I

3.8K 71 7
                                    

"Men,  May meeting daw tayo sa Qahal(kumbento) mamayang 6pm after ng 5 o'clock mass pinapasabi ni Rev." Untag sa akin  ng aking kaibigan na si Ryan.  Nagulat ako sa winika ng aking kaibigan dahil okupado ang aking isip sa paghihiwalay ng aking mga magulang.

Kasalukuyan nasa classroom kami ng aking kaibigan na si Ryan.  Nagtuturo sa unahan ang aming MAPEH teacher habang kami ay nasa likod na hindi naman nakikinig sa sinasabi ng aming guro. Malayo ang aking iniisip at iyon ang aking magulang na kagabi ay kinausap ako ng daddy na di na siya uuwi ng madalas dito sa bahay dahil hihiwalayan niya na ang mommy.

Di man ako payag subalit wala akong magagawa. Nakagisnan ko na mabait ang aking ama. Ni minsan ay hindi ako napagalitan o napagbuhatan ng kamay.  Mahal ako ng daddy kahit di niya ako totoong anak.  Isang taon gulang na ako nang makilala ng mommy ang daddy.  Inako ako nito na parang anak at sila ay nagsama at nagpakasal. Ang aking apelyido ay isinunod kay daddy ayon sa kagustuhan nito.  Di na nagkaroon ng anak sina daddy at mommy.

Ang paliwanag ni daddy ay di na sila magkasundo ng mommy dahil  nababalitaan nito na may kalaguyo ang aking ina.  Ayaw niya na maging malaking eskandalo ang nalaman niya kaya siya na lamang ang lalayo.   Ang mommy kasi ay palaging nasa out of town dahil sa seminar. Nasa insurance company  ito nagtatrabaho at mataas ang katungkulan.

Ang daddy ay isang accountant head ng aming probinsya.  Ang nature nang kanyang trabaho ang taga audit ng pera ng bayan lalo na ang gastos ng aming gobernador.  Isang CPA Lawyer ang daddy  na palagi rin itong wala sa bahay at kung umuwi sa bahay ay dalawang beses sa isang buwan subalit lagi akong tinatanong sa telepono tungkol sa pag aaral ko at kinukumusta bawat araw.

Mas maraming oras ang daddy kesa kay mommy dahil inoobliga nito ang sarili na kada byernes hanggang Linggo ay kasama niya ako.  Ideal father si daddy. Samantalang si mommy  ay nasa trainings at seminars out of town palagi.

Pagdating sa pera ay di naman ako napapabayaan ng aking magulang. May sarili akong atm na pinupunduhan ng dalawa. Sa bahay si Yaya Melinda ang tanging kasa kasama ko. Siya ang all around na kasambahay namin.  Sabagay kami lang dalawa ang madalas  magkasama sa bahay.

"Anong sabi mo Ry?" Di ko kasi naunawaan ang sinasabi nito dahil sa abala ang aking isip.   Si Ryan ay tulad ko na sakristan (altar server) at pareho kami second year high school. Magkapitbahay kami.

"Sabi ni  Rev. Dan meron daw tayong meeting mamayang 6pm." Ulit nitong wika.

"Di siguro ako pupunta Ry.  May kailangan akong gawin sa bahay. " Tugon ko. Pareho kami ni Ryan na sakristan sa simbahan. Simula grade 5 ay naglilingkod na kami sa parish church namin.

4:30 ng hapon ay agad akong umuwi ng bahay pagkatapos kong magpaalam kay Ryan.  Si daddy kasi ay inaantay ako bago ito aalis ng bahay.

"Anak, anong plano mo? Sasama ka ba sa akin?" Tanong ni daddy habang nag iempake ito.

"Dy, sorry po.  Dito nalang po ako sa bahay.  Wala po kasi kasama ang mommy." Tugon ko rito.  Plano ni daddy na isama ako sa pag alis dahil sa palaging wala sa bahay si mommy.

"Nauunawaan kita anak. Mabuti na yun na mabantayan mo ang iyong mommy. Ikaw lang ang aasahan ko na titingin sa kanya. Hayaan mo palagi akong dadalaw sayo." Wika ni daddy habang yakap ako. Marami itong binilin sa akin lalo na sa aking pag aaral. Nangako ito na magkikita kami  sa mga susunod na araw.  

Alas syete ng gabi nang lisanin ni daddy  ang bahay. Wala ang mommy dahil nasa trabaho pa ito.  Tanging pagluha na lamang ang aking nagawa.  Buo ang aking pasya na manatili sa poder ni mommy  dahil siya ang tunay kong magulang. Pag uwi ni mommy ay agad ko itong sinalubong, tila wala lang sa kanya ang pag alis ni daddy.  Binilinan ako nito na masanay na wala sa bahay ang daddy dahil napagkasunduan ng dalawa ang maayos na paghihiwalay.




All About DiegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon