Part 2

2.3K 32 0
                                        

Matapos malinis ni Simon ang lamesa ng guro base sa utos nito, nagsimula na ang klase.

"By the way class, kailangan ko ng at least isang representative na pwedeng mag intermission number para sa program ng darating niyong Prom Night. May gusto bang mag volunteer?" tanong ni Ms. Catacutan.

Nagtinginan ang mga estudyante.

Si Simon na sa unahan pinaupo at katapat ng guro ay napangiti ng pilyo tila may naiisip na namang kalokohan.

"Ms. Catacutan, si Ava Maria Purisima Sta. Monica mahilig kumanta yan, diba classmates?" suhestiyon ni Simon, nilingon ang mga kaklase upang sang ayunan ang sinabi niya.

"Yes Ma'am!"sang-ayon ng mga estudyante, nagtatawanan ang mga ito ang iba ay nag-aappear pa.

"Ava! Ava! Ava!" pasimunong pagcheer ni Simon pumapalakpak pa upang mapilitang pumayag si Ava at mapahiya dahil ang alam nito sintunado ang dalagita.

Si Ava naman na hiyang hiya ay iiling-iling. Lagot ka talaga sakin Manlulupig! galit na bulong niya sa sarili.

"Pwede mo ba kaming bigyan ng sample Ava?" nakangiting sabi ng guro.

Napilitang magtungo sa harapan ng klase si Ava. Yukong yuko siya dahil sa hiya. Ito ang unang beses na kakanta siya sa harap ng marami.

"Yuhooo!" narinig pa niyang hiyaw ng bully na si Manlulupig. Lalo siyang nainis dito.

Napalunok ang dalagita,Tumikhim at nag-umpisa ng kumanta..

Oh yeah, oh yeah
Yeah, ooh, yeah....

Natahimik ang buong klase, at napanganga ang lahat, hindi nila inaasahang may itinatago palang mala anghel na boses si Ava.

Maging si Simon ay natulala at hindi makapaniwala sa ganda ng boses ng paborito niyang i-bully.

"Wow! what an angelic voice Ava, hindi ka lang pala matalino, talented ka pa!" nagagalak na wika ni Ms. Catacutan, pumapalakpak pa ito.

"T-thank you ma'am" sabi ng dalagita habang pabalik sa kanyang upuan.

"Ngayon naman boys, pagkakataon niyo na upang alukin ang magiging date niyo sa Prom Night." sabi ng guro.

Natuwa ang mga kalalakihan, napapasuntok pa ang mga ito sa hangin at napapatalon.

Maging ang mga kababaihan ay tila kinikilig, maliban kay Ava dahil wala siyang pakialam sa Prom Night. Katulad last year, hindi siya dumalo, at balak niya ring hindi dumalo ngayong taon. Pero mapipilitan yata siya dahil nga sa kakanta siya sa gabi ng Prom Night.

At dahil yun sa nakakairitang si Manlulupig!

Napaangat ng mukha si Ava ng makita ang dalawang kamay sa kanyang harapan. Kamay ni Abet at ni Simon, nakalahad ang mga ito.

"Pwede ba kitang maging date sa Prom Night?" halos magkapanabay na tanong ng mga ito.

Napakurap kurap ng mga mata si Ava, inayos pa niya ang pagkakasuot ng malaking eyeglasses. Napakunot ang noo niya.

Si Abet ay inaasahan niyang aalukin siya nito dahil matagal na iyong sinasabi ng kababata, pero si Manlulupig? Tiyak na pinagtitripan lang siya nito. Dahil marami naman ang mga schoolmates at classmates niyang gusto itong makadate.

Inabot ni Ava ang kamay ni Abet.

"Okay Abet," sabi niya.

Napangiti ng matamis si Abet.

Habang si Simon ay nanggalaiti. Nagbabanta ang mga mata nitong nakatingin sa kanilang dalawa. Napahiya ito, dahil pinagtatawanan ng mga barkada nito.

Sa canteen oras ng recess.

Nakapila sina Ava at Patty upang mag-order ng pagkain. Hawak ng magkaibigan ang kani-kanilang mga tray. Bigla na lang sumingit sa unahan ang malokong si Simon, bitbit din ang tray nito. Walang may naglalakas loob na magreklamo sa mga nakapila.

"Grabe talaga to Simon!" komento ni Patty.

Si Ava ay napapailing lang.

Naka-order na ng pagkain si Simon, nakapwesto na rin sa isang mesa.

Si Ava na ang nasa cashier upang bayaran ang kinuha niyang pagkain.

"Ate, bakit po ang laki ng babayaran ko?" gulat na tanong niya sa tindera halos doble kasi ang presyo ng kinuha niyang pagkain ang sinisingil sa kanya.

"Sabi ni Simon, ikaw daw ang magbabayad ng kinuha niya," sagot ng tindera.

"Ano po!?" napalingon siya kay Simon, halos nanlalaki ang butas ng ilong niya sa inis.

Pangisi-ngisi lang si Simon.

Wala siyang nagawa, binayaran niya ang pagkain. Nabawasan tuloy ang ipon niya.

"Masarap talaga pag libre!" nang-iinis na sabi pa ni Simon pagdaan nila sa mesa nito.

"Mabulunan ka sana!" nangigigil na sabi ni Ava.

Paglagpas nila napainom nga ng tubig si Simon, hindi dahil sa nabulunan ito, kung hindi dahil nakakain ng sili, hindi ito kumakain ng maanghang!

"Bilis ng karma!" ngiting tagumpay si Ava.



























Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon