Chapter 5

42 3 0
                                    

LUCIAN

"I'll be leaving, may kailangan pa kasi akong i-meet later at one pm," paalam ni Lucian kay Jeana at kay Kayden. Tumango naman ang babae sa kanya at ngumiti.

"Oh, I'll be leaving as well, Jea. May aasikasuhin din kasi ako sa company," pagpapaalam din ni Kayden bago ito tumayo sa kinauupuan nito.

"Ah, siya magsabay na lang kayo palabas sa cafe, tutulong lang ako kay tita Carla dito sa cafe pansamantala," sagot sa kanila ni Jeana. "Ingat kayo sa pagda-drive pareho," dagdag pa ng dalaga.

Tumaas naman ang kilay ni Lu sa babae. "Ano? Manghihingi ka na naman siguro ng libre kay ninang," asar niya sa kaibigan. Sabay silang napatawa ni Kayden kaya't napatingin siya sa boss niya. Nakatingin din pala ito sa kanya habang tumatawa, tuloy napaiwas siya ng tingin dito. Nanghihina ang tuhod niya.

"Bastos talaga ang bibig mo, Lucian. Pero anyway, ingat kayo ah, di ko na kayo ihahatid sa may parking lot," paalam ni Jeana sa kanila.

Tumango lang si Lucian bago sila sabay na naglakad ni Kayden papunta sa pinto ng cafe.

"Boss, papaalam lang ako sa tita ko," saad niya kay Kayden.

Kayden nodded at him. "Go on, I'll wait for you para sabay na tayong lumabas."

Ngumiti naman siya sa lalaki bago lumapit sa may reception kung saan nakikipagbiruan ang ninang niya sa mga empleyado nito.

"Ninang," tawag niya ng pansin sa matanda. Humarap naman ang babae at tuwang-tuwang tumakbo at yumakap sa kanya. Tumatawang niyakap naman ito ni Lucian pabalik.

"Ikaw bata ka, kung hindi ka pa raw iimbitahin ni Jenang ay di ka pa bibisita rito," kunwaring pagtatampo ng matanda.

Humalik naman si Lu sa pisngi ng ninang niya at inalo ito. "Sorry na, nang. Busy kasi sa trabaho eh, masyado akong pinahihirapan ng mga boss ko," sagot ni Lucian na talagang nilakasan pa ang boses sa huling bahagi ng litanya niya. Nakita niya naman ang pagtaas ng kilay ni Kayden kasabay ng pagtawa nito.

"Siya, hijo, hindi na kita patatagalin dito, baka may mga dapat ka pang gawin. Mag-iingat sa pagmamaneho ah," paalam ng matanda sa kanya.

"Sige po, nang, una na po kami," sagot naman ni Lucian dito.

Binitawan naman ng matanda ang pagkakayakap sa kanya at saka nilapitan si Kayden. Nagtatakang sumunod naman si Lucian sa ninang niya.

"Hijo, mag-iingat sa pagmamaneho ah, ingatan mo itong pamangkin ko," saad ng matanda kay Kayden kaya't pareho silang nagkatinginan ng lalaki. Awkward na tumikhim si Kayden at awkward naman siyang napatawa.

"Nang, si Jea ang nililigawan ni Kayden," pagtatama ni Lucian.

Gulat na napatingin sa kanya si tita Carla niya. "Ha? Eh kanina..." hindi na itinuloy ng babae ang sinasabi nito at ngumiti na lang. "Siya, pasensya na kayo, sige na. Mag-iingat ha," paghingi na lamang ng paumanhin ng matanda.

Habang naglalakad sila ni Kayden patungo sa mga sasakyan nila ay nagsalita ang lalaki. "Your ninang exudes really kind vibes," pansin nito.

Mahinang tumawa si Lucian. "Yeah. Yung family ni mom, sadyang mababait. Medyo strict lang si mom saming magkapatid pero she's the best mom," sagot niya sa lalaki.

Kayden hummed beside him. "Eh bakit ikaw?" tanong nito kaya't tumigil si Lucian at kunwaring tumingin ng masama sa lalaki.

"At anong ini-imply mo na naman, gago?" hamon niya rito.

Gears and GloryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon