CHAPTER TWO: Kyaa!!
(Shaira 8yrs old)
Nasa kwarto ko kami ni ate at magkatabing nakahiga sa higaan ko. Parehas kaming tahimik habang pinapakinggan si mama sa kabilang kwarto na kanina pa umiiyak.
Kinakausap niya nanaman yung litrato ni papa na kahit kailan ay never niyang pinakita saamin.
[ "Hayop ka jerico...b-bakit mo kami iniwan..." ]
[ "M-minahal kita...bakit? tagal na kitang hinihintay p-pero..p-pakiramdam ko wala nang pag-asa pero bakit ganun...umaasa parin ako.." ]
[ "WALA KANG KWENTA!!" ]
Mga sigaw ni mama kasama ang paghikbi niya na di tumitigil.
Habang si ate naman ay patuloy lang sa pagsuklay ng buhok ko at sinusubukan akong patulugin ngunit diko talaga magawa.
"Ate..."
"Po baby shai?" wika ni ate sabay singhot sa sipon niya. alam kong umiiyak rin siya ng tahimik ngunit diko lang ito pinapansin kasi alam kong ide-deny niya rin ito
"Can you promise to me po?"
"What promise bunso?"
"Pwede po bang dito kanalang habangbuhay...wag mopo kami iiwanan ni mama gaya ng ginawa ni papa.."
"Oo naman bunso...promise" napangiti ako
"Pinky promise?" wika ko saka umupo at hinarap si ate kaya agad niyang pinunasan yung mga luha niya
"Pinky promise.." nakangiti niyang saad saka tinugunan yung daliri ko
"Wag kana po umiyak ate...makakalimutan rin po ni mama yang si papa..."
"Sana nga bunso..."
"Basta yung promise mo ate ah?"
"Oonaman bunso...forever!"
"Forever and ever ate?"
"Promise...kahit anong mangyari, andito lang ang ate...hinding hindi kita iiwanan"
"Iloveyou po ate.."
"Iloveyou more bunso...promise, dito lang si ate.."
~~~end of flashback...
"ATEEEEE!!!!!" bulahaw ko na sinundan ng pag-agos ng mga luha ko. hindi ko maigalaw ang mga paa ko at diko alam ang gagawin ko hanggang sa mapatingin ako sa lamesa ni ate at makakita ng isang gunting.
"A-anong nangyari!?—" napatigil nalang rin si mama nang makita niya si ate na nakabitin pa. g-gag...b-bakit siya nagbigti!?!
"A-anak ko.."
Napatakbo ako sa lamesa ni ate saka kinuha yung gunting at itinayo yung upuang nakatumba sa sahig saka inabot yung taas ng tali at ginupit ito ngunit agad ko siyang sinalo saka dahan-dahang inihiga sa sahig habang nakaunan sa mga hita ko.
Sobrang putla ng mukha niya at maputi narin ang mga labi niya. Ibang iba yung mukha niya at di maiwasang maikumpara ng utak ko ang mukha niya ngayon sa noon.
Mula sa mukhang laging nakangiti...hanggang sa isang malamig at walang buhay..
Yung katawan niyang malamig...
Katawan niya na laging nag-aalaga saakin noon...malabo nang gumalaw ngayon.
Yung paa niyang kunsaan saan kami dinadala ni mama...yung ginagamif niya sa tuwing aakyat sa engablado para tumanggap ng mga parangal o honor..
At yung mga kamay niyang ginagamit niya para suklayin yung buhok ko...buhatin ako tuwing nakakatulog ako sa sofa..
Wala na..