CHAPTER TWENTY: Mrs. Grimaldi

78 5 0
                                    


CHAPTER TWENTY: Mrs. Grimaldi

Mastermind's Pov...

*On Call

"Andito napo siya ma'am...p1nat4y niya po yung mga baguhan! N-natatakot po ako, baka pag lumabas pa ako dito maka-meet and greet ko si s4tanas!"

She smirked "As expected...God amelia, you're such a good bait.." she played the rim of her glass while sitting in a bathrobe infront of her round mirror

"Stop whining like a baby and make sure you won't hurt her...do whatever you want with amelia, k1lling her would be the best. But all i want is shaira...so don't you dare scratch her, not even a bit. Just bring her to me and i'll give whatever you ask for.." she drank her wine and ended the call.

"I'm coming for you...i won't let amelia steal anything from me again...specially you.."

"Shaira.."

~~~

Shaira's Pov...

"Death has no name..." wika niya sabay tutok ng baril sa mukha namin ni ma'am lia. ramdam ko na ipuputok niya na ito at agad kong naisip na dito ito tatama kaya't yumuko ako agad kasama si ma'am lia

*Bang!

Pagkaputok niyon ay agad kong binitawan si ma'am lia at ginawa ang isa sa pinaka-desperado kong desisyon sa buong buhay ko. Diko na inisip kung magpapaputok pa siyang muli o ano. Wala narin naman akong oras para mag-isip at ito ang unang bagay na pumasok sa utak ko kaya gora na.

Di ito ang oras para pairalin ko ang kahinaan ko.

Mabilis akong tumakbo, aming for the gun in his hand. Agad ko itong inagaw ngunit gaya ng inaasahan, matigas ito't napakalakas niya. Halatang nakaka isan-daang hilaw na itlog kada araw e.

Ginamit ko ang buo kong lakas para makipagbuno sakanya. Pinilit kong itutok ang baril pababa para sana iputok ito sa tuhod niya ngunit—

*Bang!

Napatulala ako nang marinig ko ang pagputok ng baril na pinag-aagawan naming dalawa. Gayon nalamang ang gulat ko dahil hindi naman ako yung kumalabit ng gatilyo para pumutok ito.

Nagkatitigan kami, gulat na gulat ang mukha ko habang siya naman ay napa 'o' nalang ang bibig. Dahan dahang bumitaw ang kamay niya sa baril na pinag-aagawan namin at unti unti siyang napaluhod sa sahig at awtomatiko naman siyang sinundan ng tingin ng mga mata ko.

Hawak niya yung 1tl0g niya...gag0!!

Maya maya pa'y napasalampak siya sa sahig habang iniinda yung kwek kwek niyang nabuak. Napangiwi ako, naawa ako slight. "Ayan kase, di nalang binigay...napisa tuloy"

Hay! Dapat para sa tuhod niya yun e! Pero diko na kasalanan...di naman ako pumutok e.

Napasinghap ako habang nakapinta ang kayabangan saaking mukha. Akalain niyo yun, nakatalo ako ng isang titan— ay este isang maskuladong lalaki na halos limang beses na mas malaki saakin

Napangisi ako't lumingon sa likuran ko para akayin na si ma'am lia palabas sa lugar na ito "ma'am lia tara napo—"

Agad na napalitan ng gulat at kaba ang nararamdaman ko nang wala akong makitang ma'am lia sa likod ko. Ni anino niya'y wala. Fvck!

"M-ma'am lia?— aaah!" salubong na noo kong tanong sa paligid saka sinubukang maglakad para umikot at hanapin siya ngunit agad rin akong napatigil nang may maramdaman akong kamay sa paa ko at pagtusok na dahilan ng pagsigaw ko

Agad akong napababa ng tingin at malakas na iwinagwag ang paa ko mula sa kamay na nakahawak sa paa ko para pakawalan ito "Bitawan mo nga ako! Inihawak mo yan sa 1tl0g mo tapos hahawak mo saakin? Fvck off!—" hindi kona natapos ang sasabihin ko nang makaramdam ako ng matinding pagkahilo na ikinaikot ng paningin ko. agad akong napahawak sa ulo ko dahil sumakit rin ito.

MY SISTER'S EX WIFE BECAME MY BOSSWhere stories live. Discover now