"Ava! Bakit nagawa mo saamin to? bakit apo ko!?" Palahaw ni lola Ising, nakayukyok ito sa balikat ni tita Mahinhin. Habang inaalo naman ng huli. Nasa salas na sila noon ng bahay nina Simon.
"Lola, mali ho ang iniisip niyo.." problemadong sabi ni Ava, tumabi siya sa mahabang sofang kinauupuan ng lola niya at ni Mahinhin, hinagod ang likod ng humahagulhol na matanda. Hindi kaya ng dibdib niyang makitang umiiyak ang lola niya.
"Ang ginawa niyo ni Simon ang mali Ava!" galit naman na sabi ni tita Mayumi. Kuntodo nakapamaywang ito, paroo't parito ang lakad.
"Tita Mayumi, wala pong nangyari samin ni Simon, naout balance lang ho ako at nana--" gusto niyang magpaliwanag. Tumingin siya kay Simon na nakatayo naman sa pinto ng front door, humihingi siya ng tulong para magpaliwanag rin ito.
Subalit sa unang pagkakataon ay nakita niya itong tahimik, seryosong nakakibit lang ng balikat at tila may malalim na iniisip.
"Walang nangyari sainyo? pero nasa loob ka ng kwarto ng lalake, nakahubad si Simon at at... nakaibabaw sayo!?" sabi naman ni Tita Mahinhin disappointed ang tinig nito.
"Tita please.. pakinggan niyo po ako." naiiyak na sabi niya.
"Ibangon niyo ang puri ng kaisa-isahan kong apo! Magpakalalake kayo mga Manlulupig!" tumaas baba ang dibdib na sabi ni lola Ising. Kulang na lang ay atakehin sa sakit sa puso.
Lumapit si Frank, may dala itong isang baso ng tubig. Inabot sa matanda. "Kumalma lang ho kayo Manang Ising, kakausapin ko si Kuya Mario ipapaalam ko ang nangyari." wika ni Frank, ang tinutukoy nito ay ang panganay na kapatid na tatay naman ni Simon.
"Bakit anong balak niyo?! Siguraduhin niyo lang na hindi madedehado ang pamangkin ko diyan." himig nagpoprotektang tanong ni Mayumi.
"Ipakasal na lang natin ang mga bata!" seryosong suhestiyon ni Edwin, nakaupo ito sa single sofa kaharap nina Ava.
"Ano ho!??" gulat at magkapanabay naman na tanong nina Ava at Simon. Nagkatinginan ang dalawa at tila nandiri sa isa't-isa.
*****
Patatapusin muna ang graduation nina Ava at Simon next month at aantayin ang resulta ng board exam. Bago ang kasal ng dalawa, ayon sa napag-usapan.
Nagtapos ng kolehiyo si Ava bilang Magna Cum laude, hindi naman iyon nakakapagtaka dahil subsob ang dalaga sa pag-aaral. Hindi matawaran ang kagalakan ng mga tiyahin lalo na ang kanyang lola, worth it ang sakripisyo ng mga ito para maigapang ang pag-aaral niya.
Ang hindi inaasahan ni Ava, ay ang karangalang nakuha ni Simon. Nakapagtapos rin kasi ito, at bilang Summa Cum laude pa! Mukha lang pala itong maloko at easy go lucky pero ang totoo, tutok naman pala ito sa pag-aaral.
Nang dumating nga ang resulta ng Civil Engineering Licensure Examination, pasado ang dalawa.
Sa araw ng kanilang kasal ay abot-abot ang kaba ni Ava. Nag-aalala siyang baka hindi sumipot sa araw ng kasal nila si Simon.
Paano'y ng nagdaang gabi ay kung ano-anong pangdidiscourage ang pinagsasabi nito sa kanya upang umatras siya sa kasal. Kaya iniisip niyang baka iwanan siya nito sa harap ng altar. Kapag nangayari yun tiyak na aatakehin sa puso ang lola Ising niya, dahil sa kahihiyan.
Pero ng umagang iyon, ayun sa tita Mayumi niya maaga pa raw naroon na sa simbahan si Simon. Kaya pinagagayak din siya ng maaga.
Kasalukuyan ng naglalakad noon sa aisle palapit sa kanyang groom si Ava, suot ang kanyang wedding gown, na minana pa niya kay lola Ising. Bagaman konserbatibo ang tabas dahil mataas ang neckline, takip ang mga balikat niya at hanggang sahig ang silhouette ay hindi naman iyon naging hadlang upang lumitaw ang tunay niyang ganda kapag naayusan. Lalo't hindi niya suot ang malaking antipara, naka contact lens siya.
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kanyang matikas na groom sa suot na tuxedo na bagaman mayabang ang tindig ay mahahalata ang pinaghalong excitement at kasiyahan sa mga mata nito.
Dumating ang mama Irene ni Simon mula sa ibang bansa. Sa unang pagkakataon ay nabuo ang pamilya nito. Napag-alaman niyang sa ina nakuha ni Simon ang gandang lalake nito. Mestisahin ang magiging biyenan, balingkinitan ang katawan, matangkad at mukhang bata keysa sa totoong edad, mukha nga lang itong kapatid ni Simon.
Paanong nagawang lokohin ni Tito Mario ang ganito kagandang asawa? Nag-alala si Ava sa kinabukasan niya, hindi malayong lokohin rin siya ni Simon, dahil kung ano ang puno siya rin ang bunga. Mauuwi lang din kaya sila sa hiwalayan? Lalo pa't pangit at baduy ang tingin nito sa kanya? Paano ba siyang napapayag na magpakasal rito?!
*****
BINABASA MO ANG
Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)
RomanceSi Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahing matatandang dalaga at konserbatibong lola. Ekis sa kanila ang mga LALAKE dahil sa paniniwalang lahat ng lalake sa mundo ay BABAERO! And there's Simon Manlulupig, ang kapitbahay nila at kababata n...
