Part 20

1.7K 23 0
                                        

Hindi alam ni Ava kung paano siyang mabilis na nakarating ng bahay nila sa BF Homes. Ang naaalala niya kanina nasa taxi siya at panay ang hagulhol niya. Hindi nga mapigilan ng taxi driver na hindi siya tanungin kung okay lang ba siya. Paano nga ba ang maging okay pagkatapos ng natuklasan niya sa asawa at kay Andrea!?

Mabilis siyang nag-empake, ayaw na niyang makita si Simon! Makikipaghiwalay na siya sa asawa.

Inaasahan niyang ito ang magiging ending nila pero hindi niya akalaing ganito pala kasakit ang magiging resulta..

*****

Umuwi si Ava ng Del Gallego.

Mabuti na lang at may dahilan siya sa biglaang pag-uwi, kaya hindi siya gaanong inurirat ng mga tiyahin at lola niya. Nagtaka man ang mga ito kung bakit hindi niya kasama ang asawa sa pag-uwi, idinahilan niyang busy pa ito sa negosyo.

Kasal nina Mayumi at Frank sa susunod na linggo.Nagkabalikan ang mga ito at agad na nagdesisyong magpakasal, dahil hindi na umano sila bumabata.

"Tita Mayumi, paano mo nagawang patawarin at tanggaping muli si Tito Frank!?" tanong niya sa tiyahin ng magkasarilinan sila.

"Dahil mahal ko siya pamangkin, handa akong sumugal muli at magtiwala alang-alang sa pag-ibig ko sa kanya." kumikislap sa tuwa ang mga matang sagot ng tiyahan niya.

Siya kaya? Kaya rin ba niyang patawarin at tanggaping muli si Simon? Alang-alang sa pag-ibig niya rito?

Napabuntong hininga si Ava paano ba niyang mapapatawad ito ganitong hindi naman humihingi ng tawad?

Mag-iisang linggo na siyang nasa probinsiya pero ni text o tawag ay wala siyang natatanggap mula rito. Ni hindi man lang siya sinundan para suyuin at ipagpilitang bumalik sa bahay nila. Baka nga natuwa pa ito ng umalis siya dahil malaya ng makakasama ng taksil na asawa ang kabit nito!

*****

Bisperas ng kasal nina Mayumi at Frank,

May mga bisita si Ava, ang kaibigan niyang si Patty at ang kababatang si Abet. Naroon sila noon sa terasa na kadugtong lang ng harap ng bahay nina Ava.

"Ikaw ba yan Ava!? Halos hindi kita nakilala, napakaganda mo!" tuwang bulalas ni Patty.

Natawa siya sa reaksiyon ng kaibigan. Nanibago ito sa unang beses na nakita siyang walang suot na malaking eyeglasses, nakalugay ang buhok, at nakamaiksing maong shorts, bagaman loose ang suot na t-shirt ay bumagay ito sa shorts niya kaya mas higit siyang seksing tingnan.

"Oo naman Patty, Kumusta ka na?" nagyakap ang magkaibigan.

"Heto malusog pa rin kahit anong diet!" nakangusong tugon ng kaibigan.

"Ayos lang yan maganda ka parin naman" komento niya.

"Pero mas maganda ka."pamumuri pa ni Patty.

"Kaya nga ang swerte ni Simon." malungkot na wika naman ni Abet sa tabi nila.

"Hay naku Abet! di ka pa rin makamove on kay Ava? Tanggapin mo na, si Ava ay para kay Simon, at ikaw ay para sakin!" biro ni Patty sa pakamot kamot na si Abet.

Lihim siyang napalunok sa sinabi ni Patty.

"Magpapayat ka muna, saka kita liligawan." birong tugon naman ni Abet.

"Kapag ako pumayat, who you ka sakin Abet tandaan mo yan!" asar na sabi ni Patty.

Nagkatawanan sila.

Sabay-sabay silang napalingon sa kulay puting SUV na pumarada sa tapat ng bahay ng mga Manlulupig.

Kilala niya ang sasakyang yun, sa asawa niya!

Lumakas ang tahip ng dibdib ni Ava. Lalo na ng makitang bumaba ng sasakyan si Simon. With white polo shirt, khaki short, white sneakers at dark shades..

Ano't pakiramdam niya'y higit itong gumwapo sa ilang araw na hindi niya ito nakita? Kung ang puso niya lang ang susundin ay baka kanina pa siya tumakbo upang salubungin ito ng yakap at halik!

"Si Simon ba yan? Akala ko kung sinong artista!" si Patty napatigil pa ito sa pagsubo ng sandwich. "Sinundan ka na kaagad ng asawa mo Ava!" baling naman ng kaibigan sa kanya.

Napailing siya.

Nang tanggalin ni Simon ang suot na dark shade at isuksok sa suot nitong polo shirt ay nagtama ang mga mata nila. May natatanaw siyang kagalakan sa mga mata nito subalit ng madako ang paningin nito kay Abet ay dagling nawala iyon, napalitan ng tila lumagablab na apoy.

Ang akala niya'y kaya ito humakbang, ay lalapitan sila subalit lumigid lang pala sa kabilang pinto ng sasakyan. Upang alalayang makababa ang isang matangkad at seksing babae.

Si Andrea!

Saan ba nakukuha ang kapal ng mukha ng Simon na ito para dalhin pa sa lugar nila si Andrea? Hindi man lang nito inantay na ma-annuled ang kasal nila bago nito iexpose ang kabit nito?!

Pakiramdaman ni Ava ay nagsisikip ang dibdib niya. Agad siyang nagexcuse sa mga kaibigan. Pumasok sa loob ng bahay at nagkulong sa kwarto.

Naiwang kunot ang noo nina Patty at Abet..

*****

Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon