister

405 6 0
                                    

P R O L O G U E

~•~


Nagising ako sa mga sigaw ni mama mula sa baba. Hays may nabali nanaman siguro siyang mga halaman. Kinusot kusot ko ang mga mata ko saka dahan-dahang bumangon sa pagkakahiga. Sabado ngayon at wala kaming pasok at akala ko ay makakasagad ako ng tulog pero di rin pala. Nagpuyat panaman ako kagabi hays, for sure lalim nanaman ng eyebags ko neto.

Sinuot kona ang mga damit ko since panty lang ang suot ko pag natutulog. Mas komportable kase at may sarili naman akong kwarto kaya okay lang.

Bumaba na ako at naabutan si mama na nakaluhod sa sahig at umiiyak. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa ganung posisyon kaya napatakbo ako upang agad siyang lapitan.

"M-ma ano pong nangyari—" napatigil nalamang ako nang titigan ako ni mama sa mata at dahan-dahang inilingon ang paningin niya sa harapan namin. paglingon ko rito ay bumungad saakin ang isang black long boots at dahan-dahan kong itinaas ang paningin ko at nanlaki nalamang ang mga mata ko nang makita ko ang isang babaeng nakasuot ng mala mafia boss outfit (long black boots, long black tucked in blouse in her fitted black shorts and black gloves) at may suot pang malalaking shades na may hawak-hawak na baril at nakatutok pa ito saamin. may kasama siyang dalawang malalaking tao na naka full black suit rin at sa tingin ko ay mga bodyguard niya ito.

Isang luha ang umagos mula sa mga mata niyang tinatakpan ng malaki niyang shades papunta sa pisngi niya hanggang sa tumulo na ito sa dibdib niya.

"M-m-maawa ka pakiusap!! wala siya rito at wala kang mapapala saamin!!.."

"Pwede bang umalis kana! Tatawag ako ng pulis! Umalis kana!!" pagsigaw ko sakanya saka hinarangan si mama. hindi ko kayang mawalan ng isang ina, dibale nang ako wag lang si mama at handa akong sumalo ng bala para sakanya.

"I won't! Unless you show me my wife!" wika niya saka ipinutok yung baril niya sa kisame namin kaya agad nalang kaming napatakip ng tenga ni mama.

niyakap ko si mama saka lumingon sakanya "t*ngina ka binutasan mopa sahig ng kwarto ko..." mahina kong sabi "nakikiusap ako sayo! Wala ang asawa mo rito! Nababaliw kana ba?!?!"

"Sheena is my wife!!" sigaw niya na nagpalaki sa mga mata ko. teka..si ate?

"S-si ate?"

tinanggal niya yung suot niyang gloves at itinapon ito kungsaan saka ipinakita saakin ang kamay niya at nanlaki nalamang ang mga mata ko nang makilala ko ang suot niyang singsing. isang singsing na may dalawang pakpak na nakaukit at isang silver na bilog sa gitna... katulad nung singsing ni ate to ah!! pero bakit nasa kanya?!

"Th-this is our promise ring...b-but she just broke everything like a glass! She left me without saying goodbye...and i miss her, p-please...g-give her to me.." dahan-dahan niyang ibinaba ang baril niya saka dahan-dahang lumuhod at umupo sa sahig. ramdam ko ang pagtayo ng mga balahibo ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. para akong binuhusan ng malamig na tubig at diko na magawang gumalaw habang pinapanood siya.

"P-pero...patay na si ate.." mga salitang inilabas ng bibig ko bago tuluyang tumulo ang mga luha ko

she stood up "n-no...no! you're just hiding her from me! and i won't stop! i'll comeback, just wait.." malamig niyang wika saka tumalikod kasama ang mga bodyguards niya ngunit nagtama ang mga mata namin sa gilid ng shades niya at nanindig nalamang ang mga balahibo ko nang makita ng mga mata ko ang mga nagngangalit at nag-aapoy niyang mga mata. g-gag0....bakit ganun...

MY SISTER'S EX WIFE BECAME MY BOSSWhere stories live. Discover now