CHAPTER NINE: Chef
"G-gising napo pala kayo..." utal kong sabi
"I am.." malumanay niyang sabi. habang si shane naman ay malawak na nakangiti habang nasa tabi niya. batang to talaga eh.
"You never told me you had such a beautiful niece.." pambobola niya. infairness angganda ng woke-up-like-this look niya ah kahit medyo magulo yung nakalugay niyang mahabang buhok mala diyosa parin
"Ate sabi niya po i'm beautiful daw"
umirap ako "Asuss, asumera.."
"Ah..ma'am dipa po ba kayo nagugutom?" pagtatanong ko
"Ahm...i think i'll order nalang...for us—"
"—nako ate mia! magaling po magluto yan si ate shaira! siya nalang po paglutuin niyo kesa mag order gagastos papo kayo...nakakahiya po hehe.." napangiwi ako. nanitong batang to eh no!!
"Oh...is that so.."
"N-nako h-hindi po ma'am! Scrambled egg lang po kaya kong lutuin saka canton! M-may sabaw panga eh!" pagdedepensa ko
"Liar!"
"Hindi kaya!"
"Really? Those are my favorites..." napatigil ako sa sinabi ni ma'am lia
"Oh yan te shai! Luto kana" masiglang wika ni shane
"You're my personal maid anyways... thats part of your job.." wika niya
"O-M-G!! Personal maid?!!!" gulat na wika ni shane. inggit nanaman to HAHA
"Manahimik kanga jan shane. S-sure po kayo ma'am?—"
"—Ate mia tara po sa baba! Wala naman po sila mama at tita eh!" pagsabat ni shane sabay hawak sa kamay ni ma'am lia na ikinatingin sakanya ni ma'am lia nang may malumanay na mukha. g-gosh...she's looking like an angel again..
"Hmm let's go then" tumayo siya at hinila naman siya ni shane palabas habang ako naman ay napatulala nalang. e-eh?!!
"Hintayin nalang po namin lulutuin mo te shai ah!" pagsigaw ni shane.
"Hays..." napasinghap ako
Napasapok nalang din ako sa sarili ko. Hinanap ko yung tali ko sa buhok saka nag-low ponytail at bumaba na. Haynako...no choice.
Sinuot kona yung apron ko saka hinanda na yung mga gagamitin para sa pagluluto. Haynako ate, please saniban mo ako!!
Di naman kasi ako ganun kagaling magluto eh. Marunong lang pero marami pa akong di alam since tumigil nga ako sa pag aaral para magtrabaho. Pero sana naman ma-satisfy ko siya dito!!
Nagsimula na akong magpakulo ng tubig at maghiwa hiwa ng sibuyas at spring onions. Naisipan koring magsangag ng kanin para mas masarap tas lalagyan ko maraming bawang. Hayss sarap!!
Parang ako na yung nagca-crave sa lulutuin ko eh haha. Feeling ko tuloy ako rin makakaubos nito jk!
Lagyan kona rin ng hiniwa hiwang ham yung sinangag saka cheese. Sinala kona yung niluto kong limang canton. Favorite kasi to ni shane eh and marami naman kaming stocks kaya okay lang. Re-stock ko nalang pag nakasahod hehe.
Hinalo halo kona sa isang malaking lalagyanan saka tinabi. For sure pag sinerve kona to ngayon pagbalik ko ubos na.
Naglaga narin ako ng limang itlog para solved. Nagtunaw narin ako ng kaunting cheese, sana magustuhan nila. Hinango kona yung sinangag saka sinunod na binati yung itlog. Ginisa kona yung sibuyas at maya maya pa ay nilagay kona yung binati kong itlog na may paminta, asin, at betsin saka nilagay yung spring onion mang mabuo na. Bali limang itlog din to.