LUCIAN
Nakakunot-noong umupo si Lucian sa swivel chair na nakalaan para sa kanya. Sumasama ang timpla ng mukha niya habang inaalala ang kabababa lang na utos galing sa superior niya.
Ganito kasi ang nangyari, they were supposed to release a new car next month. Matagal nilang ginawa ang sasakyan mula sa initial sketch nito hanggang sa prototype na ilalabas nila sa merkado sa susunod ng buwan. But those fucking asshole superiors just told him that they want to release another design, a different one, na isasabay sa isa pang design na nauna na nilang gawin.
Sa totoo lang, wala namang problema kay Lu kung biglaan pa siyang pagawain ng kotse. It's his passion, cars are his dream. Mahilig siya sa sasakyan simula pagkabata kaya't may motivation siya kahit mahirap ang trabaho.
Kung ang paggawa lang ng panibagong design ang pag-uusapan, yakang-yaka niya naman na yun. Ang problema lang talaga niya ay ang deadline na ibinigay ng mga ito. Papano siyang makakabuo ng sasakyan ng less than a month? Ano ba siya, nagma-magic?
Inis na ibinagsak ni Lucian ang folder na hawak niya. Laman nito ang presentation niya kanina tungkol sa bagong disenyo ng sasakyan at iba pang detalye tungkol sa release.
Niluwagan niya ang necktie na suot at minasahe ang sentido. Those fucking old men.
"Engr. Alegre?" alanganing tawag ng isang tauhan niya. Huminga muna siya ng malalim bago pilit ang ngiting hinarap ang babaeng mas bata ng kaunti sa kanya.
"What is it, Mitchelle?" tanong niya sa kalmadong boses kahit na ang totoo ay gusto niya na talagang sumigaw.
Agad namang nagliwanag ang mukha ni Mitchelle nang makitang nakangiti siya.
"Sir, gusto raw po kasi kayong makausap ng Production Department Chairman," paliwanag ng empleyado.
Lu's smile wavered. He badly wanted to release his anger pero inaalala niya ay baka matakot ang mga empleyado niya. Mahirap magtrabaho kung takot sayo ang mga empleyado mo.
"Noted yan, Mitch. Thank you for informing me," pasasalamat niya sa babae saka nagkunwaring may binabasa sa folder. Hindi niya na kasi kayang patagalin ang ngiting pineke niya lang naman.
Nang makaalis si Mitchelle sa harap mg area niya, agad niyang ikinuyom ang kamao at nagmura ng mahina.
"Fuck this shit," mura niya habang tumitipa sa keyboard ng computer niya. Ina-upload niya kasi sa isang drive ang mga files niya pagkakatapos ng mga presentation niya para masiguradong may back-up copy siya.
Tumunog ang telepono sa gilid niya at nakitang tumatawag ang best friend niyang isang linggo na yata niyang hindi nakakausap. Busy kasi siya sa pag-prepare ng para sa release nila, at busy naman ito palagi dahil nurse ang babae.
Sinagot niya ang tawag at kaagad niyang narinig ang excited na tili ni Jeana.
"Guess what, gago?" bungad sa kanya ng babae. Napakabastos talaga ng bibig. Ilang araw silang walang usap tapos gago ang ibubungad sa kanya?
"You call me after so long just to curse me out? Itapon kaya kita?" masungit niyang sagot dito. Sanay na naman si Jeana sa ganitong ugali niya.
"I'm gonna let your bitchy attitude go dahil good mood ako ngayon, bakla," saad ng kaibigan.
Napangiwi naman si Lucian sa itinawag sa kanya ng babae ngunit hindi niya na rin pinuna. Natututo na kasi ito ngayon na makipag-usap gamit ang gay lingo.
"So? Anong ikinapuputok ng butsi mo?" pag-usisa niya sa kaibigan.
"Someone's courting me, Lu. Can you believe it? Akala ko talaga ay tatandang dalaga ako!" pagke-kwento nito. Napahalakhak naman si Lu sa babae. Naniniwala naman siya sa sinabi ni Jeana, maganda naman kasi ito. Pero gusto niya munang asarin ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Gears and Glory
RomanceLucian Jared Alegre is very contented with his life. Born in a wealthy family, loved by his parents, and idolized by his brother. What more could he ask for? He's also working as a senior engineer in a multinational, car-manufacturing company in th...