XXIII

753 28 1
                                    

Sa Pagpapatuloy

Diego's POV

Sa ikatlong araw ng aming bakasyon sa probinsiya ni Daddy ay naramdaman ko ang disgusto ni Ramcell sa akin at maging sa mga magulang ni Dad.  Bilang anak na lumaki sa poder ni Dadddy ay masasabi kong tunay na anak ang turing sa akin ni Daddy.  Inako niya ako bilang totoong anak nito dahil apelyedo niya ang gamit ko. Gayunpaman ay hindi ko maiwasan makaramdam ng pangamba na baka mawala o mabawasan ang pagmamahal ni daddy sa akin dahil alam ko na hindi ako tunay niyang kadugo at si Ramcell ang tunay na anak nito.

Since bakasyon naman dahil magpapasko ay nagkaroon kami ng panahon ni Valerie na makapaggala kasama si Eboy. Si Daddy ay kasama ng magulang nito at anak nitong si Ramcell. Kahit gusto man akong isama ni Daddy sa pupuntahan ng mag anak ay ramdam ko na ayaw akong makasama ni Ramcell sa ama.  Nagpasya nalang si Daddy na kausapin si Eboy na samahan kami maglakwatsa. Kaming tatlo nina Valerie at Eboy ay umalis ng bahay gamit ang sasakyan ni Dad.  Nasabi sa akin ni Dad na pupunta sila ng Boracay at Palawan kasama ang magulang at si Ramcell. May paghihinayang man ay nagpasya nalang ako na lilibot din kami nina Val at Eboy.

Pagkaalis nina Daddy ay nag ayos narin kami ng aming gamit ni Valerie at Eboy. Ako ang magdadrive ng sasakyan ni Dad since pinayagan naman akong gamitin ito. Malungkot ngunit sa kaibuturan ng aking puso ay pagpapalayang damdamin. Kung mas mahal ni Dad si Ramcell sa akin ay lubos kong itong tatanggapin dahil simulat sapul alam ko na hindi ako ang tunay nitong anak.  Alam ko rin kung saan ko ilulugar ang aking sarili sa buhay ni Daddy.

Malapit sa bahay ng magulang ni Daddy, 30 minuto ang binayahe namin ay narating namin ang Lumang Simbahan. Ayon kay Eboy ay sa panahon pa ng Kastila ay naitatag ang simbahan at sa panahon ng Hapon ay himalang hindi man lang ito nasira kahit sa lugar ng Mindoro ay nagkaroon ng digmaan.  Pagkamangha ang aking naramdaman ng makapasok ako sa simbahan. Walang misa dahil araw ng Martes.  Nanariwa sa akin ang alaala nung ako ay sakristan pa lamang.

Sina Eboy at Valerie ay panay kuha ng larawan ng lumang simbahan.  Magkakasama kaming nagpapicture sa bawat bahagi ng lugar na instagramable talaga. After namin sa simbahan ay isang oras ang nilkabay namin ng narating  ang Presing Park. Katanghaliang tapat ay nasa isang parke kami kung saan kita ang kasaysayan ng digmaan sa panahon ng Hapon. kumuha kami ng larawan sa mga kanyon na malalaki.  Maganda ang lugar dahil historical ito.  Naghanap kami ng makakainan pagkagaling namin sa parke.

"Pre, uwian ba tayo?"  tanong sa akin ni Eboy pagkaalis namin sa restaurant na pinagkainan namin. Katabi ko siya sa unaha at si Valerie naman ay tulog mag isa sa likod.  "Ano pa ang pwede nating puntahan?" tanong ko rito kahit ako ay diko alam kung uuwi na ba kami o maglilibot pa.

"Buti pa Diegs punta tayo ng malls. Since maaga pa naman ay pwede tayong magtambay doon at mamayang 5pm puntahan natin yung beach resort na doon tayo mag overnight. Kung okay lang sayo?" tanong at suhestyon sa akin ni Eboy.

"Maaring ganun na nga gawin natin.  3 araw sina daddy sa lakwatsa nila, so ganun din gawin natin. Sige doon na muna tayo magpatay ng oras sa arcade." sagot ko rito. Pagkarating namin sa mall ay tumawag si dad. 

"Anak, musta kayo diyan?"  unang wika ni Daddy sa telepono.

"Okay naman kami dito ni Valerie Dad." sagot ko.

"Videocall tayo Diegs." wika nito sabay patay ng tawag.  Pagkaraan ay muling tumawag si dad sa messenger na agad ko namang sinagot. "Dad, ito po si Valerie at Eboy, andito kami sa Serin Ayala Mall dad. Mamaya po ay pupunta kami ng Inasakan Beach." lahad ko sa aking ama.

"Basta mag ingat kayo. Mahal na mahal kita anak.  Chat at text nalang pag may problema diyan." wika ni dad sabay patay ng phone nito. Kita ko ang lungkot sa mukha ni dad marahil gusto niya kaming kasama ni Valerie.

All About DiegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon