Naghahanda si Ava ng umagang iyon, upang puntahan ang asawa sa opisina nito. Balak niya itong suyuin dahil nagkagalit sila kagabi. Dala ng madaling araw na siyang nakauwi.
Galing siya sa Zambales para sa isang rehabilitation ng lumang tulay doon. Si Ava ang magdedesign kaya kinakailangang personal na puntahan. Upang suriin ang naging damaged nito at maibalik sa dating magandang kondisyon.
Kung tutuusin kulang lang tatlong oras ang biyahe mula Zambales pabalik ng Manila. Pero dahil hindi inaasahang sasama ang panahon ay may mga puno ang natumba sa daanan kaya natagalan ang pagbalik ng project team nila. Pinahupa nila ang sama ng panahaon bago bumiyahe pabalik. Hindi niya nagawang tawagan si Simon dahil mahirap ang signal ng telepono.
Nakatulog ito sa sofa sa salas sa kakahintay sa pagdating niya. Nang magkaroon ng connection ang cellphone niya ay punong puno iyon ng mensahe at missed calls mula rito.
Dahil masama ang loob sa kanya ay sa guestroom ito natulog. Nang magising naman siya ay wala na ito, nakapasok na sa opisina.
Pagdating ni Ava sa opisina ng AS Construction Services ang kompanyang itinayo ng asawa ay agad niyang binati at nginitian ang sekretarya nitong si Michelle. "Hi Mitch!"
"Hello Ma'am Ava, nasa loob po si Sir Simon kaya lang kasalukuyan niyang kameeting si Mr. Yu" nakangiti ring tugon ng sekretarya.
Ang tinutukoy ay ang malaking kliyente at may-ari ng isang Social Housing Agency, na nagpapagawa ng mga apartment sa AS.
Tumango siya at naupo sa malapit na couch dumampot ng magazine at nagbasa basa roon.
Hindi nagtagal lumabas na ang sekretarya ni Mr. Yu sa private office ni Simon.
"Tapos na ang meeting nila?" tanong ni Michelle rito.
"Yeah, nakigamit lang ng bathroom si Mr. Yu pero palabas na rin yun." tugon naman nito.
Sinenyasan siya ni Michelle na pwede na siyang pumasok sa opisina ni Simon. Agad siyang tumayo at nagpasalamat sa sekretarya. Excited siyang makita ang asawa, namiss niyo ito kagabi lalo't hindi sila magkatabi sa higaan.
May kausap si Simon sa cellphone nito ng buksan niya ang pinto. Matamis niya itong nginitian subalit lumukot naman ang mukha nito.
Hindi maitatangging masama pa rin ang loob. "Anong ginagawa mo rito? wala ka bang trabaho ngayon?" salubong ang mga kilay na tanong nito. Tinapos ang pakikipag- usap sa cellphone, saka siya hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Dinadalaw ang gwapo kong asawa, tsaka yayayain na ring kumain sa labas." pinalambing niya ang tinig lumapit sa kinauupuan nitong executive chair.
"Marami pa kong gagawin." tanggi nito umaktong tatayo, subalit mabilis siyang nakapwesto sa likuran nito at minasa masahe ang balikat nito.
"Mister, sorry na.. promise hindi na mauulit." higit niyang pinalambing ang tinig habang ilinapit ang bibig sa tenga nito.
Napakislot ang asawa.
Alam niyang hindi siya matitiis nito. Lalo't nagpaganda siya ng maigi ngayon. Suot ni Ava ang isang kulay kremang bodycon dress na bago magtuhod ang haba.Kaya lumitaw ang perpektong kurba ng kanyang katawan. Alam niyang halos lumuwa na ang mga mata nito subalit itinatago lang.
"Ano bang ginagawa mo?" anitong iniiwas ang mukha at leeg dahil pinapaliguan niya iyon ng maliliit na halik.
Napangiti siya, konti na lang at bibigay na ito sa kanya.
"Kung sana'y nagreresign ka na sa trabaho mo at tulungan mo na lang ako dito sa AS, e di sana nasa tamang oras ang uwi mo at magkasama pa tayo!"
Nang akma na naman itong tatayo ay kumandong na siya paharap dito nililis ang suot na dress upang maayos ang pagkakaupo. Tumambad dito ang mapuputi at makikinis niyang mga hita. Napalunok ang nag-iinarte niyang asawa.
"Konting panahon na lang Mister Please.. magreresign na talaga ko, ayaw ko lang kasing iwanan ang mga nauna ng projects."
"Ava, umayos ka nga! nasa bathroom pa si Mr. Yu, baka biglang lumabas." nagpipigil na sabi nito.
"Wala pa naman siya eh.." nang-aakit na sabi niya inumpisahang halik halikan ang likod ng tenga nito.
"Ava!" Kunwaring iwas pa rin ito kahit naramdaman na niya ang namukol na harapan nito.
"Namiss kita Mister!" patuloy na anas niya sa tenga ng asawa at kulang na lng ay isubsob niya ang dibdib sa mukha nito.
Hinuli nito ang dalawang kamay niya ng umpisahan na niyang buksan ang suot nitong long sleeve polo. "Kelan ka pa natutong mang seduce ha?"
At nahulog na nga ito sa bitag niya dahil nakangiti na ito.
Ipinagpatuloy niya ang pagkalas sa butones ng polo nito. "Bakit naaakit ka ba?" hinawi ni Ava ang nakalugay na mahabang buhok, patungo sa kanyang likuran dahilan upang mas lalo siyang kaakit-akit tingnan.
"Araw-araw naman akong naaakit sayo Misis!" wika ni Simon,hindi na nakapagpigil sabik na kinabig ang batok niya at sinakop ang mga labi niya. Napahagikhik si Ava, alam na alam niya kung paano itong papaamuhin.
Narinig nila ang pagpihit ng seradura ng pinto ng bathroom sa loob ng private office ni Simon. Sabay na naghiwalay ang mga labi nila.
"Si Mr. Yu!!" halos sabay din nilang nasabi..
*****
BINABASA MO ANG
Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)
RomanceSi Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahing matatandang dalaga at konserbatibong lola. Ekis sa kanila ang mga LALAKE dahil sa paniniwalang lahat ng lalake sa mundo ay BABAERO! And there's Simon Manlulupig, ang kapitbahay nila at kababata n...
