CHAPTER FIFTEEN: Worrywart
Ikinuyom ko ang mga palad ko't huminga nang malalim. Inosente siyang nakatitig sa akin habang naghihintay sa sasabihin ko't diko rin alam kung itutuloy kopa ito.
"Shaira?" she asked with her puzzled face
Napalunok ako.
"I-itigil napo natin to...a-at" pabilis nang pabilis ang kabog ng dibdib ko habang nagsasalita. kinakabahan ako..
Nanatili siyang tahimik at hinintay akong magsalita. Nakakahiya gague. Bumuntong hininga ako saka bumulong sa sarili ko.
"A-at—"
"—ma'am liang!" agad akong napatigil nang marinig ko yung sigaw ni miss loren. hingal na hingal siyang tumatakbo papalapit saamin
Napakunot naman ng noo si ma'am lia "I told you not to call me that didn't i?" masungit niyang wika habang nakatingin kay loren na nakahawak sa magkabila niyang tuhod at pilit na naghahabol ng hininga. nu nanaman bang meron??
Nilapitan ko siya't hinawakan yung likod niya at pinakalma siya. Napa krus naman ng braso si ma'am lia sabay irap "What's the matter?" masungit niyang wika
"Kalma po miss loren.." pagpapakalma ko sakanya
"S-s-si m-ma'am sheila po" utal niyang wika na agad naman nagpatindig ng mga balahibo ko. kinakabahan ako, tsngina anong meron kay mama???
"A-ano pong nangyari?" pagtatanong ko
"N-nahimatay!" nanlaki ang mga mata ko at agad siyang iniayos ng tayo para tanungin pa. pta bakit???!
"WHAT THE?!—" sigaw ni ma'am lia "WHAT HAPPENED LOREN?! TELL US NOW!"
Kinakabahan ako, ambilis ng tibok ng puso ko. Pta anong nangyari kay mama??!
"T-tumawag napo ako ng ambulansya..i-inaalalayan po sila ni ma'am sol at miss shane—"
"—asan po sila?!" pagtataas ko ng boses
"A-andun po sa cottage, t-tara napo!" wika niya sabay takbo kaya agad rin akong tumakbo't sinundan siya. napatakbo rin si ma'am lia at pansin kong pilit niyang hinahawakan yung dibdib niya. fudge, di siya pwedeng tumakbo
Tumigil ako para lingunin siya ngunit tinangu-tanguan niya lang ako at sa tingin ko ay sign niya yun sakin para magpatuloy sa pagtakbo.
Kinakabahan nako para kay mama kaya dumiretso nalang rin ako ng takbo't dali daling sinundan si loren.
__
"Ma!" agad akong napaluhod nang makita ko si mama na nasa bisig ni tita sol. walang malay at nakatabi yung wheelchair niya sa isang gilid. mas lalo pang napabilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya sa ganoong posisyon, pakiramdam ko sasabog na dibdib ko.
"Ma!...ma!" pilit kong tinapik tapik yung pisngi niya ngunit wala akong nakuhang sagot. nanginginig na ang mga kamay ko't diko alam ang gagawin ko. wag naman po sana..
"P-parating napo yung ambulansiya!" sigaw ni miss loren
Agad naman akong napaangat ng tingin nang makarinig ako ng wangwang ng ambulansya. Dali-dali ko siyang binuhat at nang buksan na nila yung pinto sa likod nito ay agad ko siyang isinakay saka sumunod.
Hawak ng nanginginig kong kamay ang kamay niyang walang senyales ng pagtugon. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang chine-check siya ng mga rumespondeng nurse.
"M-ma...ma..." pagtawag ko sakanya gamit ang ma-emosyon kong boses. naiiyak ako...hindi ko kakayanin kunsakali mang mawala si mama...hindi ko kaya..
Ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko nang may isang maputing kamay ang pumatong sa kamay kong nakapatong sa kamay ni mama. Dahan dahan akong napalingon sakanya't mas lalo pa akong nagulat nang makita ko ang mukha niyang punong puno ng awa.