CHAPTER THIRTY-EIGHT: Worried And Confused

48 1 0
                                    

AMELIA

NABURA NA ANG MAKE UP KO DAHIL SA ULAN.

Hindi ko maipaliwanag ang titig niya saakin lalo na nung dawagin niya akong 'dae'. Nabuhayan ang loob ko at para bang sasabog ang dibdib ko dahil pakiramdam ko ay natupad na ang matagal ko nang pinagdarasal.

Nang maputol ang paghahalikan namin ay nagtitigan kaming dalawa. Para bang nagdadalawang isip siya or parang may malalim siyang iniisip na di ko maipaliwanag? Nahihirapan akong basahin ang mga mata niya dahil masyadong maraming ibinubulong ang mga iyon.

Ang bilis ng pintig ng puso ko, hindi ko mapigilan. Gusto ko pa siyang halikan...

Maya maya pa ay nag-angat siya ng tingin at napatigil rin naman ako nang makita ko yung kotse ni mary na papasok. Dali-dali niya akong hinila patungo sa pinakamalapit na cr.

Malaki ang mansyon ni mary at marami ang nagkalat na cr dahil marami siyang tauhan.

Mala-hotel ang loob ng cr niya, kumpleto sa lahat. Agad ko namang inasikaso si Shaira at tinulungan siya. Nauna na siyang mag-hotbath habang ako naman ay naghintay lang sakanya habang hawak yung towel niya.

Maaga akong pumasok, alas kwatro palang nang madaling araw. Kagagaling ko lang sa private resthouse ko sa baguio, iniwan ko roon sila mama para mapanatili silang ligtas mula sa lahat.

Bantay sarado ang lugar na iyon, andun din si mom kaya nasisiguro kong ligtas silang lahat.

Basang basa ako, burado ang make-up ko. Buti nalang ay waterproof itong disguise bag ko at di nabasa ang mga gamit ko.

Nagulat nalang talaga ako kanina sakanya, kapapasok ko lang nang makita ko siya sa ganoong posisyon.

Naaawa ma'y diko rin mapigilang mapangiti dahil may naaalala ako. Hinalikan niya rin ako sa gitna ng ulan noon at hanggang ngayon ay bakas parin ang pakiramdam nun sa mga labi ko. Maging sa buong katawan ko. Nilalamig ma'y napakasarap.

Napaangat naman ako ng tingin nang makita kong tapos na siya. Nakasuot na siya ng puting roba at inabot ko naman sakanya yung towel para matuyo niya yung buhok niya.

Awkward...

Tahimik kami parehas. May hawak pa akong isa pang towel, bitbit ko iyong pumasok matapos siyang yukuan.

Hindi niya magawang tumingin saakin at ganun din ako sakanya. Napakalamig na kaya agad narin akong pumasok at sumuong sa bathtub na may mainit nang tubig.

Matapos maligo ay agad ko napansing wala siya. Sigurado akong pumasok na siya. Matapos mag make-up ulit ay naglakad na ako papasok at sa mesa ay nakita ko roon si Mary na nakaupo.

Mukha siyang stressed habang pumipirma ng mga papeles.

Hindi na ako nagtagal ng tingin sakanya, naaalala ko nanaman yung ginawa niya. Hindi ko na tuloy alam, tanong ako nang tanong sa isip ko. Naghahanap ng rason para gawin niya iyon pero wala eh.

Napakagulo mo, mary.

Napakagulo mo, grace.

Niyukuan ko nalamang siya saka siya nilagpasan ngunit--

"Angel.."

MY SISTER'S EX WIFE BECAME MY BOSSWhere stories live. Discover now