CHAPTER SIXTEEN: Kiss Me Sweetie
Napakunot ako ng noo. Mukha siyang nanggagalaiti't may kinikimkim na galit. Napapaisip tuloy ako kung bakit.
*Door opens
Agad akong napaangat ng tingin at tumayo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang isang babaeng doktor na sa tingin ko ay nasa 27 yrs old palang.
"Kayo po ba ang relatives ni miss amelia?"
"Yes i—"
"—o-opo ma'am...k-kamusta po siya?" kabado kong wika
"It's sad to say that she's in a bad condition right now...she lack of blood and—"
"—a-ahm..wait lang po doc ah.." pagputol ko sa sinasabi ni doc. di pwedeng marinig nila shane at mico to..baka may sabihin si doc tungkol sa tunay na kondisyon ni ma'am lia, di pwede mangyari yun
"A-ahm...ate marra..." tinignan ko siya nang mariin saka lumingon kay shane
"Shane...dun muna kayo kay mama, turo mo nalang kay ate marra yung kwarto niya.." pagbulong ko kay shane
"But i wanna see ate lia na.."
"Mamaya nalang okay? Sige na Shane..."
napasinghap siya "hays, okay po ate..." wika niya sabay tumalikod at agad naman silang sinundan ni ate marra ngunit di siya matigil kakabalik ng paningin saamin lalo na kay sir josh. si sir josh naman ay nakatingin lang sa malayo nang i-pause ko yung usapan. weird?
Umayos ako ng tayo "p-pasensya napo doc..."
she smiled "it's okay, so..as i was saying..her condition isn't in a good state and she needs more blood"
"Does she need a blood donation?" seryosong tanong ni sir josh
"Yes and...about her heart disease..."
"Yeah yeah, we know about that." napatingin ako kay sir josh. nane2 napaghahalataang excited na sa kamat4yan ni ma'am lia eh. napa 'ah' nalang yung doktor sakanya e
"Ahm...if she do not take care of her lifestyle and take her medications on time well, her time might be reduced..so please be sure that she'll take her medicines on time and avoid letting her eat fatty foods..greens will do help"
"Also, she passed out due to hungryness..do you remember the last time she ate?" gag0 lagot na. maging siya ngapala ay dipa kumakain!! huli kong pagkakaalala na kumain siya is kagabi..diko alam kung nag-almusal manlang ba siya o hindi!!
Naramdaman ko ang pagtingin sakin ni sir josh "a-ahm...k-kagabi papo ata ma'am eh, g-galing papo kasi kami sa malayo at sinugod lang po dito yung mama ko at habang nasa byahe kami eh dina po kami nakakain.." bahala na...kinakabahan ako..
"Ganun po ba ma'am... please make sure na dina po yun mauulit para dina po siya ma-admit ulit.."
"Can she leave the hospital now?" masungit na tanong ni sir josh
"We're still running some tests so..maybe after those po...and she needs blood as soon as possible so we prefer for her to stay here until she—"
"—whatever, that's a waste of money...can i see her now?" napatahimik ako sa inaasta ni sir josh. napakawalang kwenta talaga nitong lintang to. kala mo di asawa amp. bigyan ko kaya to ng isang pangmalupitang uppercut no? patikim kolang sakanya ang kamao ni saitama
"S-sure.." utal na wika nung doktor ngunit agad rin siyang natigilan nang dire-diretsong maglakad si sir josh papasok na dahilan ng pagtama ng balikat niya sa balikat ni doc.
Mas lalo akong nanggalaiti sakanya. Siguro di mahal ng nanay niya to noh? wala akong masabi sakanya, kahit siguro siya nalang ang nagiisang lalaki sa mundo, mas pipiliin kopa ring magpakasal sa aso. hmp! kesa magpakasal sakanya!