Sa Kenny Rogers sila nagtanghalian, di kalayuan sa opisina.
Pagkatapos ay inihatid na ulit siya ni Simon sa MCC dahil idadaan pa umano ng asawa sa isang mekaniko ang sasakyan may ipapaayos sa makina. Kukunin ulit bandang hapon bago sila umuwi.
Sa madalas pag-antayan kay Simon, tuwing uwian ay naroon na si Ava. Dapat alas singko ng hapon ay nadaanan na siya ng asawa, pero ala sais kinse na ay wala pa ang sasakyan nito. Sabi naman ng tinanungan niyang gwardiya ay kanina pa nakalabas si Simon.
May humintong Ferrari sa harapan niya,nang magbukas ng bintana ay si Jacob.
"Ava! Wala ka pang sundo? Hop in, ihahatid na kita." paanyaya nito
"Wag na Jacob, I'm sure parating na rin yun baka na traffic lang." tanggi niya, nililis ang suot na long sleeve blouse at sinipat ang suot na wristwatch.
Pasado ala siyete na ng gabi.
Hindi na nagpumilit pa si Jacob, pinaandar na nito ang sasakyan. Naiwan siyang kinakabahan, siya na lang yata ang naiwang empleyado, bukod sa mga gwardiya.
Nasaan na ba si Simon?
Naisipan niya itong tawagan, sa malas naman ay lowbat ang cellphone niya.
Alas otso pasado na ng mapagpasyahan niyang mag commute na lang pauwi. Baka naroon na ang asawa, nagtx at hindi niya lang nabasa, dahil nga drained na ang battery ng phone niya.
Subalit pagdating niya sa bahay nila sa BF Homes ay nakalock ang gate, at madilim pa ang loob ng kabahayan. Ibig sabihin ay hindi pa nakakauwi si Simon.
Saan ba nagpunta ang magaling na lalake? Paano siyang makakapasok? Wala siyang sariling susi, ito na nga ba ang sinasabi niya kay Simon, kaya gusto niyang magpagawa ng spare key.
Bagaman labag sa loob ay wala siyang choice kundi akyatin ang mababang gate ng bahay. Mahigpit ang hawak niya sa saya habang inaakyat iyon. Magbabakasakali siyang buksan lahat ng pinto upang makapasok, dahil bukod sa kumakalam na ang sikmura niya ay mukha pang uulan.
Sa malas lahat ay nakalock, ang front at back door maging ang mga bintana.
Alas dose na ng hatinggabi.
Naiiyak at nanlulumong napaupo si Ava sa sahig, napayakap na lamang siya sa mga tuhod at nagsumiksik sa nakasarang pinto ng front door
Nag-umpisa ng pumatak ang ulan.
Naghihimagsik ang kalooban niya. Hindi niya kailanman naisip na mararanasan ang ganito. Oo nga't lumaki siyang walang nanay at tatay pero kailanman ay hindi siya pinabayaan ng abuela at ng mga tiyahin. Ayaw na ayaw ng mga ito na madapuan siya, kahit man lang ng lamok.
Nag-angat ng mukha si Ava, ng marinig ang busina ng sasakyan sa tapat ng gate, bahagya pa siyang nasilaw sa liwanag na nagmula rito. Hindi iyon ang sasakyan ng asawa.
Bumukas ang pinto ng sasakyan. Bumaba mula sa passenger seat si Simon bitbit ang isang payong. Nakilala niyang si Andrea ang nagmamaneho.
"Sige Andrea salamat sa ride ingat ka ha, madulas ang daan!" paalam ni Simon sa babae, mahihimigan ang pag-iingat rito.
"Yeah I will, see you tomorrow bye!" tugon naman ni Andrea. Pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan.
Hindi pa man nakakalapit sa kinakasalampakan niyang sahig si Simon ay binato na ito ni Ava ng yakapyakap na malaking shoulder bag.
Gulat na nabitawan ng lalake ang bitbit na payong, dahilan upang magmadali itong sumilong.Dahil malakas ang ulan.
"Ava!?"
"Ang kapal ng mukha mong magpakasarap sa ibang babae samantalang ako pinabayaan mong umuwi mag-isa, ng walang susi!?"galit na galit na singhal niya sa lalake. Hindi nakuntento sa ibinato niyang bag, hinubad ang suot na mga bakya at pati ang mga ito ay ibinato sa asawa.
"Pero, iniutos ko sa staff ko na magpagawa ng spare key ibinilin kong iabot sa asawa ko." sagot naman nitong nagmadaling buksan ang pinto. Bakas sa mukha ang pag-aalala at guilt.
Lalong nag-init ang ulo ni Ava, naiiyak na siya sa labis na sama ng loob.
"Bakit, alam ba ng mga staff mo na ako ang asawa mo? Ha Simon!? Walang may alam! dahil, ikinahihiya mo ang pangit, baduy at Manang mong asawa! Malamang, iniabot yun sa isa sa mga babae mo!"
"Hindi totoo yan Ava." napailing na sabi nito.
Hindi na niya ito pinansin, nang mabuksan ang pinto ay nagmadali na siyang pumasok sa loob ng bahay at dumiretso sa guestroom, doon na ulit siya matutulog.
Narinig niya ang ilang beses na pagkatok ni Simon sa pinto ng kwarto. "Ava please open the door, mag-usap tayo."
"Pwede ba Simon! Magpapahinga na ko." pagmamatigas niya.
"I'm sorry, hindi ko alam na hindi naibigay sayo ang susi, I'll promise hindi na ito mauulit. Kumain ka na ba? Naghanda ako ng late dinner, buksan mo na tong pinto para makakain ka na." narinig niyang sabi ng asawa.
"Hindi ako nagugutom! Ipakain mo na lang yan sa Andrea mo!"
"Ava please.. may sasabihin din ako sayo tungkol saamin ni Andrea."
Nakahinga ng malalim si Simon, nang buksan niya ang pinto, nakangiti rin ito ng iabot kay Ava ang tray ng hinandang pasta. Ngunit ganun na lang ang pagkagulat nito ng itapon niya ang pasta sa ulo nito.
BINABASA MO ANG
Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)
RomanceSi Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahing matatandang dalaga at konserbatibong lola. Ekis sa kanila ang mga LALAKE dahil sa paniniwalang lahat ng lalake sa mundo ay BABAERO! And there's Simon Manlulupig, ang kapitbahay nila at kababata n...
