Chapter 4

54 3 0
                                    

KAYDEN

Pagkasakay na pagkasakay ni Kayden sa kotseng iniwan ni Elijah ay tinawagan niya agad ang kapatid niya.

"What is it, bunso?" tanong ni Kaizer galing sa kabilang linya.

"Kuya, fuck you talaga. Na-offend ko pa yung isang empleyado ko. Ano ba naman kasing utos yang ipinababa ni dad?!" reklamo niya sa kapatid. Nasabihan niya kasing "are you not competent?" ang isa sa Senior Design Engineers nila kanina habang pinag-uusapan nila ang paglalabas ng new design ng kotse. Ang problema, eto ang pinakamagaling nilang Design Engineer.

"Kayden, wala rin akong magagawa dyan, hindi naman ako ang nagde-desisyon sa Helios," sagot ng kuya niya.

Nakakagago talaga ang mga taong nakaupo sa taas ng Helios, puta, mura ni Kayden sa isip niya.

"Sobra na eh. Ako nga na hindi naman Engineering ang tinapos ay alam na walang kwenta yang deadline nila," dagdag pa ni Kayden.

"Ang tanong ko naman sayo, bakit mo kasi in-offend ang empleyado mo? Alam mo na ngang unreasonable yung utos, di mo na lang ki-nomfort yung tao," Kaizer scolded him.

Gets niya naman ang sinasabi ni Kaizer, kaso nga lang ay baka mainsulto niya ng sobra-sobra ang ama kapag sumang-ayon siya kay Lucian.

"I just didn't want to insult dad ng hindi ko siya kaharap. Sigurado akong mapapamura na lang ako kapag sinabi ko ang totoong iniisip ko. Anyway, kasalanan mo kapag nag-resign yung Engineer ko, gago ka," paninisi ni Kayden sa kapatid.

Tumawa naman si Kaizer sa kabilang linya. "Walang magtatangkang mag-resign sa Helios, Kayden."

Yeah, because Helios is the fucking greatest, puno ng sarkasmo niyang sabi sa sarili. Masyadong bilib ang kuya niya sa kompanya nila.

"Ewan ko sayo, putangina mo. Sige na, ibababa ko na. May pupuntahan pa ako," paalam na lang niya sa kapatid. Nagpaalam naman din si Kaizer bago nito pinatay ang tawag.

Kaagad siyang nagmaneho papunta sa cafe na sinend sa kanya ng nililigawan niyang babae.

He's currently courting Jeana Mendez, a nurse. Nakilala niya ito nang minsang maaksidente ang panganay niyang kapatid, si Keilan, at isinugod ito sa hospital. Isa si Jeana sa mga naging nurse ni Keilan, at ilang beses silang nagkausap ni Kayden.

Masayahin ang babae, at hindi ito maarte. Mabait din ito lalo sa mga matatanda. Kaya naman nagustuhan agad ni Kayden ang babae. Dahil hindi naman siya mahiyaing tao, nagsabi agad siya kay Jeana na gusto niyang manligaw. Hindi porke't bago na ang panahon ngayon, kakalimutan na niya ang panliligaw. Palagi iyong ipinapaalala ng mom niya.

At ngayon nga, ipakikilala daw ni Jeana sa kanya ang best friend nito. Sigurado siyang makakasundo niya ang best friend ng babae, dahil sa mga kwento ni Jeana ay nahihinuha niyang mabait din iyon.

Nakwento rin ng nililigawan niya na Mechanical Engineer ang lalaki. Hindi niya lang natanong ang pangalan nito dahil sabi ni Jeana ay magmi-meet din sila agad. Tanungin na lang daw niya ng direkta.

Baka pwede ko siyang bigyan ng position sa kompanya, para mapadali naman ang trabaho ni Lucian, pag-iisip ni Kayden. Si Lucian lang kasi ang talagang nakaka-meet sa standards ng ama niya pati ng mga tito niya. Gustong-gusto ng mga ito ang lalaki. Since magaling naman ang best friend ni Jeana base sa mga naike-kwento ng babae, baka sakaling pwede niyang i-hire ito.

Nang makarating siya sa cafe ay agad siyang sinalubong ng nililigawan. Nakangiti ito habang nakahawak sa braso niya at iginiya siya sa loob.

"Kumusta yung meeting?" tanong sa kanya ni Jeana. Nakwento kasi niya rito na may imi-meet siyang empleyado ngayon.

Gears and GloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon