CHAPTER THIRTY-NINE: THE DOCTOR IS OUT

34 1 0
                                    

JAM'S POV

ILANG ARAW na kaming nakikipagbuno ni mom kay dad. Hindi ko na alam ang gagawin namin. Lagi nalang siyang balisa, biglang sumisigaw at ayaw kumain. Binabato niya yung pagkain niya, nag aalala na kami dahil mula noong magkaganito siya ay di talaga siya kumain.

Kakapadala lang nila ate kanina kaya ngayon palang namin madadala si dad sa hospital pero may kilala akong isang doktor na gumamot saakin noon. Halos lahat ng klase ng sakit ay alam at nagagamot niya at talagang napakahusay niya.

"Kaunti nalang po dad, kapit lang po.." pag-aalo ko kay dad. si mom ay iyak nang iyak, kita sa mga mata niya ang awa kay dad.

"Ayoko! San niyo ako dadalhin?! Ayoko ayoko ayoko! Papatay1n niyo rin ako gaya ng ginawa niyo kay renz no! Alis! Alis! Bitawan ninyo ako!!!"

Naiiyak narin ako pero ayoko ipakita sakanila na mahina ako kaya tiniis ko ang sakit ng ulo kakapigil ng iyak.

Maya maya pa'y nakarating na kami sa isang malaking tila mansyon na napapaligiran ng mapupulang rosas. Matapos magbayad sa tricycle ay dali-dali akong lumapit sa kulay puti nitong pinto ngunit napatigil ako nang makita ang malaking signboard roon.

'The Doctor Is Out'

NASAPO KO ANG AKING NOO.

Ngayon pa talaga? Timing nganaman talaga... ngayon ko lang nakitang walang tao rito. Iiling iling akong bumalik kina mom.

"Maghintay nalang po tayo uli ng tricycle ma, wala po si Doc. A"

"Aish, ganun ba..sayang naman. Sige sige.."

Patuloy parin sa pagwawala si dad pero pinilit naming pakalmahin siya ni mom.

Maya maya pa'y may dumating na jeep. Sakto namang wala itong sakay at hinintuan kami nito.

Agad kaming sumakay at sinabi kung saan yung destinasyon namin. Tumango naman yung driver saka kinuha yung bayad namin.

Nakakapagtaka lang nang biglang tumahimik si dad nang makita yung driver. Kumunot rin ang noo ko dahil mala men in black yung attire nung driver.

Suminghap nalang ako saka nagpasalamat na kumalma na si dad.

Nagpatuloy ang byahe, punong puno ng pag-aalala ang isip ko. Bigla kong naalala sina ate shaira at ate amelia. mula noong gabing iyon ay hindi ako nakatanggap ng tawag mula sakanya. kahit text ay wala.

ano na kayang lagay nung comics ko dun? psh, sana pala tinapos ko na muna bago ibinigay sakanya. sana hiningi ko nalang muna yunh address niya.

lumungkot ang mga mata ko nang si ate amelia naman ang sumagi sa isip ko. natatakot akong isipin na totoo yung sinasabi ng media. ilang beses ko nang iniyakan yun...pero hindi ko magawang maniwala.

kaya naghihintay parin ako..

Maya maya pa ay may mga pumara kaya huminto ang jeep.

May malakas na kumalabog sa dibdib ko nang makita silang lahat. Agad na napuno ang jeep ng mga lalaking nakaitim. Nandito kami sa dulo at malapit kami sa driver at bigla akong natakot. pinagigitnaan ako nina dad and mom.

nakita ko nanaman ang takot na mukha ni dad. nagdala rin saakin yon ng takot. kinakabahan ako..

masyado ko ba silang nij-judge dahil sa suot nila? baka naman miyembro lang sila ng dance troupe at ito ang uniform nila? tsk, kinakabahan parin ako.

Inilingon ko nalang ang paningin sa labas ngunit nanigas ang buong katawan ko nang makitang hindi ito ang daan papunta sa hospital.

"K-kuya...sh-shortcut po ba 'to?" utal akong nagtanong sa driver.

MY SISTER'S EX WIFE BECAME MY BOSSWhere stories live. Discover now