Part 1

3.5K 48 0
                                        

Si Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahin niyang matatandang dalaga at Lola Ising na konserbatibo.
Hindi maikakaila dahil sa mga pangalan ng tatlong babaeng anak ni lola Ising, maging sa Apelyido nilang Sta.Monica. Maging siya ay hindi nakaligtas dahil sa buong pangalan niyang Ava Maria Purisima. Idagdag pa na naninilbihan si lola Ising sa simbahan bilang katekista ng halos dalawang dekada na.

Ang panganay nitong anak na si Makahiya, na mama niya ay namatay noong dalawang taong gulang pa lamang si Ava dahil sa breast Cancer, kaya kinupkop siya ng mga tiyahin at lola niya. Walang nakamulatang ama si Ava dahil ayun sa lola niya, tatlong buwan pa lamang siya sa sinapupunan ng ina, ay iniwan na nito ang mama Makahiya niya, dahil sa ibang babae. Kaya galit na galit ito sa tatay niya, dahilan upang hindi ipadala sa kanya ang Apelyido ng ama.

Bagaman lumaking walang ama, hindi naman iyon ramdam ni Ava dahil nagampanan iyon ng buong pagmamahal ng mga tiyahin at lola niya. Naging responsableng ina at ama ang mga ito sa kanya. Naibibigay lahat ng pangangailangan niya sa pamamagitan lang ng maliit nilang panaderya. At mga pwestong pinuupahan sa palengke. Pakiramdam nga niya'y hindi na nakapag-asawa ang mga tiyahin dahil sa pag-aalaga sa kanya.

Kahit ang sinasabi ng mga ito'y ayaw nilang mag-asawa dahil lahat umano ng mga lalake ay pare-parehong manloloko! Patunay na dito ang tatay niya, maging si Tito Frank sa katapat na bahay. Dati itong kasintahan ng tita Mayumi niya, nambabae kaya hiniwalayan ng tiyahin.

Kung sina Ava ay bakery ang negosyo na naka pwesto sa gilid ng kanilang bahay, sina Simon naman ay itlogan nakapwesto rin sa gilid ng bahay ng mga ito katapat ng bakery nila.

Ang dalawang matandang binatang tiyuhin din ang nagpalaki kay Simon. Hiwalay ang mga magulang nito. Naglayas ang mama ni Simon ng malamang may ibang babae ang papa nitong nakatatandang kapatid ng mga tiyuhin.

Nasa Maynila ang papa ni Simon, nagtatrabaho sa isang tanyag na engineering company, minsan lang sa isang buwan kung umuwi.

Ang bali-balita'y may iba na itong pamilya. Ganun din ang Mama ni Simon, nakapangasawa ng banyaga at sa ibang bansa na nakatira.
Kaya naiwang mag-isa ang bata sa poder ng nga tiyuhin.

*****

Senior highschool na sina Ava.

Sa loob ng classroom habang nag-aantay sa kanilang class adviser, abala si Ava sa pagbabasa ng kanyang libro sa isang sulok, samantalang ang mga kaklase niya ay nag-uumpukan at nagdadaldalan.

Ang kaibigang si Patty naman na nasa tabi niya ay walang inatupag kundi kumain, kita naman ang resulta sa matabang katawan nito.

Lumakas ang ingay sa loob ng classroom, ang lider ng pagpapasimula ay walang iba kundi si Simon Manlulupig. Prente itong nakaupo sa silya ng kanilang teacher sa harapan. Nakataas ang mga paa sa ibabaw ng lamesa.

Mula elementary hanggang ngayong highschool ay kaklase ni Ava ang nakakairitang mayabang na si Simon. Matalino si Ava mataas ang IQ kumpara sa mga kaedad niya kaya accelerated siya ng dalawang taon. Pareho silang nasa first section dahil matalino rin naman si Simon, hindi lang napaghahalata dahil madalas itong laman ng guidance office. Kaya madalas na napapatawag ang mga tiyuhin nito.

Natigil sa pagbabasa si Ava ng maramdamang may bumato ng chalk sa ulo niya.

Nang luminga-linga, si Simon naka taas ang gilid ng labi at nakakrus ang mga balikat tila proud pa nitong ipinahihiwatig na ito ang nangbato sa kanya!

"Masyado ka namang subsob sa pag-aaral diyan Manang! baka mamalayan na lang namin graduate ka na ng kolehiyo!" malakas na sabi ng binatilyo na binuntutan pa ng pagtawa.

Nagsitawanan din ang mga kaharap nito.

Tiningnan naman ito ng masama nina Ava at Patty.

Manang kung tawagan siya nito o ng iba dahil sa konserbatibo niyang pananamit. Sa lahat ng estudyante sa kanilang eskwelehan siya lang ang bukod tanging may unipormeng nakahanggang sakong ang asul na palda at naka puting long sleeve blouse. Isama pa ang palaging nakapusod na buhok at malaking antipara. Dahil may kalabuan din ang mga mata ng dalagita.

"Simon, Simon! nandiyan na si Ms. Catacutan" humahangos na balita ng papasok sa classroom na si Aries, isa sa mga kaklase nila nagsisilbing look out, ang tinutukoy nitong parating ay ang terror nilang class adviser.

Mabilis na nagsikilos ang mga estudyante at naupo sa mga nakatalagang upuan ng mga ito. Kaya ng makapasok si Ms. Catacutan ay tahimik na ulit ang buong klase.

Binati nila ang guro, ngunit bago pa man ito makaganti ng bati ay sumalubong na ang mga kilay nito.

"Sinong may kagagawan nito!?" galit na tanong ng guro ng makita ang nagkalat na mga putol na chalk sa table, maging ang vandalism. Napatigil ito sa akmang paglapag ng bag sa lamesa.

Nagsipagyuko ang mga estudyante, alam ng lahat na si Simon ang may kagagawan, pero dahil takot ang mga ito sa binatilyo kaya ayaw magsipagsalita. Alam nila ang kayang gawin ni Simon, kapag ikinanta nila ang huli.

Pero hindi si Ava! Ito ang pagkakataon niyang makaganti sa lalakeng kinaiinisan, sa pambabato ng chalk nito sa kanya kanina.

Nagtanong ulit ang guro lukot na ang mukha nito.

Tumayo si Ava. "Ms. Catacutan si Simon Manlulupig po ang may kagagawan niyan." sumbong ng dalagita.

Nanlisik ang mga mata ng guro.

"Ikaw na naman Manlulupig? Nagtataka talaga ako kung bakit narito ka sa first section, gayong wala ka namang ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo ko!" galit na sabi ni Ms. Catacutan lumapit ito kay Simon at piningot ang tenga nito.

Napangiwi naman ang pasaway na binatilyo.

Habang lihim na nagtatawanan ang buong klase.

Maging si Ava ay patawa-tawa rin. Inambahan siya ng suntok ng galit na si Simon. Subalit hindi natinag ang dalagita, inirapan niya lang ito. Kaya lalo itong namula sa galit.

*****



Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon