XIX

809 27 1
                                    


Nasaan ka Diego?


Nag aalala ang tropa at mga kaanak ni Diego. Maging ang ina nito na bihirang umuwi ay nag aalala dahil sa di matagpuan ang nag iisang anak.  Dumulog na sa otoridad ang pamilya ni Diego subalit walang lead kung asan ito ngayon. Tinitingnan ang posibilidad na kinidnap ito o kaya ay lumayas. 

"Bakit kikidnapin ang anak ko?" di maiwasan matanong ng ina ni Diego sa mga tropa ng anak.

"Tita, walang nawala sa gamit ni Diego, di nga siya nakapagdala ng bihisan kung naglayas ito. Saka naiwan pa nito ang telepono kaya marahil kinidnap ito." suhestyon ni Amiel.

"Sino naman ang tatangay sa kaibigan ninyo? Ikaw Mike nasabi sa akin ni Yaya Melinda na sa bahay ka na palagi natutulog, may napapansin ka bang kakaiba kay Diego?" tanong ng ina ni Diego sa mga tropa ng anak.

"Wala po Tita.  Wala akong napapansin na kakaiba kay Diego. Saka palagi lang nasa bahay iyon." sagot ni Mike sa ina ni Diego.

Ang pag aalala ng kaanak ni Diego ay labis maging ang mga kaibigan at mga kaklase ni Diego ay nagtataka dahil biglaang pagkawala ni Diego. Lumipas ang mga araw ay umaasa ang tropa na babalik si Diego lalot walang dahilan na umalis ito.  Linggo hanggang sa sumapit ang buwan. Walang ideya ang tropa at pamilya ni Diego sa kinaroroonan nito,

Sa isang malayong probinsya ay namamalagi si Diego. Sa una ay nagpupumilit itong umuwi sa bahay nila subalit tutol ang ama sa nais nitong pagbalik sa lugar na kinalakihan.  Angkaniyang amang si Ramon ay nag aalaga sa kanya.



Ramon POV's

Kasama ko si Diego dito sa Ililo City. Dito ako nadestino bilang regional director sa COA.  Mag aanim na buwan na ako dito.  Sa tagal na di ako nagpakita at walang kontak sa aking anak na si Diego, tanging si Mac na pinsan nito ang napagtatanungan ko. Wala na kaming koneksyon sa dati kong asawa na ina ni Diego. May bago na itong kinakasama.


"Dad, tuluyan na ba akong titigil sa pag aaral?" tanong ni Diego sa akin habang nag aagahan kami.

"Anak, pinapalakad ko na sa aking alalay ang pagkuha ng papeles mo sa dati mong paaralan.  Next week ay dito ka na sa St John  Academy magpapatuloy." tugon ko rito.

"Dad, di ko pa rin maunawaan kung bakit mo ako isinama rito? Okay naman ako sa Naga.  Saka andoon naman ang Yaya Melinda na tumitingin sa akin.

Hindi alam ni Diego na alam ko ang nangyayari sa kaniya kahit wala ako sa Naga. Sa loob halos lampas isang taon na wala akong kuminikasyon sa kaniya ay sinusubaybayan ko ang mga kilos at nangyayari sa kaniya. Maging ang relasyon nito kay Mike na dati kong inuutusan na tumingin kay Diego.

"Anak, naisip ko na di ka naman dinadalaw ng mommy mo dahil may bagong kinakasama ito  at laging si Yaya Melinda na lamang ang kasama mo sa buhay, kaya naisip ko na isama kita dito. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Ikaw ang anak ko kahit alam mo naman na di ako ang biological father mo di ba. Pero tinuring kitang anak Diegs kaya gusto ko na alagaan kita at ibigay ang mga kailangan mo. Sana nauunawaan mo ako?" wika ko kay Diego. 

Tumayo si Diego ay lumapit sa harap ko. "Salamat Dad, mahal na mahal po kita. Tama po kayo, mas tinuring mo pa akong anak kesa kay Mommy na palaging out of town." sabay yakap sa akin ni Diego.


Ang nakaraan...

 Mahal na mahal ko si Diego.  Anak siya ni Elsa sa ibang lalaki. Nabuntis si Elsa ng katrabaho niya at kalaunan ay tinakbuhan ito. Noong panahon na iyo ay galing din ako sa isang relasyong tinakasan. Napunta ako sa Naga City  bilang accountant sa provincial government.   Nakilala ko si Elsa sa isang bar.  Nilapitan ko ito dahil nabighani ako sa kasexyhan nito at lalo na sa ganda. Noong unang gabing nilapitan ko ay nagpakilala ako.  Sa mga sumunod na gabi ay inilahad ko na ang intensyon ko na ligawan ko siya subalit.....

All About DiegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon