CHAPTER NINETEEN: Cap
"Ha! Huff! Ha!" napahiga nalamang ako sa ring nang makaramdam ako ng matinding pagod matapos ang tatlong oras naming pagbo-boxing ni alex
"Ano ba yan shaira, unang round palang tumba kana? Wala ka talaga sakin tsk tsk tsk" mapang-asar na wika saakin ni alex
"Gag4! Ikaw kaya maging ako, kung isa lang din trabaho ko mas malakas pako sa'yo no"
"Tss, mahina ka lang talaga" ngumisi siya saka naglakad papunta sa isang sulok para kunin yung bote ng tubig
"Oh" wika niya sabay hagis saakin ng isang bote ng tubig. agad naman akong umupo para inumin ito
"Haa.... Bakit ba kasi kailangan pa ng ganto ganto? Eh pagpapaligaya naman ang trabaho natin" naiirita kong tanong
"Malamang, para pag nabisto ng mga original yung mga asawa nilang tumatakbo saatin tas madamay tayo...ehdi may panlaban"
"Sira ka talaga.."
"Joke lang, di ko rin alam..pero gawin nalang natin. Wala namang mawawala, actually makatutulong panga to e. Wag kana magreklamo jan at mag-isip kanalang kung pano moko matatalo"
"Tss...yabang mo"
Nilagok niya lahat ng tubig na laman nung bote "Five months lang naman training natin e, galingan mo nalang" wika niya sabay alok saakin ng kamay niya para tumayo
Tinugunan ko ito "sabagay"
___
"Safety?" i asked with my puzzled face
"Have you forgotten who you are with? Its Amelia dummy" wika niya sabay pose
Napasinghap naman ako sabay ikot ng mata.
"Hayy...sad naman, ibig sabihin po ba niyan ate di niyo kami masasamahan sa loob?" nawawalang ganang saad ni shane sabay pout
Agad naman siyang nilapitan ni ma'am lia saka niyakap "Aww...sorry for that baby, but don't worry...i'll never keep my eyes off you both"
"Hm okay po..." she smiled a bit
"Shall we go? The time won't stop for us.."
"Sige po ma'am.."
___
"Have fun...." wika ni ma'am lia nang makarating na kami sa school ni shane
"Salamat po ma'am.." wika ko saka inalalayan si shane pababa ng sasakyan.
Siya na ang naghatid saamin kaya di na namin sinama si manong, ayaw narin niya daw istorbohin pa eh since pagod pa rin dahil sa kahapon.
Isinara na namin ang pinto saka nagsimulang maglakad papasok. Lumingon kami sakanya pabalik at agad na ngumiti nang makita siyang nagwe-wave sa bintana habang nakangiti rin. Her smile showed her concern and happiness upon sending us out that made my heart beat fast. Cute p0ta!!
Nakangiti akong naglalakad habang hawak yung kamay ni shane. Hayy, buang na talaga
"Ayieeee....you like ate lia no?" diko pinansin ang pang-aasar ni shane at nagpatuloy lang sa pagngiti habang naglalakad
Panong di ako mapapangiti? Cute niya kaya..
"Kierra!" sigaw ni shane
"Ate alam mo napo room ko diba? Kita nalang po tayo dun a? Byeee!" naramdaman ko nalang na bumitaw si shane sa kamay ko habang nakapinta parin sa utak ko yung ngiti niya. hayyy...her smile is like a drug, it so addicting..
*Bugsh
"Ay sorry po—" pagpapaumanhin ko nang may makabangga ako. bw1sit naman kasi, 1nang utak yan lilipad lipad amp. agad rin akong napabalik sa wisyo ko dahil dun. hawak niya ang likod at kamay ko at bumungad saakin ang isang dibdib na nakasuot ng isang puting crewneck sweater na may nakasabit pang itim na sling bag. dahan dahan kong iniangat ang paningin ko sa nakabangga ko at nanlaki nalamang ang mga mata ko nang bumungad saakin ang isang pamilyar na babae.