Last Part

2.9K 103 6
                                        

Mabilis ang mga hakbang ni Simon, kaya hindi niya ito naabutan. Nang makalabas siya ng hotel ang likod na lang ng SUV nito ang nakita niya. Sa direksiyon ng sasakyan nito, ay alam niyang pauwi ito ng bahay sa San Isidro.

Nagpara ng jeep si Ava, nang makarating sa kanto ng San Isidro saka naman siya sumakay ng tricycle, patungo sa bahay nila.

Muntik pa siyang matapilok dahil sa pagmamadali, kaya hinubad na lamang niya ang suot na high heels. Nakayapak siyang sumakay ng tricycle. Hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang sasakyan ng asawa, mabuti na lang at mabagal lang din ang patakbo nito.

Pababa si Simon ng sasakyan nito ng makasunod ang sinasakyang tricycle ni Ava. Matapos bayaran ang tricycle driver, agad niya itong nilapitan.

Akma naman nitong bubuksan ang gate ng bahay ng mga tiyuhin.

"Simon mag-usap tayo," hingal na sabi niya rito.

"Bakit narito ka?" kunot ang noo nito ng lingunin siya, napatingin sa hawak niyang heels at sa mga paa niyang walang sapin.

"H-hinabol kasi kita, ang bilis mong makaalis ng hotel." paliwanag niya.

"May dapat pa ba tayong pag-usapan?" kaswal na ipinagpatuloy nito ang pagbukas ng gate. Pagkatapos ay sumampa ulit ng sasakyan upang ipasok sa garahe.

Si Ava ay panay ang sunod sa asawa.
Inantay niyang maipark nito ang sasakyan, at makababa ito. Saka ulit siya nagsalita. "I'm sorry," nakayukong sabi niya.

Tila walang narinig ang lalake tuloy- tuloy lang ito sa pagbukas ng front door.

"Mister, I'm sorry kung.. kung hinusgahan kita kaagad." bumuntot pa rin siya rito.

Subalit deadma lang ito, naglakad patungo sa loob ng bahay, dumiretso sa dating kwarto nito.

"Mister, please kausapin mo ko!"

Wala pa rin siyang nakuhang sagot mula sa lalake. Naglabas ito ng maleta sa tokador, naghalungkat sa dating gamit.

Naalarma si Ava, tuluyan na kaya siyang hihiwalayan ni Simon?

"Nakakainis ka talaga Simon Manlulupig!" dahil sa naghalong pagkabahala at pagkainis ay ibinato niya rito ang hawak na sandalyas, tumama ito sa likuran ni Simon.

Naniningkit ang mga mata nito ng lingunin siya.

"Bahala ka nga! Kung ayaw mo kong kausapin e di huwag! Kung aalis ka e di umalis ka! Kasalanan mo rin naman, hindi mo sinabi agad na kapatid mo pala si Andrea," panunumbat niya.

Pailing-iling lang ang tugon nito. tumalikod ulit at nagpatuloy sa paglagay ng lumang gamit sa maleta.

"Mister naman! Ayoko lang kasing may mauugnay sayong ibang babae dahil nagseselos ako. Dahil mahal kita Simon! Pero kung ayaw mo kong kausapin bahala ka, sana malunok mo na yang dila mo!" padabog na sabi niya. Pagkatapos ay tumalikod na..

Dahil nakatalikod na, hindi nakita ni Ava ang pagningning ng mga mata ng asawa at ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

Hindi pa man nakakalabas sa nakabukas na pinto si Ava, nagulat siya sa biglang paghatak ng asawa sa braso niya, pinaharap siya at ikinulong sa mga bisig nito.

"Saan ka pupunta? Matapos mong sabihin ang magic words, magwo-walk out ka?" seryosong tanong nito.

"Kasi nakakainis ka eh! hindi mo sinabi agad na kapatid mo pala si Andrea! na hindi naman ikaw ang nakabuntis sa kanya," nakasimangot na sabi niya.

"I tried, remember nung gabi na hindi naibigay sayo yong spare key ng bahay?"

Marahang tumango si Ava. "At ipinagluto mo ako ng pasta, pero ibihuhos ko lang sa ulo mo?"

Tumango si Simon.

"Pero kahit na, hindi mo pa rin sinabi agad. Pati yong pag-alis mo papuntang Europe hindi mo rin sinabi!"

"Pag-alis natin Sweetie, surprise ko yun sayo, bibisita tayo kay Mama at ang magsisilbing honeymoon na rin natin."

Napaawang ang labi niya.

"Totoo bang mahal mo ko?" nanunudyo ang mga ngiti nito.

Marahan siyang tumango.

"Ava Maria Purisima Manlulupig mas Mahal kita!" tinitigan siya nito sa mga mata."Mahal na mahal kita! mga bata pa lang tayo alam ko na sa sarili kong ikaw ang babaeng gusto kong makasama habang buhay," puno ng senseridad na pahayag nito.

Sinalubong ni Ava ang malamlam nitong mga mata, pakiramdam niya'y idinuduyan ang puso niya.

"Talaga?"

Inipit ng asawa sa likod ng tenga niya ang mga hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. Pagkatapos ay in*ngkin ang mga labi niya. Nanabik at puno ng pagsuyo ang mga h*lik nito. "Sinagot na ba ng mga h*lik ko ang tanong mo?" nanunudyong tanong nito ng iwan ang mga labi niya.

Matamis ang ngiting napatango-tango siya, tumingkayad at isinabit ang mga kamay sa batok ni Simon. Siya naman ngayon ang sabik na sumakop sa mga l*bi nito.

Ngunit maya-maya'y..

"Susmaryosep mga batang ito! Magsarado nga kayo ng pinto!" gulat na bulalas ni Lola Ising sa nakabukas na pintuan ng kwarto, sa tabi nito ay ang mga nanunuksong ngiti nina Tita Mahinhin at Tito Edwin.

Sandaling nagkahiwalay ang mga labi nila, nagtama ang mga mata at nagkatawanan.

Sumara ang pinto, subalit agad ding bumukas. "Pero bilis bilisan niyo ha! Aba'y gusto ko ng magkaapo sa tuhod." Sumungaw muli sa pintuan ang nakangiting mukha ni Lola Ising.

"Masusunod po Lola!" tugon ni Simon, na sumaludo pa.

Lumuwang ang mga ngiti sa mukha ng matanda, pagkatapos ay muling sumara ang pinto.

"Naalala mo ba ang ganitong eksena noon? ng maabutan nila tayo dito sa kwarto ko?" tanong ng asawa kulong siya sa mga bisig nito.

"Hindi ko makakalimutan ang mga araw na binubully mo ko,"

"Pero yun ang pinakamasayang pambubully na ginawa ko, dahil naging asawa kita. Tsaka ang totoo hindi kita binubully nagpapapansin lang ako, hindi ko kasi matanggap na mas gusto mo si Abet kaysa sakin, nagseselos ako!"

"Sus ikaw nga diyan, Parang damit lang kung magpalit ng babae," pairap na sabi niya.

"Sila ang lumalapit saakin, isa pa kahit kelan naman wala kang nakitang iniuwi kong babae dito sa bahay hindi ba? dahil ang babaeng gusto ko ay nasa tapat lang. "

Pakiramdaman niya'y tumimbang ng isaandaang kilo ang puso niya sa labis na kilig.

"Mahal kita Misis kong maganda! may antipara man o wala."

"Mahal din kita Mister kong habulin."

"Paano yan? Marami ka ng utang sakin." malisyoso ang ngiting sabi ni Simon.

"Utang!?"napakunot noo si Ava.

"Isang linggo na kong walang k*nta, aba! sabik na sabik na tong al*ga* ko sa magaling na singer." nanunuksong bulong nito sa tenga niya.

"Loko!" marahan niya itong hinampas sa balikat.

Ilang sandali pa'y sa malambot na k*ma saksi ang lumang silid ni Simon, sa halinhinang ung*l ng mag-asawang pinakawalan ang pagkasabik at pagmamahal sa isa't-isa.

**** WAKAS ****

Dito na po nagtatapos ang Kwentong Pag-ibig nina Simon at Ava. Sana po nagustuhan niyo, at maraming maraming salamat sa pagtangkilik. Please follow, vote and comment down for more kilig and inspiring stories...

Thank you so much! Love you all!
Please be safe and God bless...

Love_Nerie❣️

Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon