Alas 6 ng gabi ng maalimpungatan ang mag-asawa. Dala ng makailang beses na pagdoorbell sa kanilang gate.
Nang pagbuksan ni Ava, si Jacob Lorenzo ang bisita nila! maluwang ang ngiti nito ng makita siya. Kahit pa may pasa sa gilid ng labi. May bitbit din itong bouquet of red roses.
"Jacob! w-what brings you here?" gulat na tanong niya.
"Masama bang bisitahin ko ang maganda kong Engineer?"
"Ah kasi.."
"Sweetie, sinong dumating!?" pupungas-pungas na tanong ni Simon, palabas ito ng front door. Ang suot nitong roba ay hindi pa maayos ang pagkakabuhol. Kaya nakalabas ang hubad nitong katawan at boxer shorts.
Parehong napataas ang kilay ng dalawang lalake ng magtama ang mga mata ng mga ito.
Si Jacob ay nailipat ang paningin sa kanya. Sa suot niya ring roba at gusot na buhok ay hindi maitatangging pareho silang bagong gising ni Simon. Rumehistro sa mukha ni Jacob ang pagkadismaya, ngayon nito nakumpirmang totoo ngang mag-asawa ang dalawa.
"Mr. Lorenzo! anong masamang hangin ang nagdala sayo sa bahay ko?" nakasimangot na tanong ni Simon.
"Mr. Manlulupig! may ibibigay lang akong dokumento kay Ava." kaswal na sagot ni Jacob.
Hinapit ni Simon ang beywang ng asawa, ipanakita sa kaharap na pag-aari niya si Ava.
"Sa pagkakaalam ko araw ng linggo ngayon, hindi oras ng trabaho. Isa pa anong klaseng dokumento ang ibibigay mo sa asawa ko at hindi naman yata papel ang hawak mo?"sarkastiko ang ngiti ni Simon. Ang tinutukoy ay ang hawak na bulaklak ni Jacob.
Lihim na pinandilatan ng mga mata ni Ava ang asawa, pinakakalma dahil hindi malayong mauwi sa away ang sarkastikong pag-uusap ng mga ito.
Bilang boss si Jacob ay magalang niyang inabot ang ibinibigay nitong bulaklak. Napangiti naman ito at tinungo ang sasakyan may kinuhang folder at iniabot sa kanya.
"Mga Bidding documents, paki-evaluate na lang." wika nito.
Tumango si Ava." Thank you! Ah pasok ka muna." anyaya niya.
Tumanggi ito at maya-maya'y nagpaalam na.
Nang makaalis na si Jacob ay padabog na isinara ni Simon ang gate at nakasimangot na nagpatiuna sa loob ng bahay.
Agad naman niya itong hinabol, inilapag ang hawak na folder at bulaklak sa center table. Nang maabutan ang asawa pinaharap niya ito at nangunyapit sa batok nito. Napapangiti ang puso niya sa reaksiyon nito, nagseselos ba ang asawa niya?
"Nagseselos ka ba kay Jacob?" nakangiting tanong niya rito.
"Oo, at tinanggap mo pa talaga ang pabulaklak niya." sambakol ang gwapong mukha nito.
"Mister, ikaw ang asawa ko at boss ko lang si Jacob, kaya wala kang dapat na ipagselos!" paliwanag niya rito.
"Pero iba ang pakay niya sayo." iwas ang paningin nito sa nang-aakit niyang mga mata.
"Kakausapin ko si Jacob, I'm sure maiintindihan niya, na may asawa na kong tao at hindi na pwedeng ligawan!"
"Talaga?" umaliwalas na ang mukha nito.
Tumango tango siya. Pagkatapos ay napahagikhik, dahil binuhat siya nito paharap at siniil ng halik ang mga labi niya.
*****
Ang mga sumunod na araw at linggo kay Ava ay napakasaya. Ngayon niya unti-unting nakikilala ang malambot na side ng asawa. Ang pagiging maalalahanin,maalaga at malambing nito. Higit sa lahat anuman ang ayos o gayak niya ay proud na ipinakikilala siya nito sa lahat bilang maybahay.
Pero para na rin sa sarili ay unti-unti niyang sinana'y na magsuot ng mga kasuotang hindi naman daring pero hindi rin naman konserbatibong tingnan. Ang mga mata niyang may kalabuan ay pinalinaw ng nagdaang Laser Eye Surgery upang hindi na niya kinakailangan pang magsuot ng malaking eyeglasses.
Ang dating inaakala niyang kayabangan ni Simon ay napalitan ng paghanga. Hindi lamang mataas ang antas ng kaalaman nito sa engineering maging ang mga kasanayan sa pangangasiwa. Mabilis na naitayo ang AS Construction Company. Unti-unti na itong lumalago at nakikilala.
BINABASA MO ANG
Married to a Playboy (Completed/Tagalog Love Story)
RomanceSi Ava Sta. Monica ay lumaki sa poder ng mga tiyahing matatandang dalaga at konserbatibong lola. Ekis sa kanila ang mga LALAKE dahil sa paniniwalang lahat ng lalake sa mundo ay BABAERO! And there's Simon Manlulupig, ang kapitbahay nila at kababata n...
