XXX

1K 29 8
                                    

Bonding Moment ni Diego at ng Step Father

Umuwi ako ng Naga City dahil birthday ng aking lola. Nagkaroon kami ng pagkakataon na magkausap ng mommy at ganundin ay makilala ang aking stepfather na si Tito Andrew.  Hindi ko maiwasang humanga sa hitsura at pangangatawan sa bagong asawa ni Mommy dahil halos kamukha nito si Paolo Paraiso. Kulot ang buhok at mestizo.

Kinagabihan ay pumunta ako sa bahay kubo na dati naming tambayan ng tropa.  Pinansin ako ni Kuya Mike ng makita ako kasama ang tropang sina Amiel at Caloy. "Buti nandito ka Diegs. Akala ko nawala ka na naman kasi pinuntahan ako sa bahay ng daddy mo at hinahanap ka noong araw ng pasko." wika nito sa akin. Sinagot ko ito na sa Legaspi ako natambay kina JOmari sa pinsan ko.

Napag usapan ang kaplanuhan ni Kuya Mike sa kaniyang asawa. Pakakasalan nya si Queen dahil mahal na mahal niya ito. Di ko maiwasan na magdamdam dahil tila wala nang damdamin sa akin si Kuya Mike.

Subalit habang lumalalim ang gabi at sa ispirito ng alak ay naipagtapat ni Kuya Mike ang saloobin niya. Napasubo lang daw ito at nabuntis si Queen.  Minabuti kong iwasan ang umuusbong kong damdamin kay Kuya Mike dahil may asawa na itong buntis. Dahil sa kalasingan ay dinalaw ng kami ng antok at nakatulog.





Kinaumagahan bago ako umalis ng CamSur ay nagpaalam ako sa tropa na babalik ako sa sunod na disyembre.  Mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng tropa ko at si Kuya Mike ay isang marubrob na halik ay pinalasap sa akin.  Matapos ang ilang minutong paalaman ay umuwi ng ako ng bahay para magpaalam nadin kina mommy at Lola. Wala si mommy sa bahay at ang lola ay kasama ng kaibigan nito. Naratnan ko ang Tito Drew na nagluluto ng tanghalian.

"Ahmm Tito, asan po ang mommy?" tanong ko rito habang lumalapit.

"Nasa mall. Bibili daw ng pang noche buena. Bakit Diegs?" tanong ni Tito Drew na patuloy ang ginagawang pagluto.

"Tito, magpapaalam sana ako sa kanya.  Balik na ako kina Tito Larry sa Albay." wika ko.

Kita ko ang gulat sa mata ni tito Drew sa winika ko. "Agad agad Diegs?" wika nito na nais akong pigilan na umalis.

"Oo Tito. Doon na din kasi ako aalis pabalik ng Iloilo." tugon ko.

"Ganun ba? Plano ko pa naman sana makabonding ka. Alam mo na para maging okay tayo. Masaya ako na binata na ang anak ni Liza at magiging tropa ko. Hindi lang ako step father mo, tropa mo na rin sana. Kaso di ka naman pala magtatagal." lahad nito. Kita ko ang disappointment sa mukha nito.

"Ahmm Tito Drew, pwede naman di ba... pagbalik ko next december dito na ako tutuloy galing Iloilo." tugon ko.

"Tagal pa nun Diegs.  Alam mo gusto kong mangyari na makilala mo ako at matanggap mo na bagong asawa ng mommy mo. Ganundin din ang Daddy Ramon mo ay gusto ko makilala din siya at maging kaibigan. You know, awkward din kasi kapag hindi tayo comfortable sa isang tao." lahad nito. Napatango ako sa winika nito.

"Alam kong mabait ka Tito Drew. Alam ko din na mahal na mahal mo ang mommy. Kaya nagtitiwala ako sayo na aalagaan mo ang mommy." tugon ko.

"Of course Diegs. Although 10 years ang tanda ng mommy mo sa akin ay mahal na mahal ko ito at ikaw bilang anak niya at gusto ko maging pamilya tayo." wika nito.

"Salamat Tito." wika ko rito sabay lapit at yumakap sa kanya. Naramdaman ko ang malaking katawan nito na humapit sa katawan ko. "Basta next year Diegs, usapan natin na magbabonding tayo." turan nito.

"Opo Tito." sagot ko.

"Bago ka umalis, kumain ka muna." wika nito na agad ko naman tinanggap. "Tito akyat muna ako sa kwarto ko. Napuyat ako sa inuman namin kagabi ng tropa ko.

All About DiegoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon