Araw ng Lunes.
Unang araw din nila sa trabaho sa MCC ang kilalang Civil Engineering Company na papasukan nilang mag-asawa. Sakay ng Montero na ibinigay din sa kanila ng Papa ni Simon, sabay na silang nagtungo sa opisina.
"Dapat nagpagawa tayo ng spare key ng bahay, para meron din akong hawak." suhestiyon niya kay Simon ng marating na nila ang parking area ng opisina.
"Bakit pa? sabay lang naman ang uwi natin sa bahay at pagpasok natin sa trabaho ako na lang ang hahawak ng susi." tugon ng asawa.
Napatango na lang si Ava.
Matapos silang kausapin ni Mr. Menard Lorenzo, ang CEO ng kompanya, ay nagsimula na sila sa kanya kanyang trabaho.
Ibang Simon Manlulupig ang nakita ni Ava pagdating sa trabaho. Focus ito sa ginagawa, seryoso at propesyonal. Hindi kababakasan ng pagiging makulit o kahambugan katulad ng ipinapakita lagi sa kanya.
Sa pantry, during lunchtime matapos mag-order ni Ava ng kanyang pagkain, ay naghanap siya ng bakanteng mesa. Nang makahanap ay agad na naupo at nag-umpisang kumain. Nakita niyang palapit si Simon, bitbit din ang tray ng pagkain nito.
"Engr. Simon, dito!" tawag rito ng isang babaeng nakaupo sa isang grupo ng mga kumakain rin.
Ito ang team ni Simon sa unang project na hahawakan nito. Nasa mahabang mesa ang mga ito. Doon nito pinauupo si Simon.
Nakilala niyang ang babaeng tumawag kay Simon ay si Andrea, ang sekretarya ni Mr. Lorenzo na ipinakilala kanina.
Atras abante naman ang mga paa ng asawa, kung sa kanya lalapit o sa mga kasamahan. Sa huli'y sa pangkat nito lumapit at nakihalubilo si Simon.
"Engr. Simon, I hope na single ka.. malulungkot kami kung taken kana!" biro kay Simon ng isa sa mga babae sa grupo, malakas ang boses ng mga ito kaya malinaw iyon sa pandinig ni Ava.
"Ahh.." napakamot sa ulo ang lalake, dumako ang mga mata nito sa kanya.
"Walang wedding ring, hindi pa siya married!" tuwang sabi ni Andrea hinawakan nito ang kamay ni Simon at itinaas.
Nagsitilian ang mga babae at nagsipag appear. Tuwang tuwa ang mga itong malamang single ang gwapong engineer.
Hindi malaman ni Ava kung bakit nasaktan siya ng hindi siya ipinakilalang asawa ni Simon.
Ganun din na hindi nito suot ang wedding ring nila. Ano bang aasahan niya? Malamang sinadya nito iyon upang makapambabae pa rin. Ano bang laban niya sa mga babae sa mesang yun na bukod sa magaganda, ay sexy pa kung manamit!?
Nawalan na ng ganang kumain si Ava, akma na siyang tatayo upang bumalik na lang sa trabaho ng lumapit sa mesa niya si Jacob Lorenzo, ang anak ng CEO.
"Hi! would you mind if i join you?" nakangiting tanong nito, may bitbit ding tray ng pagkain.
"Hi Mr. Lorenzo! No I don't mind." sagot niya.
Agad itong pumwesto sa harapan niya, at nagsimulang kumain. "Dahil magiging magkatrabaho tayo sa isang project, I think kailangan din nating maging magkaibigan." wika ni Jacob sa pagitan ng pagsubo.
Tumango ang dalaga.
"Let's start sa first name basis just call me, Jacob."
Tango ulit ang isinagot niya.
"Masyado ka namang mahiyain Ava, don't worry hindi ako nangangain at mabait akong manager." biro ng kaharap.
Napangiti si Ava.
Napansin naman ni Jacob, ang singsing sa kamay niya. "Married kana pala." tumikhim ang lalake at lumagok ng juice.
Ngumiti lang ulit si Ava, at dahan-dahang ibinaba ang kaliwang kamay na nasa ibabaw ng mesa. Alanganin siyang umamin, alanganin ding tumanggi. Nadako ang paningin niya kay Simon, na noo'y salubong ang mga kilay na nakatitig sa kanila.
*****
Sa elevator, nakasabay ni Ava sina Simon at ang grupo nito. Nagtaka siya kung bakit maging si Andrea ay kasama ng mga ito.
Napataas din ang kilay niya, dahil nakaabrisiyete ito kay Simon.
At ang magaling niyang asawa ay hindi man lang nailang kahit nasa malapit lang siya! Kung umasta pa ito ay parang di siya kilala. Nagpupuyos ang kalooban niyang nagsumiksik sa gilid ng elevator.
Pareho silang tahimik ng tahakin na nila ang daan pauwi.
Si Simon ang bumasag sa katahimikan. "Sweet niyo ni Jacob Lorenzo kanina!" sarkastiko ang tinig nito.
Nilingon ni Ava ang asawa, ito pa ang may ganang maging sarkastiko ngayon? matapos siyang ikahiya?
"Sweet rin kayo ni Andrea!" mas hinigitan ni Ava ang pagiging sarkastiko.
"Lalake ako Ava, walang mawawala sakin!"
"Baluktot na katwiran Simon!"
Napabuga ng hangin ang lalake tila nagpipigil magtaas ng boses. Mahigpit ang hawak nito sa manibela.
"Wag kang maglalalapit kay Jacob, hindi mo siya kilala." tiim bagang na sabi nito.
"Imposible yata ang gusto mong mangyari, magkasama kami sa isang project." katwiran ni Ava.
********
BINABASA MO ANG
Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)
RomanceSi Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahing matatandang dalaga at konserbatibong lola. Ekis sa kanila ang mga LALAKE dahil sa paniniwalang lahat ng lalake sa mundo ay BABAERO! And there's Simon Manlulupig, ang kapitbahay nila at kababata n...
