LUCIAN
Pagod na ibinagsak ni Lu ang kaniyang katawan sa malambot na kamang nasa kwarto niya. Kagagaling niya lang kasi sa trabaho at marami-rami rin ang kinailangan niyang pagtuonan ng pansin dahil may nagulo sa isang procedure ng prototype production nila.
Mataas kasi ang posisyon niya sa kompanyang pinagta-trabahuhan niya. Isa na siyang Senior Design Engineer sa Helios, isang multinational na car-manufacturing company.
Dalawang katok sa pinto niya ang naging dahilan para bumangon siyang papaupo.
"Kuya?" rinig ni Lu na tawag ng nakababatang kapatid niya, si Liam.
"What do you need?" tanong niya rito pagkatapos niyang buksan ng bahagya ang pinto. Nakangiting-aso sa kanya ang kapatid, halatang may hihingin.
"Kuya, kasi I want to attend yung students' night na gaganapin sa main campus ng univ, eh may bayad kasi yon eh. Tanong ko sana kung pwede mo kong bigyan, hehe. Ayaw ko kasing bawasan yung allowance ko this week," tanong ng kapatid niya na talagang ngumuso pa.
Lu rolled his eyes at his brother. Kung hindi lang talaga ito ang kaisa-isang kapatid niya, hindi siya magpapaka-rupok dito.
"Sige na, kailan ba yun saka magkano?" usisa niya habang nakatalikod sa kapatid para kuhanin ang pitaka niya sa bag. Narinig niya naman ang excited na pagtawa ng kapatid niya.
"200 ang entrance, kuya. This Friday po, sa school din gaganapin," paliwanag ng kapatid niya.
Dumukot siya ng limang daang pisong papel at iniabot yon sa kapatid. Malaking ngiti naman ang ibinigay sa kanya ni Liam. "Oh, baon mo yan para roon ah, don't add it to your allowance para di mo agad magastos," paalala niya rito.
"The best ka talaga kuya!" pambobola nito habang kumakaway na umalis sa harap niya. Umirap naman sa ere si Lu at muling isinara ang pinto ng kwarto niya.
He's sure that Liam is planning on buying something kaya ayaw nitong gastusin ang allowance para sa entrance fee, hindi niya nga lang sigurado kung ano yon. Baka pinag-iipunan na naman ng batang yon ang pambili ng mga skin sa online game na nilalaro nito.
Lu returned to his previous position, lying comfortably on his bed. Hindi pa nakaka-isang minuto ay cellphone naman niya ang gumambala sa kanya.
Sisimangot na sana siya nang makita niyang pangalan ng ina ang nakasulat sa caller ID.
Agad na nataranta si Lu at sinagot ang tawag. Paano kasi, siguradong mapagsasabihan na naman siya nito kapag hindi agad niya sinagot ang tawag nito.
"Hey, mom," bati ni Lu sa babaeng nasa kabilang linya.
"Oh, kumain na ba kayo ng hapunan?" kaagad na tanong ni Lian sa panganay.
"Hindi pa po, kauuwi ko lang, nagpapahinga pa," sagot niya rito saka muling humiga sa kama habang nakatapat ang cellphone sa kanang tenga niya.
"Okay, pero maya-maya ay magluto ka na rin agad at baka magutom kayo. I'll be arriving home late, kakain na lang ako sa labas," bilin ni Lian. Kahit hindi siya nito nakikita, Lu nodded his head. Nakasanayan niya na ito dahil ayaw ng mom nila na hindi sila nagpapakita man lang ng understanding sa mga sinasabi nito sa kanilang magkapatid.
"Yes po, madam," Lu answered in a joking manner. He heard his mother chuckle.
"Siya sige na, ibababa ko na ang tawag. Don't forget to call me if may emergency. Kung hindi ako ma-contact ay kay dad mo ikaw tumawag. Stay safe and protect your brother," pahuling sabi ng babae. Bago naman siya maka-oo ay nagpahabol pa ito. "Bye, anak, I love you."
BINABASA MO ANG
Gears and Glory
RomanceLucian Jared Alegre is very contented with his life. Born in a wealthy family, loved by his parents, and idolized by his brother. What more could he ask for? He's also working as a senior engineer in a multinational, car-manufacturing company in th...