CHAPTER TWENTY- THREE: Drunk Confession

97 6 0
                                    

S H A I R A

"Diko kaya, paliguan mo ako..." wala sa wisyo kong wika. nakarinig akong muli ng pagsinghap na may halong inis. diko alam kungsino ba 'tong babaeng 'to, bahala siya sa buhay niya.

"Stand up." malamig niyang wika.

Pinilit ko namang itayo ang aking katawan ngunit agad rin akong napaupo pabalik dahil sa sobrang bigat ng katawan ko ngunit sa puntong ito ay sinalo niya ako at napalapit ang mukha ko sakanya.

Angganda niya ngunit nakasimangot. Nagkatitigan kami sa isa't isa nang malalim at kakaunti lamang ang pagitan ng mga mukha namin. Isang galaw at mahahalikan kona siya.

Gamit ang aking hintuturo ay hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya mula sa harap patungo sa likuran ng kanyang tenga. Napangisi ako nang mamula ang kanyang mukha.

"Ganda mo" wika ko.

"Baho mo." masamang tingin niyang wika saakin. nginisian ko lamang siya.

Pumikit ako't mahinang idinikit ang noo ko sa noo niya. "Angganda ganda mo..." bulong ko bago kumawala ang isang patak ng luha mula sa kaliwa kong mata. "Kaso yung ganda mo...parang rosas" pagpapatuloy ng wala sa wisyo kong sarili.

"Pag hinawakan, nakakasugat...nakakatusok"

"Then don't touch me." malamig niyang tugon.

Napangiti ako nang mapait. "Sana fake rose ka nalang..."

"Why? Para di ka masaktan? Ganun ba?" tanong niya.

"No," iminulat ko ang aking mata at hinawakan ang kabilang parte ng mukha niya gamit ang isa ko pang kamay. "Handa akong masaktan, dumanak man ang dugo ko sa sahig...hahawakan kita."

"Then why—"

"—para dika malanta, para dika mamatay..." pagputol ko sa tanong niya.

"That's not my question." napakunot noo ako sa sinabi niya at nanahimik lamang. "Why aren't you...touching me yet?"

Sa tanong na iyon ay napalunok ako't nanigas. Bakit? Bakit? She knows the answer, why does she have to ask?

Pumikit akong muli habang magkadikit parin ang aming mga noo at tungki ng aming mga matatangos na ilong. "Kase..." ngumiti ako nang mapait. "May nagmamay-ari na sa'yo...,dalawa panga eh.."

Natigilan siya sa sinabi ko't nanatiling tahimik. Maya maya pa'y nagulat ako nang isandal niya ako nang tuluyan sa upuan at hinawakan naman ang magkabila kong pisngi gamit ang maliliit niyang mga kamay. "If i'll let you own me, would you take the offer?" seryoso niyang tanong.

Iminulat ko ang aking mga mata at ngumisi. "Gusto ko ako lang," hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at idinikit ang kanyang noo sa aking noo. "Akin lang." dagdag kopa.

Sa oras na iminulat ko ang aking mga mata kanina, alam kona kung sino ang kaharap ko.

Sa kulay nito at sa amoy niya, di ako pwedeng magkamali kung sino siya.

"If you really want this rose, steal it"

"Ayoko, para sakin...yung babaeng yun," pumikit ako. "Isa siyang mailap na rosas..."

MY SISTER'S EX WIFE BECAME MY BOSSWhere stories live. Discover now