Part 8

1.7K 29 0
                                        

Kinabukasan ay maagang nagising si Ava, pakiramdam niya'y namahay ang katawan niya, hindi siya gaanong nakatulog. Nagbukas siya ng refrigerator at naghanap ng maluluto roon. Mabuti na lang at habang nasa biyahe sila paluwas ng Maynila kahapon ay nakapag grocery  sila. Kaya kahit papaano ay may laman ang refrigerator. Hotdog, pritong itlog at sinangag na kanin ang lulutuin niyang agahan nila ni Simon ngayong umaga.

Nasa plano ni Ava ang magtrabaho sa isang kilalang Engineering Company sa  Maynila pagkatapos niyang makagraduate sa kolehiyo. Mag-iipon ng mag-iipon at kung papalarin ay mangingibang bansa, susuportahan ang pangangailangan ng mga tiyahin at lolang nasa probinsiya. Upang kahit paano'y maibalik man lang niya ang sakripisyo ng mga ito sa kanya.

Nasa Maynila na nga siya ngayon pagkatapos ng kanyang 5 taon sa kolehiyo, pero hindi naman niya akalaing may magiging kasama siya sa pagluwas at asawa pa niya! na walang iba kundi ang nag-iisang mayabang na lalakeng kilala niya. Si Simon Manlulupig!

Napaigtad si Ava ng maramdaman ang hapdi sa kanyang braso, at ganun na lamang ang gulat niya ng makitang nag-aapoy ang frying pan sa harapan niya. Sa dami ng mga iniisip ay napatulala pala siya kanina at naibuhos niya lahat ang vegetable oil sa mainit na frying pan. Kumalat  iyon sa burner ng gas stove,  dahilan upang lumagablab ang apoy! Bigla siyang napaatras hindi niya alam kung paano nangyari at kung anong gagawin!

"S-Sunog! sunog!" nanghilakbot na sigaw niya, natarantang naghanap ng makapal na telang pwedeng basain upang ipangpatay sa lumalagablab na  stove. Yun ang naisip niyang unang hakbang para maapula ang apoy. Nagpapaikot-ikot si Ava hindi malaman kung saan pupunta at ano ang dadamputin. May nahagip na puting tuwalya ang mga mata niya. Hindi siya nagdalawang isip agad niyang hinablot iyon.

Subalit isang bagay pala ang tinatakpan nun, at hindi bagay! maselang parte ng katawan ng lalakeng  hubo't hubad at  bagong ligo!

Iniangat niya ang paningin. Mukha ng nagtatakang si Simon ang nakita niya.Nakatikom ang bibig nito ngunit nakataas ang sulok ng labi. Ibinaba niya ulit ang paningin, ang tayong-tayo na pagkalalake nito  ang nakita niya!

Tinanggal ni Ava ang salamin at kinusot-kusot ang mga mata, pagkuwa'y yumuko, tiningnan niya muli ang sandata nitong handang-handa at anumang oras ay tila makikipagdigma! 

Totoo nga! Nanlaki ang mga mata niya at natutop ang bibig.

Tumalikod si Ava at napasign of the cross. Hindi niya alam kung sa sunog ba siya humihingi ng kaligtasan, o kapatawaran dahil nakakita ng katawan ng isang hubo't hubad na lalake. Kahit pa sabihing asawa na niya ito.

Pakiramdaman niya'y gusto niyang mag orasyon at magrosaryo ng nga oras na iyon..

Tila natuyuan na ng laway si Ava sa kakalunok. Hindi niya maramdaman ang init na nagmumula sa nasusunog, sa halip mas nararamdan niya ang pag-iinit ng pisngi. Pakiramdam niya'y nilalagnat siya.

"Ano bang ginagawa mo Ava?" tanong  ni Simon na inagaw sa kamay niya ang puting tuwalya at itinapi ulit. Nagbukas ito ng kitchen cabinet at kinuha doon ang fire extinguisher. Nagmadaling inapula ang apoy.

*****

Napapangiwi si Ava habang pinapahiran ng ointment ang napasong braso. Nakaupo siya noon sa sofa sa salas ng lapitan ni Simon.

Kinuha nito sa kamay niya ang ointment, at nagpatak sa hintuturo nito, pagkatapos ay ito na ang nag-apply ng ointment sa braso niya habang hinihipan din iyon.

Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan niya, ng maidikit nito ang daliri sa braso niya. Kaya ng maramdaman ang mainit na hininga nito, dagli niyang iniiwas ang braso.

"A-ako na." wika niyang nakayuko.

Kinuha ulit ng asawa ang braso niya, at patuloy na nilagyan ng ointment. Dahil nasa braso niya ang atensiyon nito, kaya't lihim niya itong pinagmasdan.

Nang mang-angat ng mukha si Simon, ay nahuli siyang nakatitig sa gwapong mukha nito.

Nag-init ang pisngi niya ng kumindat ito.

"Ano bang nangyari sayo at balak mo pa yatang sunugin ang bahay? Hindi na pwedeng gamitin yong gas stove, kailangan na nating bumili ng bago." tanong ng asawa.

"Pa-pasensiya na, hindi ko sinasadya."

Pumalatak ang lalake. "Tapos hinubaran mo pa ko kanina, kunwari ka pang ayaw mo kong makatabi sa pagtulog, balak mo naman pala akong bosohan." pilyo ang ngiting nakaguhit sa labi ni Simon.

"Hindi nu!" agad na tanggi niya.

"Sus, kunwari ka pa diyan! Pasado na ba yun sayo?!" nanunudyo na tanong nito.

"Ang alin?" takang tanong niya.

"Yong ano.. yong sumaludo sayo kanina." makahulugan ang ngising sabi ni Simon. Inginuso nito ang harapan.

Pinamulahan ng mukha si Ava. "Bastos!" wika niyang mabilis na tumayo at nilaktawan ang asawa, saka nagtatatakbong pumasok sa inuukopang silid.

Naiwan namang patawa-tawa ang lalake.

*****

Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon