CHAPTER ELEVEN: Dress Me Up
"H-hi po tita..." she said awkwardly
dahan dahan akong umikot para harapin sila tita at mama habang karga-karga si shane. napalunok nalamang ako sa reaksyon nila nang ngitian sila ni ma'am lia. sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at diko alam kung anong sasabihin. pano kung biglang mahimatay si mama? pano kung bigla siyang atakihin o balikan ng nakaraan? kinakabahan ako...diko alam anong gagawin. pakiramdam ko naka-glue na ang mga paa ko sa sahig at grabe ang bilis ng tibok ng puso ko. jusko lord katapusan konaba? huhu.
"M-m-ma..." tumingin ako kay mama ngunit nakapako ang tingin niya kay ma'am lia habang gulat na gulat yung ekspresyon ngunit parang di naman siya galit o ano?
"S-sino siya..." napatingin ako kay tita sol
"A-ah...t-tita.." napatingin ako kay ma'am lia. she's still smiling awkwardly pero yung mga mata parang nakakita ng multo sa cr BWAHAHAHA. halatang kabado siya at gulat nang magtama ang mga mata namin.
Lumunok siya at tumayo nang diretso habang hawak yung itim niyang gucci bag. Gosh she stood up like a pro. Akala mo walang kinatatakutan sa mga oras nato.
"B-boss kopo...s-si ma'am lia.."
she offered her hand to tita sol and mama then smiled full of confidence. opposite nung ngiti niya kanina pero ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya. gosh why am i feeling this...
"Good evening po...i'm amelia...shaira's boss, nice to meet you po.."
"Dimo naman sinabi pamangkin na may napakaganda ka palang boss—"
*Rain pours
Nagulat ako sa pagbati ni tita kay ma'am lia ngunit napatigil nalamang kaming lahat nang maramdaman namin ang pagpatak ng ulan.
Biglang hinila ni tita sol si ma'am lia sa braso papasok sa gate at talagang kinoveran pa yung ulo ni ma'am lia gamit yung palad niya kahit mas matangkad pa si ma'am lia sakanya dahil sa heels nito.
Napatulala ako habang sinusundan sila ng tingin nang maramdaman ko ang pagsiko sakin ni mama sa tagiliran.
Napatingin ako sakanya at nanlaki nalamang ang mga mata ko nang makita ko siyang nakangisi. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mga pisngi ko nang maisip ko yung ibigsabihin ng ngisi ni mama.
"H-h-hindi po ah!—" siniko niya akong muli saka tumingin kay shane bilang senyas na nababasa na ito saka inikot yung gulong ng wheelchair niya para pumasok.
Napatulala ako habang nakatingin sakanya at parang lahat ng bigat sa dibdib ko ay nakawala na. Libong tanong ang nasa isip ko pero diko ito magawang pansinin dahil sa ngisi at reaksyon ni mama.
*Beep
Halos mapatalon ako nang marinig ko ang malakas na pagbusina ni manong. Napalingon ako sakanya at sinenyasan niya akong ipasok na si shane sa loob gamit ang mga mata niya. Mabilis naman akong napabalik sa sarili ko saka dali daling tumakbo para ipasok na si shane sa loob.
"Amina siya shai.." sinalubong ako ni tita ng towel habang nakangisi na nagpabilis ng pagtibok ng puso ko. jusko lord!!!
Dahan-dahang kinuha ni tita si shane mula sa bisig ko saka naglakad paakyat sa hagdan. Tumigil siya at lumingon saakin saka binigyan ako ng isang mapang-asar na ngiti na gustong gusto kong ikunot ng noo pero...ARGHHH!!!
K-kinikilig ba ako?!?!
Nagpatuloy na si tita sa pag-akyat kay shane papunta sa kwarto nila at napabab naman ako ng tingin sa sarili ko na basang basa na ng ulan.
"Mm-mm.." agad akong napatingin sa hapagkainan namin nang marinig ko si mama. nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang inaabutan ng towel si ma'am lia.