Ang Paglayas ni Diego
Kinaumagahan maagang lumipat ng kwarto si Diego. Bagong dating ang ama nito.
"Dad,saan ka galing kahapon?" tanong nito sa ama.
"Dinalaw ko ang kumpare ko na ninong mo noon sa binyag." turan nito kay Diego.
"Huh? May ninong ako Dad? Bat wala man lang akong nakikilalang niong ko simula bata pa lang ako." taka kong tanong rito.
"Yun ba? Si Kumpareng Anton ay nasa Amerika sa loob ng 15 taon at nandito siya Pinas para magbakasyon kaya hindi mo siya nakilala."
"Ganun pala. Siyanga pala Dad, kumuha ako ng room dito sa hotel kagabi kasi walang space sa bahay ni mommy. Yung kwarto ko daw ay natambakan ng mga gamit kaya sa halip na sa bahay ni Lolaako matulog ay bumalik nalang ako dito sa hotel. Wala ka naman dito at di ka rin nasagot sa mga texts at chats ko." lahad ko.
"Yun nga Diegs, nabasa ko lang kanina yun mga texts at chats mo nung macharge ko na cp ko....nalowbat kasi" sagot ni Dad.
Sabay na kami ni dad pumunta sa afresco ng hotel para mag agahan. Habang nag aagahan kami ay naikwento ni Daddy ang kumpare nitong si Ninong Anton.
"Anong plano mo ngayon Diegs? Pupunta ka ba sa lola at mommy mo?" tanong nito.
"Mamayang gabi nalang Dad. Wala naman akong gagawin kaya dito nalang ako sa hotel." wika ko.
Naisip ko na ito ang pinakamalungkot na pasko ko kahit andito ako sa Bicol. Ayaw kong pumunta kay mommy at lola dahil nararamdaman ko ang hindi mainit na pagtanggap ni mommy. Wala ang tropa kong sina Amiel at Caloy dahil nasa ibang lugar sila. Si Kuya Mike naman ay may asawa na.
"Diegs, may problema ba?" tanong ni daddy sakin.
"Dad, kahapon pumunta ako sa bahay ni mommy, naramdaman ko na hindi man lang siya masaya na makita akong muli. Naisip ko na dito nalang sa hotel tumuloy. Wait....,mamaya kunin ko sa kabilang room yung mga gamit ko." wika ko.
"Wag kang sasama ng loob sa mommy mo Diegs. Marahil stress siya sa bagong asawa niya dahil pasaway daw sabi ng mama." turan ni Dad. Still tnuturing pa rin ni Dad si Lola bilang mother in-law.
"Yun na nga Dad. Sakit sa ulo daw ang bagong asawa ni mommy. Hinahanap ka po pala ni Lola, Dad." tugon ko.
"Sabihin mo okay naman. Pasensya na kamu kung di ako makakapasyal sa kanya sa bahay dahl andon din si Elsa."
"Okay po sasabihin ko mamaya" tugon ko.
"Aalis ko mayamaya,magkikita kami ng Ninong Anton mo." paalam ni Dad.
"Dad, pwede ko ba makita si Ninong Anton? I mean, gusto ko siya makilala." wika ko.
"Di ba sabi mo pupunta ka sa lola mo mamayang gabi? Baka bukas na ako makabalik dito sa hotel."
"Ang totoo kasi Dad ay boring dun kina lola Wala ang tropa ko dito at si KUya MIke naman ay may asawa na. Wala naman akong gagawin Dad" lahad ko.
"Ganun ba? Kausapin ko muna si Kumpare kung matutuloy kami." wika ni dad tila ayaw akong makasama sa pagkikita nilang Ninong Anton.
"Dad, di nalang po ako sasama. Dito nalang ako sa hotel tatambay." agad kong sagot. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumayo na ako para bumalik sa kwarto.
"Dad, akyat na ako. Mauna na po ako sayo."Tumango ang daddy kaya iniwan ko na ito. PUmasok na ako sa kwartong inupahan ko. Agad kong inayos ang gamit ko. Pagkatapos maisaayos ay naligo na ako. Ilang mensahe sa cp ko ang bumungad sa akin.
BINABASA MO ANG
All About Diego
General FictionThe Secrets of Diego yun sana ang title ng story na to... But I chose All about Diego kasi inirelate ko siya sa totoong tao na kilala ko since he was a teenager. The story is about the life and lust of Diego and the turning point in his life. Aba...